XVI

1.1K 60 0
                                    


II

Fight through the pain because giving up hurts the most. It doesn't matter if I have many scars, it doesn't matter if I have many wounds. As long as I'm alive, I have to fight this bad days of ours to earn the best day ahead.

Malakas ang naging pagbuwelo ko sa ginawang atake. Mabilis na naghiwa-hiwalay ang tatlong nilalang sa aming harapan patungo sa iba't-ibang direksyon. Sinabayan ako ni Mark sa pag-atake, pansin kong tinungo niya ang lalaking kung tawagin ay Frederico. Sinugod ko ang isang binatang kasama nito, mabilis nitong sinalag ang atake ko't lumihis sa kung saan.

Nararamdaman ko ang nag-uumapaw na kapangyarihan sa katawan nito. Tinutumbasan nito ang kapangyarihan mayroon ako at ipinangtatapat sa akin. ang malalawak na sira sa lupa ang resulta ng palitan namin ng atake. Pareho kaming bumagsak ni Mark sa iisang lugar at magkatalikod sa isa't-isa.

"Vanessa, hindi mo dapat hayaang kontrolin ka ng sarili mong galit!" anito.

"Anong gusto mong gawin ko? Tumayo na lang dito habang hinahayaan silang tapusin ang lahat sa atin?" bulalas ko. "Syempre hindi ako papayag!"

"Hindi ko sinasabing hindi mo sila dapat labanan, sinasabi kong huwag kang magpadalos-dalos."

Muli naming iniwasan ang atake ng four walls sa amin. Kamuntikan pa akong matisod nang biglang sumulpot sa harapan ko si Freya. Batid kong kulang ang lakas ko kung aatakihin ko s'ya dala ng pagkakabigla ko. Dumaan sa harapan ko ang mabilis na liwanag na kaagad tumama sa isang pakpak ni Freya.

Napasalampak ako sa lupa kasabay ng pagsabog ng liwanag. Napakalakas ng hangin na halos magpapikit sa amin. Nilingon ko ang iba ko pang mga kasamahan at nakitang nagliliwanag ang dulong bahagi ng baril ni Yufi.

"I'm not yet done. I'm still alive, I can still fight..." dahan-dahan itong tumayo habang inaalalayan ni Jane. "Sinabi ko nang ako na ang bahala sa demonyong 'yan. Hindi ako makakapayag na matalo lang ako ng langaw na 'yan.."

"Pero, Yufi..." pagtutol ko sa nais nito.

"If we want to change the world, do something we never do."

"I will take care this one." Humarap si Daniel sa binatang katunggali ko kanina.

"Ako na ang bahala kay Frederico." Mas lalong kumirot ang puso ko sa sinabi ni Mark. "Poprotektahan kita tulad ng sinabi ko sa 'yo kahit na buhay ko pa ang kapalit."

"What the hell are you saying! Hindi ka dapat mamatay sa labang ito, Mark!" bulyaw ko. "Hindi mo kailangang magpakamatay para sa mga kaibigan mo. Kailangan mong mabuhay para sa kanila."

Ngumiti lang ito sa akin na lalong ikinadagdag ng inis ko. Papaano niya nakukuhang ngumiti sa ganitong sitwasyon? Papaano niya nagagawa ang bagay na 'yon lalo na't hindi gano'n kadali ang makakatunggali nito.

"Vanessa, you've change a lot since you came here. And I'm glad I've seen all of that." Marahang itong humarap sa akin. "Do what you like, like what you did. Change this world for us, for everybody."

Pansamantala akong nabingi, pakiramdam ko'y bumagal ang lahat ng nasa paligid ko. Ang paggalaw ng nagbabagang apoy, ang ilang dugo sa lupa. Dahan-dahan kong ipinikt ang mga mata ko hanggang sa marinig ko ang tunog ng orasan. Nanggagaling iyon sa kung saan, muli kong idinilat ang mga mata ko subalit hindi ko makita ang pinagmumulan ng tunog na 'yon.

Abala sa pakikipagtunggali ang lahat, mabilis kong tinungo si Jane at hinawakan ito sa kamay kasabay ng pagtakbo naming dalawa. Kung gagawa ako ng desisyon, dapat kong isama si Jane sa akin. Magiging mahirap kung siya pa ang pagbuntungan ng galit ng mga katunggali ng ilan. Mahirap na kung mapahamak si Jane nang 'di ko nalalaman.

Into your world ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon