III
Nakarinig ako ng pagkabasag ng salamin 'di kalayuan sa kinasasalampakan ko. Naririnig ko rin ang paggapang ng bitak at sigurado akong patungo iyon sa posisyon namin. Umihip ang hangin kasabay ng pagkasira ng buong lugar, ni hindi ko na alam kung saan pa ako nahulog. Basta't ang alam ko lang ay nakakaramdam akong hangin sa buong paligid. nakikita ko rin ang repleksyon ko mula sa basag-basag na salamin na kasabay kong mahulog sa kawalan. Ang kalangitan ay nasira, nabasag, nagkapira-piraso tulad ng katawan kong 'di na kaya pang lumaban.
Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Tulad nga ito ng senaryo na napanaginipan ko, ang lahat ng 'yon ay naranasan ko na ngayon araw. Ang nakakatakot na apoy, ang sigawan ng mga tao, ang pagguho ng ilang imprastraktura, ang mga kaibigan kong lumalaban, at ako, na mamamatay.
"Vanessa!" Hallucination. "Vanessa!" I cried.
Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag malapit ka nang mamatay? Bigla-bigla mo nalang naririnig ang mga tinig ng taong nais mong marinig. And yeah, naririnig ko sa sandaling ito ang tinig ng Mark.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para tingnan ang kapaligiran ko. Laking gulat ko nang makita si Mark sa harapan ko habang inaabot ang katawan ko. Kakaiba, pareho kaming nahuhulog sa sandaling 'yon, pareho kaming 'di sigurado kung saan kami babagsak. Pero... itinataya niya ang buhay niya ngayon para lang sa akin.
Itinaas ko ang kamay ko para abutin ang mga kamay niya. Nang magdikit ang aming kamay ay kaagad niya akong hinigit sa patungo sa kanya. Marahan akong napangiti. Kung mamamatay man ako ngayon, at least, kasama ko siya. Nasa tabi ko ang lalaking ito, yakap-yakap niya ako.
"Vanessa, don't give up." Dinig kong sambit niya. "Be strong so you can cry later."
"Mark..." mahigpit akong yumakap sa kanya. "Paano ko matatalo ang isang tulad niya? Kontrolado niya ang lahat, kontrolado niya ako."
"Pero bakit hindi nito mapigilan ang kapangyarihan ko." I stopped for a minute. "He can't stop the flow of wind. Nagagawa niya lang patigilin ang kilos ng mga nakikita niya."
Naramdaman kong dahan-dahang bumabagal ang pagkakahulog namin. Nararamdaman ko rin ang lamig ng hangin na umiikot sa likuran ko kung saan itinulak kami nito muli patungo sa itaas na bahagi ng kawalan. Kung saan naroroon ang lalaking kumokontrol ng dimentional clock.
Lumapag kami sa kung saan, sa maayos na lugar kung saan napapalibutan pa rin ng salamin ang lahat. "Hindi ko alam kung papaano ko tatapusin ang isang nilalang na imposibleng malapitan."
"Vanessa, makinig ka sa akin," hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. Kung nasa maayos kaming sitwasyon ay siguradong naitulak ko na siya. Pero sa sandaling ito, hinayaan ko lang na hawakan niya ang mukha ko. Ang titigan ako sa gano'ng distansya. Hindi ko alam sa sarili ko pero... sa tuwing nasa tabi ko siya, pakiramdam ko'y ayos na ako. "Kung mamamatay ka ngayon, papaano na si Jane? Maglalaho na lang din siya tulad mo. Papaano ako? Hindi ko gustong mawala ka!" Ramdam kong humigpit ang pagkakahawak nito sa balikat ko.
"Hindi ito ang tamang oras para panghinaan ka ng loob. Kailangan mong mag-isip ng paraan para magtagumpay ka." Napabitaw siya sa akin nang umubo siya nang matindi. Pagkakataon ko naman para alalayan siya habang hirap siya sa ginagawang pag-ubo.
Nanigas ako nang makakita ako ng dugo sa salamin. Mayroon ding ilang marka sa kaliwang braso nito at kung titingnang maigi, dahan-dahan itong kumalat sa kanyang balat. Hinagod ko ang likuran nito habang patuloy sa pag-ubo.
"Anong nangyayari sa 'yo?" 'di ko maiwasang mataranta.
Pumihit siya ng tingin sa akin kung saan ko nakita ang malungkot nitong ngiti. "Naisahan ako ni Cloud. Hindi ko aakalaing napasok ng kapangyarihan nito ang sistema ko." Mahina nitong sambit. "Death spell."
BINABASA MO ANG
Into your world ✔️
FantasyMatapos magulo ang dimensional clock, tuluyang nabura ang eksistensya ni Vanessa sa orihinal na mundo. In the blink of an eye, she found herself inside a parallel world where she met her other self, Jane. Jane's appearance and personality are a pe...