KABANATA VIII
I
I'TS like our lives is consumed by the thousand balls of flickering fire. And when that fire fades out, our life will be ended. That's why someone is always there to keep that fire alive. Pero hanggang kailan mananatili ang liwanag ng apoy na 'yon kung mayroong nilalang na palaging gustong pumatay nito.
"Hinding-hindi ko na hahayaang matalo ako ng isang tulad mo." Asik ni Daniel sa akin.
I smirked. Hanggang ngayon bitter pa rin ang lolo mo! Hindi pa rin siya makamove on sa ginawa ko sa kanya. Geez, kailangan ba akong maging honored dahil nagawa kong tapatan ang class president ng section A ng gano'n kadali?
"Mayroon tayong salitang 'move-on', Daniel." Panunudyo ko.
In this game, kailangan ang unang limang tao muna ang makikipagtunggali sa field. Hindi mababantayan ng ilang judges ang players lalo na't napakarami nilang makikipaglaban sa isa't-isa. And guess what, ubusang lahi ang peg ng larong ito.
First round, nanalo ang class A sa unang round. Pansin kong dahil sa nangyari'y bumaba ang confidence ng ilang mga nag-aabang para sa panibagong round.
"Okay, kailangan niyong kumalma. Unang round pa lang ito, hindi natin kailangan mawalan ng pag-asa. Matatalo rin natin sila." Pagche-cheer up ni Yufi sa mga kaklase. "Kailangan lang natin ng mas maayos na team para sa second round."
"At kapag natalo tayo sa round na ito, lampaso ang section natin." Nag-aalalang sambit ni Jane.
"Hindi niyo kailangang mapressure. Kailangan lang nating pumili ng maayos na team para sa round 'to."
"Should I jump in?" suggest ko.
"Hell no." hindi ko alam kung maiinsulto ako o hindi sa agarang sagutan ni Yufi sa akin. "I know you're a good warrior pero isasave kita sa final round. Once na pumasok ka sa field na 'yan, hindi ka na maaring bumalik muli para lumaban."
Tch. Muli kong nilingon ang kinaroroonan ng section A, kakaiba ang ngiti sa akin ni Daniel sa kabilang dulo ng field. Mga ngiti na para bang gusto kong higitin ang mga labi nito't ipaglayo ko sa isa't-isa.
"Kung gusto niyong makapasok, ipasok niyo ako sa round na 'to."
"Gosh, Vanessa, mag-isip ka nga. Bakit hindi ka kasi magtiwala sa mga kaklase mo kahit kaunti." Frustrated na sambit nito. "Lahat tayo gustong makapasok sa second round. Lahat tayo'y gustong patunayan sa section A na kaya natin silang patumbahin pero fuck! Maghinayhinay muna kayo!"
Napahilamos ako ng mukha dala ng matinding frustrations, Dumistansya ako ng bahagya sa kanila.
"Section C, section c, okay na ba ang panibagong team niyo?"
Para silang naglalaro ng chess sa mga oras na 'yon, pinipiling maigi kung ano ang magiging sunod na hakbang. Hinayaan ko na silang magtalo sa pagpili ng panibagong grupo, hinayaan ko na si Yufi ang pumili ng mga ilalahok sa laban. Dammit, gustong-gusto ko pa namang pakainin ng buhangin ang kulugong si Daniel.
Sa huli, hindi ko nakitang pumasok si Daniel sa panibagong grupo ng section A. at tulad ko, naghihintay lang kami sa tamang oras para pumasok sa tamang pagkakataon –kung magkakaroon man kami ng isa pang pagkakataon.
A couple of minutes had passed, mas lalong nagiging intense ang laban. One down from our section and one down for the other section. Mas lalong tumatakas ang kaba sa aming sistema, panlalamig ng pawis na kulang na lang maging yelo.
Luckily, kung may time limit ang laban na ito'y malamang sa malamang, kanina pa kami umuwing luhaan. Inaamin kong mas magaling ang section A sa pakikipagtunggali, nababakas sa mukha ng mga kaklase ko ang pagod dala ng matagal na laban.
BINABASA MO ANG
Into your world ✔️
FantasyMatapos magulo ang dimensional clock, tuluyang nabura ang eksistensya ni Vanessa sa orihinal na mundo. In the blink of an eye, she found herself inside a parallel world where she met her other self, Jane. Jane's appearance and personality are a pe...