X

1.5K 65 3
                                    


III

Umihip ang hangin sa paligid, hindi ko naman inaasahan ang pag-ihip ng hangin sa lugar na dapat ay dead space. Nanggagaling ang hangin na 'yon mula sa labas ng barrier at hindi namin malaman kung bakit nakakapasok ang hangin na 'yon sa saradong lugar.

"Mukhang kailangan niyo pang palakasin ang barrier niyo." Pare-pareho kaming lumingon sa gilid na bahagi ng posteng kinatatayuan namin. I was shocked when I saw a young good looking man with a pair of gray eyes and Hair.

"Inaasahan ko pa namang mahihirapan akong pumasok sa lugar na 'to. Hindi pala."

Lumingon kami sa ibabang bahagi kung saan naman namin nakita ang isang binatang naglalakad sa daanan. Huminto pa ito sa tapat ng isang bata at pinagmasdan ang mukha nito.

Lumundag paibaba si Mark upang pigilan ang ginagawa ng estrangherong iyon sa bata. mahirap na, hindi namin alam ang maari nitong gawin sa inosenteng batang 'yon. Sinalubong ng atake ni Mark ang estranghero ngunit nang humarap ito'y kaagad siyang tumalsik sa kung saan.

"Mark!" Bulalas ni Jane.

"Sino kayo? Anong balak niyong gawin sa lugar na 'to."

Tumakas ang kaba nang makita kong lumutang sa himpapawid ang binatang inatake ni Mark. Itim na aura ang pumapalibot sa mga paa nito, itim na aurang nakakatakot kung hahawakan.

"Kambal o counterpart?" tanong nito. "Sa tingin ko'y hindi kayo kambal. Marahil epekto ito ng kapangyarihan ng kamahalan."

Napatiim-bagang ako, ang mga tingin ng dalawang estrangherong 'yon ay nanunudyo na may halong panghuhusga. Binalak kong lapitan ang dalawang iyon ngunit nakita ko ang pagsulpot ni Jane sa harapan ko. Mabilis niya akong hinawakan sa braso at hinila pababa ng posteng kinatatayuan namin. I have no choice but to follow her.

Lumapag kami sa kung saan tumalsik si Mark. Nagpapagpag ito ng damit nang kami'y makalapit sa kanya.

"Mark, Ayos ka lang ba?" ipinaglaho ni Jane ang kanyang sandata para lang maalalayan ang napinsalang binata. Kunot noo itong lumingon sa amin at pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa dalawang nilalang na lumulutang sa himpapawid.

"Sadyang maswerte pa rin ang isa sa inyo na magtagpo ang landas niyo. Pero kahit anong gawin niyo, siguradong pareho kayong maglalaho sa mundo kung saan kayo nabibilang." Pagbabanta ng binatang may abong buhok.

"Sana'y magtagpo muli ang mga landas natin. Sa ngayon, ipapakilala ko kayo sa kaibigan kong kanina pa naghihintay sa inyo." Mula sa kawalan ay sumulpot ang isang manticore. Kulang na lang ay mawalan kami ng balanse dahil sa pagtapak ng higanteng paa nito sa lupa.

Nagkadurog-durog ang nilapagan ng halimaw, ang ilang bahay ay nasira, ang ilang daan ay nagkahiwa-hiwalay. Napakahaba ng palakol na hawak nito na nakakabit sa kadenang nasa kamay ng halimaw.

"Napakaganda ng lugar na ito. Siguro kailangan natin itong isama sa listahan ng mga mundong sasakupin natin." Dinig kong sambit ng estrangherong inatake ni Mark kanina.

Isang gintong portal ang dinaanan ng mga ito. Napako ang tingin ko sa loob ng portal na 'yon, napakaliwanag at sadyang nakakapagtaka ang lugar na pinasok ng dalawa. Sa tingin ko, patungo ang portal na 'yon sa ibang mundo malayo sa mundong ginagalawan ko ngayon. Lumundag ako ng mataas upang mapigila't matanaw ko ang kabuuan ng lagusan na 'yon.

"Vanessa!" Dinig kong hiyaw ni Mark bago ko pa man makita ang atake ng manticore sa kinalulutangan ko.

Nanigas ang buto't kalamnan ko nang makita ko ang paparating na atake sa akin. Sinubukan kong ipansalag ang sandata ko ngunit itinulak ako ng malakas na hangin patungo sa kung saan. Binalanse ko ang katawan ko para sa pagbagsak, bumaon ang sandata ko sa isa sa mga bubong ng kabahayan na naglikha ng mahabang sira sa yero.

Into your world ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon