Kabanata 2

113K 4.1K 619
                                    

K A B A N A T A 2
༺❀༻

 

            Palakad-lakad si Sabrina sa kwarto ng mga kasambahay katulad niya habang kagat-kagat ang kaniyang daliri. Sobra siyang kinakabahan, ang kabog ng kaniyang dibdib ay halos marinig na rin niya. Hindi niya lubos maisip na ang huling taong gusto niyang makita ay ang amo pa niya!

Nice!

Gusto niyang umalis o tumakbo palayo sa mala-palasyong bahay na ito pero naisip niyang hindi pwede, bukod sa nangangailan siya ng pera ay mahihirapan na ulit siya makahanap ng susunod na trabaho at ayaw niyang magutom ang mga umaasa sa kaniya.

Kinagat niya ang itaas na labi habang naalala ang pangyayari sa kusina kanina.

Hindi niya alam kung magpa-
pasalamat siya ng bigla na lang tumayo si Demitri nang makita siya at malalaking hakbang na lumabas sa kusina.

Hindi niya alam kung saan pumunta ang lalaki, roon lang sila nakahinga nang maluwag.

The shock on Demitri's face could not be erased from her mind. She was startled too. Sabrina cannot deny that he has always been attractive. However, she can admit that his elegance has grown over the years and his appearance has matured. Even though they had only met a while earlier, his presence was intimidating.

Siyempre pinagalitan kaagad siya ng mayordoma bago siya papasukin sa kwarto. Baka hindi raw nagustuhan ng amo nila ang niluto niya. Paano kaya nalaman ni Demitri na luto niya iyon? Naaalala pa rin ba nito ang lasa kung paano siya magluto?

Noon kasi ay kahit ilang buwan lang silang nagsama bilang mag-asawa ay araw-araw naman niya itong pinagsisilbihan, inaalagaan.

Mariin siyang napapikit.


Pinilig niya ang kaniyang ulo para alisin ang ala-ala na iyon, dapat ay hindi na niya naiisip ang mga bagay na matagal ng taon ang nakalipas.

Limang taon na simula nang umalis siya sa puder nito.

Ni hindi nga niya alam kung anong nangyari rito pagkatapos ng araw na iyon at wala siyang lakas ng loob na alamin pa dahil siya naman ang may kasalanan.

It's her fault, she left him.

Kahit kabado ay lumabas siya sa silid dahil alam naman niyang hindi siya maaaring manatili sa kwarto lang. Nauuhaw na rin siya at kumakalam ang sikmura. Hindi naman kasi siya nakakain kanina dahil sobrang kaba na naramdaman niya.

Madilim na ang buong bahay, kagat-labing pumunta siya sa kusina habang hawak ang tiyan.

Pagkapasok niya roon ay hindi pa rin niya binuksan ang ilaw, ayaw naman na niyang makagawa ng ingay o ano mang dahilan para magising ang iba.

Dahan-dahan niyang binuksan ang refrigerator, kaagad dumapo ang mata niya sa fried chicken na nando'n, napabuntonghininga siya saka kinuha iyon.

Tahimik na nagsimula siyang kumain. pagkatapos maubos ang pagkain. Naaawa siya sa sarili dahil palihim pa siya kumakain.

"Si Devon kaya kumain na?" mahinang bulong niya.

SDSS 1: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon