Kabanata 1

92 4 1
                                    

Kabanata 1

Crush

"Darcy...gising na honey. Malilate ka na...." malambing ang tinig ni mommy habang tinatapik tapik ang aking braso para magising.

Kinusot ko ang aking mata at pagmulat ay nadatnan ang maliwanag na sikat ng araw.

Ano nga bang araw ngayon?

Ah! Shit! Monday!

Monday na nga pala!

May pasok na! Late na ko!

Dali-dali akong bumangon at tiningnan kung anong oras na.

7:30!

Late na nga!

"Kanina pa kita ginigising...naka alis na ang kapatid mo.." sabi ni mommy ngunit di ko na napagtuunan ng pansin.

Agad akong dumeretso sa bathroom at binuksan agad ang shower.

"Ugh!" di pa nga pala ako nakakapaghubad. Sa taranta ko'y di ko na namalayang nakasuot pa pala ang damit ko. Medyo na nabasa na tuloy.

Minadali ko na ang pagligo't lahat lahat. I dried my hair up at dali-daling isinuot ang pencil cut skirt at blouse na uniform sa school.

Dahil wala na rin namang time, hinayaan ko ng nakalugay ang aking may kahabaang buhok.

Maingay na ambiance ng school ang sumalubong sa akin. Time na pero marami paring estudyante ang nasa labas.Kaya kahit paano'y naibsan ang kaba ko dahil sa pagkaka-late.

Terror pa naman ang teacher namin sa time na'to.

I'm late for the sixth time for pete's sake!

Simula ata nung gabing may nangyari samin Ros palagi na akong late! Napatawag na ako sa Discipline Office dahil ako na kasama sa top honours ay palaging nalilate daw nitong mga nakaraang araw.

Pagkarating na pagkarating ko sa second subject ko ay nakayuko akong pumasok sa classroom. Pinili kong dumaan sa likuran para di masyadong agaw pansin sa klase. Mabuti nalang at busy ang propesor sa pagkalikot sa laptop nito kaya di napansin ang pagpasok ko.

Abala ang mga kaklase ko sa pagguhit. Marahil binigyan ito ng aming propesor na si Mr. Alvarez ng gawain.

"Darcy! Late ka na naman! Where have you been ba?" talak sakin ni Miriam nang mapuna ako.

"Ano ba yang ginagawa nyo?" i asked.

"Drawing. Designs again..." pinaglaruan nito ang mechanical pen na hawak.

Kinuha ko ang aking mga gamit para makapagsimula ng makapag-sketch.

I should concentrate. I'm an Architecture student. Hindi pwede ang ganitong attitude. I should not tolerate this kind of irresponsibility. Pero di ko pa rin maiwasang isipin si Ros. All about him is making me out of my senses.

Nagsimula na akong gumuhit sa blangkong papel na nasa aking harapan. Kailangang meron akong magawa. I know it's not healthy to be distracted because of him.

Nagdesisyon akong gumuhit ng bahay. I draw the front image of a two storey house. Thinking of me and Ros with the same roof is making me giggle and excited.

Napatigil ako sa aking ginagawa nang kuhanin ng aming propesor ang atensyon ng lahat.

"I will collect all your works tomorrow-morning. Dismissed.." sabi nito sabay labas ng classroom. Tuwang tuwa naman ang mga kaklase kong tumayo at lumabas narin para pumunta sa susunod nitong subjects.

SuccubusWhere stories live. Discover now