Kabanata 3

112K 3.9K 620
                                    

K A B A N A T A 3
༺❀༻

        Napabuntonghininga si Sabrina at napatigil sa pagwawalis ng mga dahon na nahulog mula sa malaking puno sa hardin dahil hindi mawala sa kaniyang isip ang nangyari kagabi.

She clearly remembers what exactly happened last night. Every detail and feeling is still vivid in her mind.

Muli silang nagtagpo ng asawa na matagal na niyang hindi nakikita. Dapat ay matuwa siya, pero iyon ay kung nasa ibang pagkakataon sila, hindi sa ganitong panahon.

Sadyang mapaglaro nga ang tadhana.

Ito mismo ang gumawa ng paraan upang magtagpo sila. Upang paglapitin ang daan na matagal na niyang pinutol.

Halos wala rin siyang tulog dahil sa tuwing ipipikit niya ang kaniyang mata ay ang galit na mukha ni Demitri ang kaniyang nakikita.

She saw how he hated her, she felt him stilled when she hugged him. Siguro ay puno ng disgusto ito sa kaniya kaya gano'n ang naging reaksyon.

Mapait siyang napangiti.

Who would accept her after what she did? Why did she hope that when he saw her again, he would greet her with a big hug and a sweet kiss?

Kalokohan.


Marahan niyang pinunasan ang luha na tumulo na pala sa kaniyang mata bago napatingin sa malaking bahay. She had no idea Demitri would be like this. She knows her husband is a hard-working person, and she trusts him in that aspect, but this type of wealth is another. Alam niya noon na may kaya ang pamilya ng lalaki, may negosyso pero hindi niya inaasahan na mala-palasyo ang ipapatayo nitong bahay pagkalipas lang ng ilang taon.

How about his condo?

Noong nagsasama kasi sila ay sa condo muna sila dahil sabi nito ay pinapagawa pa ang bahay nila. Hindi na niya iyon nakita dahil nga umalis siya.

Ito kaya 'yong pinagawa ni Demitri? Pero imposibile iyon paniguradong hindi ro'n titira si Dem kung nagkataon baka ibinenta na nito ang pinagawa nitong bahay para sa kaniya para lang mawala lahat ng koneksyon nila.

Nagbaba siya ng tingin sa mga dahon na nagsisimula na naman kumalat.

Katulad ng pagkatao niya, limang taon niya itong inipon pero nang makita niya ang lalaki ay para itong hinangin at nagsisabog.

Gano'n ang pakiramdam niya kagabi.

Nagpapasalamat na lang siya nang magising siya kaninang umaga ay wala na ito. Hindi na siya nagtanong pa sa mga kasama kahit sa mayordoma.

Mas mabuti ngang wala roon si Demitri para makakilos siya nang maayos sa bahay.

Napatingin siya sa gilid niya nang may nagsalita.

"Rina, pinapatawag ka ni Manang, magpapatulong ata sayo sa itaas," imporma ng isa sa mga kasamahan niyang katulong. Rina ang pakilala niya sa mga ito, iyon na kasi ang ginagamit niya simula noon makabalik siya.

"Sige tapusin ko lang ito," nakangiting sagot niya, ibinalik naman nito ang ngiti bago pumasok sa loob.

Mabilis niyang tinapos ang winawalis, ilang beses siyang nagpalinga-linga dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya o nanunuod.

SDSS 1: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon