Kabanata 10

179K 4.6K 1.9K
                                    

K A B A N A T A 10
༺❀༻

"Mom, I told you I can eat alone. You don't have to feed me." Hindi maiwasan ni Sabrina na mapangiwi sa sinabi ng anak, ni Devon.

He's acting like an old guy. Again.

Hindi ito nag-baby talk kung makakausap mo ito ay matatas na itong magsalita kahit na nasa gano'n edad pa lang. Siguro dahil na rin sa sistema kung paano ito lumaki, malayo sa kaniya at tanging mga nasa facilities ang laging kausap.

Masiyadong matured.

"Oh, come on baby, don't you miss Mommy?" Nagpaawa pa siya rito pero nakita lang niya napanguso si Devon.

Nanggigigil na niyakap at hinalikan niya ang anak. Mabuti na lang at bumuti na ang lagay nito. Halos dalawang buwan na rin simula nang na-operahan ito sa bituka at salamat sa Diyos at mabuti na ang lagay ng anak niya.

Sandaling natahimik ang anak tapos ay tumingin sa nakasarang pinto ng ospital bago bumalik ang tingin sa kaniya.

"Why don't you talk to him? You said, everyone need a chance. I can feel Daddy's sincerity." Napalunok siya sa sinabi ng anak tapos nagbaba ng tingin bago bumuntong hininga.

"Are you not mad? Sa daddy mo?" balik tanong niya sa anak.

Nagkibit-balikat si Devon animong matanda na ito tapos umayos ng pagkakaupo.

"Mom, sabi mo nga po matutong magpatawad. May nagawa kang mali, may nagawa rin mali si daddy," matatas na wika nito sa tagalog.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang matitigan ang anak kamukhang-kamuka ito ni Demitri kahit nga ang pagsasalita nito ay parang ang ama nito.

"Hindi kasi gano'n kadali iyon, anak. Hindi ba nasabi ko naman na sa'yo ang lahat ng nangyari? Si Mama, hindi pa kayang harapin si Daddy, pagkatapos ng lahat. Tayo muna anak, ikaw muna ang priority ko, wala akong ibang iniisip kung hindi ang paggaling mo."

Nakita niyang tinitigan siya ng anak sandali bago marahan tumango at hindi na namilit pa.

Lumipas ang oras na nanunuod ng tv ang anak, nang maghapon ay nagpasiya siyang lumabas para magtingin ng puwedeng makain sa canteen.

"Bibili lang akong pagkain ah."

"Okay po."

Napapailing na lumabas siya sa kwarto nito.

Kaagad sumikip ang kaniyang dibdib nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader ng ospital habang nakadukmo sa tuhod. Si Demitri, simula noong event, simula nang pinagtapat niya ang lahat dito ay akala niyang titigil na ito pero hindi ito tumigil.

Maglilimang buwan na ang nakaraan.

Hindi pa niya ito ulit nakakausap tungkol doon ulit. Tinanggap niya ang offer nitong tulungan siya sa pagpapa-opera ng anak nila. Sino siya para tumanggi? Kung para naman sa anak niya ay gagawin niya.

Siguro nga kakapalan ng mukha na manghingi pa rito, pagkatapos ng lahat ngunit mas inisip na lang niya ang kalagayan ni Devon. Ang anak muna niya bago niya isipin ang nararamdaman niya.

Naaabutan niya ito minsan kapag lumalabas siya ng kwarto, ngunit hindi niya ito kinakausap.

Halos dito na rin ata nakatira si Demitri sa ospital, hindi na siya nagtataka na nahanap sila nito. Hindi ito umalis at lagi lang naka-abang sa labas ng kwarto ng anak.

Masiyado siyang abala sa lumipas na panahon at saka isa pa, hindi naman gano'n kadali lahat iyon.

Sigurado siyang pumapasok ito sa kwarto kapag tulog sila ni Devon. Dahil noong nakaraan araw ay naalimpungatan siyang may humalik sa kaniyang labi. Tapos laging bukang bibig ng anak ang Ama. Paniguradong nag-uusap na ang dalawa habang tulog siya.

SDSS 1: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon