Walang Iwanan

493 13 17
                                    

*One Shot*

Ako si Shatakashi Gylhe. Highschool student, to be more specific ako ay 3rd year highschool na.

Wala na akong tatay sinundo na siya, kinuha na siya samin ..  papuntang langit. Nalaman ko na lang ang sakit niya ng napansin kong napapadalas na sila ng mama ko sa ospital.

Nakakaiyak, ilang taon na ang nakalipas ng mawala na siya at hindi parin ako napasmile ng kahit nino.

Lagi akong nakasimangot kahit sa school, nadi nila ginagawang topic ang dad nila kapag alam nilang naroroon ako. Dahil alam nilang magwa-walk out ako at iiyak sa cr.

  ---

Naligo na ako at nagbihis, kumain at nagpaalam kay mama na papasok na ako.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Yan na naman siya, araw araw ako tinatanong niyan kung okay na ba ako.

"Okay lang." 

"Wag kang magsinungaling, kilalang kilala na kita." Hayy, ang sweet niya talaga at ang galing pa .. hindi ako nakakapagsinungaling dahil alam niya kung totoo ang sinasabi ko o hindi.

"Oo na. Hindi pa ako maka-move on." Nangingiyak kong sabi.

"Okay lang yan nandito naman ako para sayo. Hinding hindi kita iiwan." Uwahh!! Nakaka-asar natotouch ako sa sinasabi niya. Napa smile ako sa sinabi niya. Huwow napa smile niya ako. "Napa smile kita, ang alam ko hindi ka pa ngumingiti mula nung... Ang galing ko!" 

Ngumiti na lang ako uli, wala akong masabi eh, siya lang uli ang nagpangiti sakin eh.

"Bestfriend, promise me." Oo bestfriend ko yang kausap ko.

 "Promise." Niyakap niya ako at piningot ang ilong ko. Matangos kasi.

'Halika na? Baka malate na tayo." Sabi ko.

Ganyan na kami lagi. Maabutan ko siya sa labas ng gate namin at sabay kaming pupunta sa school. 

Lagi kaming magkasama, mapa-mall o mapa-kwarto at kahit san pa. Kilala naman siya ni mama.

Hindi kami nagkakahiwalay niyan.

---

"Tita nandito po ba si Andrei?" Pumunta ako sa bahay nila kasi ilang araw ko na siya hindi nakikita kahit sa school.

"Wala eh. May pinuntahan siya iha."

"Sige po tita, mauuna na po ako." Paalam ko.

Ang pangalan pala ng bestfriend ko ay Andreison Hvone. Matalino, sweet, mayaman at gwapo.

Nakakapagtaka, kasi ilang araw ko na siyang hindi nakikita, hindi nakakasabay, hindi ko na rin siya nakakatext kasi hindi naman siya nagrereply. Namimiss ko na bestfriend ko.

Nung isang araw nakita ko siya pero may kasamang lalaki kaibigan niya ata ewan. Tinext ko siya, nakita kong binasa niya pero nadurog ang puso ko ng binulsa niya lang ang cellphone niya at bumalik sa pag-uusap.

Pumasok siya ngayon kaya agad agad ako na pumunta sakanya.

"Huyy Andrei." Sabi ko habang tumatakbo papalapit sakanya.

Hindi niya ako pinansin.

"Andrei ano ba!"

"Ano?!?"

"Bakit hindi ka na nagpaparamdam?" Nangingiyak na sabi ko, pano ba naman first time niya akong nasigawan. "Hindi ka nagrereply sa mga text ko, hindi na tayo nagkikita at nagkakasama. Hindi ka na rin pumapasok sa school san ka ba nagsusu-suot?!?"

"Ano bang paki-alam mo. Ano ba kita ha?!" Ouch. Wala na tumulo na ang mga luha ko at nagwalk out siya.

Mula nun, hindi na ako pumupunta sa bahay nila upang itanong kung nandoon ba siya o wala, hindi ko na rin siya tinetext. Bahala na. 

---

Kakagaling ko lang sa school ng nakita ko na umiiyak si mama, papalapit siya sa akin.

"Ma anong nagyari?" Tanong ko.

"A-anak si A-andrei." Iyak ng iyak si mama hindi niya masabi ang kailangan niyang sabihin. Naiiyak na rin tuloy ako, anong nangyari kay Andrei.

"Ma anong nangyari?" 

"N-nasa opsital si A-andrei, pumunta ka na bilisan mo." Nahulog ang bag ko mula sa aking balikat, nanginginig ang tuhod ko.

Tumakbo ako ng napakabilis, nagtrisikel. 

Nakarating na ako sa ospital at tinanong kung nasan ang bestfriend ko.

Agad naman akong pumunta kung nasan siya.

Nanghina pa ako lalo nang nakita kong yakap yakap ni tita ang isang tao na tinakpan ng kumot na puti.

Tumayo si tita, signal na pwede ko siyang makita.

Tinanggal ko ang kumot at nakita si, s-si A-andrei.

Niyakap ko siya agad at umiyak ako.

"Sabi mo hindi mo ako iiwan. Sinungaling ka! Sinungaling ka! AH!! .. "

Hinawakan ako ng kapatid niya sa mga braso ko at may ipinakita na text ni Andrei para sa kanyang kaibigan. 

"Ginawa ko na ang gutso niyo. Nilayuan ko na ang bestfriend ko kahit labag sa kalooban ko. Wag niyo siyang gagalawin. Mahal na mahal ko bestfriend ko, kapag may nangyari kay Shatakashi humanda kayo sakin. Ano pa bang kailangan niyo?!"

Nanginginig ang kamay ko habang binabasa ko ang text ni Andrei. Humagulgul ako at niyakap siya ulit. 

All this time pinoprotektahan niya pala ako .. 

Dapat hindi ko siya hinayaan, sana tinanong ko muna siya .. 

Ahh !!! 

Andrei im sorry. Mahal na mahal kita bestfriend.

Ikaw lang ang bestfriend ko forever. 

Bye bestfriend  :'(

Walang Iwanan [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon