III
TUMAMBAD sa akin ang madilim na apat na sulok ng silid. Wala na masyadong ingay na nanggagaling sa labas. Sapo-sapo ko ang dibdib ko habang hinahabol ang hininga.
"What the heck was that?"
Ramdam ko ang pawis na tumutulo sa gilid ng mukha ko. Hinawakan ko rin ang kwelyo sa dibdib ko ng mahigpit. Parang totoo ang lahat. Halos mamatay ako sa panaginip na 'yon.
Nilingon ko ang wall clock. Nakita kong ala-una na ng madaling araw. Nakalimutan ko na ring magpalit ng uniporme at kumain dahil sa pagod. Bumaba ako para kumain, hindi ko alam kung kikilabutan ba ako sa panaginip na 'yon o hindi.
Nang makatapos akong kumain ay kaagad akong nagpalit ng danit. Napapatulala pa ako ng bahagya. Minabuti kong humiga sa kama kaysa sa sofa.
Hindi ko na maibalik ang pagtulog ko kahit magbilang ako ng agiw sa kisame. Paminsan-minsan ay nagigising ako at nahihirapan muling ibalik ang pagtulog.
Hanggang sa sumapit ang umaga'y hindi na ako nakabalik pa sa pagtulog. Minabuti ko nalang mag-ayos ng sarili. Maaga pa ako ng ilang oras, kung makakarating ako sa klase'y siguradong ako pa lang ang tao roon.
Naglakad ako sa pinakamalapit na bus stop hindi kalayuan mula sa apartment ko. Napatigil ako nang matanaw ko ang isang pamilyar na lalaki sa harapan ko. Hindi ko inaasahang makakasabay ko sa pagpasok si Mark na ngumunguya ng toasted bread habang nakatayo sa bus stop.
"Vanessa, magandang umaga." Naglakad lang ako sa tabi niya. Naaninag ko namang sinundan niya ako ng tingin. "Okay ka lang? Gusto mo ba ng toasted bread?"
Walang sabi-sabing isinubo niya sa akin ang isa pang toasted bread. Mabilis akong napa-atras at kinuha ang tinapay na nakapasak sa bibig ko.
"Mark!" Gigil kong wika.
Hindi ko alam kung anong sapi ang mayroon siya ngayong umaga. Hindi naman ako galit, sadyang nabigla lang ako sa ginawa niya.
"Hindi na 'ko tumatanggap ng tinapay na may laway ha?" aniya.
"Isa pa masarap naman 'yan. Tikman mo."
Sinamaan ko siya ng tingin, kumagat ako sa toasted bread na isinubo niya sa akin. Natuwa ako sa lasang natikman ko't kaya't kumagat ako muli at mabilis itong nginuya.
Nakita kong natuwa siya sa pagkain ko ng tinapay na bigay niya kaya't marahan niya akong tinapik sa ulo ng dalawang beses. "Mukha kang bata, Vanessa."
"Mukha ka namang matanda sa tono ng pananalita mo." Sarkastikong sambit ko. "Sa totoo lang ito ang unang beses na nakatikim ako ng ganitong klaseng katigas na tipanay."
Muli akong kumagat at isinukbit sa likuran ng maayos ang bag ko.
Naaninag kong lumingon siya sa akin habang ngumunguya
"Talaga? Ayos lang 'yan at least, may lasa."
Sa kabilang banda, totoo ang sinabi ko sa kanyang ngayon lang ako nakatikim ng ganitong klaseng tinapay. Marami akong nakikitang mga pagkain sa pamilihan ngunit hindi ko naman sila nasusubukang lahat. Tuwing umuuwi ako sa apartment ko punong-puno ng instant noodles ang laman ng paper bag na dala ko.
Sino ba naman kasing kakain sa apartment kung hindi ako lang.
Napansin kong nagtungo sa likurang bahagi ko si Mark ngunit hindi ko na siya masyado pang pinansin. Kaagad ko namang pinagpag ang kamay ko nang matapos kong kainin ang toasted bread na bigay niya sa akin.
Nakaramdam ako ng pagtapik sa likuran ko kaya't agad ko itong nilingon.
"Uminom ka muna ng kape. Siguradong matagal-tagal pa bago makarating ang susunod na bus." Pabiro naman akong umirap sa kanya kasabay ng pag-abot ng coffee in can na bigay niya.
BINABASA MO ANG
Into your world ✔️
FantasyMatapos magulo ang dimensional clock, tuluyang nabura ang eksistensya ni Vanessa sa orihinal na mundo. In the blink of an eye, she found herself inside a parallel world where she met her other self, Jane. Jane's appearance and personality are a pe...