Kabanata 6

28 1 0
                                    


Kabanata 6

Priceless

After school ay nagkita kami ni Miriam. I texted her. At napagkasunduang magkita na lang sa isang coffee shop. Isasama ko sana si Nadia kaso naisip kong, siguro mas okay na magpahinga na lang muna siya, tsaka baka maawkward lang sya na pag usapan ang mga bagay bagay lalo pa't fresh from break up pa.

Ugali pa man din ng babaeng si Miriam, walang pasintabi. Basta pumasok sa isipan, labas agad sa bibig! Kaya paniguradong ngangay-ngayin nun ang broken kong kaibigan kaya mabuting wag na lang.

"I get it, okay?! Tingin mo talaga napakainsensitive ko, ganun! Di ba pwedeng prangka lang talaga?" angal ni Miriam ng ipaliwanag ko na sa kanya ang sitwasyon ni Nadia.

Napabuntong hininga na lang ako sa reaksyon ng aking kaibigan. Inexpect ko na naman talaga na ganto ang reaksyon nya. Kaso, parang di talaga ako masasanay sa kaingayan ng babaeng ito ,talaga aba!

"Tumigil ka! Alam kong walang preno 'yang bunganga mo kaya pinapaalalahanan na kita.."

Kinabukasan, ay sama-sama na ulit kaming tatlo. Me, Miriam and Nadia. I'm so happy that we're back again. Gaya ng sabi ko kahapon, hindi na nga muna nag-usisa si Miriam tungkol sa sinabi ko sa kanya kahapon kaya naman ganun na lang ang gulat namin nang si Nadia mismo ang nagbring-up ng topic.

"I'm so sorry, beshys.." malungkot na paumanhin nito na hindi ko naman alam kung dapat pa ba dahil naiintindihan naman namin ang sitwasyon nya. ".... sorry talaga. Sorry, I don't know why I choose him over my precious friends. Hindi ko talaga alam, napakasama ko para talikuran kayo para lang sa tipaklong na yon! Ang tanga ko, guys! I'm so sorry, napakatanga ko!"

"Tanga ka talaga!"si Miriam kay Nadia. "Napakatanga mo dahil di mo kami pinagtiwalaan. Tingin mo ba magagalit kami pag nagboyfriend ka?! Tingin mo itatakwil ka namin o ibubully namin ang boyfriend mo?"

Nakayukong tinatanggap ni Nadia ang hinanakit ni Miriam sa kanya.

"Tingin mo naman samin, ha? Nad, kaibigan mo kami, ano ka ba? Syempre susuportahan ka naman namin, mahal ka namin kaya bakit naman namin ipagkakait ang kasiyahan mo, ha! Ngayon, anong nangyari, nasaktan ka pa. Grabe! Talagang..." mahaba pa ang naging litanya ni Miriam, di na nga ako nakasingit, e. Iba ka talaga, Miriam!

Nagkayayaan na lang kaming mag shopping after school, kaya eto kami ngayon.

Umaatikabong tawanan at kwentuhan ang aming ginawa. Nakaupo kami ngayon sa restaurant na paborito naming tatlo, kakatapos lang naming maglibot at magwaldas ng pera.... usual habit namin.

"So, pano? Wala na ulit sekretuhan ha? No more secrets, na!" Miriam said. "Para san pa tong pagkakaibigan natin kung puro sikreto naman pala!"

Tumango si Nadia. "Promise, no more secrets from me,"

Ngumiti si Miriam kay Nadia pagkatapos ay sakin. I guiltily nodded. Naisip ko bigla si Icarus.

Sasabihin ko ba sa kanila? Paano ko naman ipapaliwanag? Na mayroon akong pinupuntahang lalaki, ganun? Na nag-aano kami? Paano pag tinanong nila kung anong relasyon namin? Anong sasabihin ko? Fling? Boyfriend? Ugh! Ni wala nga kaming relasyon. He don't even have my name!

"Good. We should learn to trust each other. Tagal na nating magkakaibigan, no! Kaya dapat wala nang hiyaan! Promise ko, lahat ng detalye sa buhay ko sasabihin ko sa inyo. Love na love ko kayo, e.."

Nagroup hug kaming tatlo.

Its already 12 midnight.

Nakahilata ako sa kama at nakatulala sa kisame. Pupunta ba ako o hindi?

SuccubusWhere stories live. Discover now