IV.

2.7K 111 5
                                    

III

Nanlaki ang mata ko sa nakita kong guhit sa kinauupuan ko. Ang liwanag natila ba gumagapang sa lupa na parang naghahanap ng mapupuntahan. Pinagmasdan ang guhit na hindi ko alam kung saan nagmula hanggang sa bumuo ito ng isang bilog na Malaki.

Muling gumapang ang ilan pang guhit sa loob ng nasabing bilog at bumuo muli ng isa pang bilog sa loob nito. Ang bawat gilid ay nagkaroon ng kakaibang letrang hindi ko maintindihan. Marahan akong tumayo upang tingnan ang kabuuan nito, nakarinig ako ng pagtunog sa kisame ng locker room kaya't napatingala ako. Hindi ko inaasahang mayroon ding bilog na nabuo sa ibabaw na bahagi ng bilog na katulad ng nasa sahig.

"Saan nanggaling 'to?" tanong ko sa sarili. Pakiramdam ko'y napako ako sa kinatatayuan ko't hindi ako maka-alis sa kinatatayuan ko.

Nagsimulang magliwanag ang kakaibang guhit sa sahig kung saan nagsimulang umikot ang mga nakasulat dito. Malakas ang naging pagtili ko nang mapagitnaan ako ng pulang liwanag. Malakas ang pagtunog ng isang kampana na kulang nalang ay paduguin ang tainga ko. Masyadong nakakabingi ang narinig ko sa mga oras na iyon at halos hindi ko marinig ang sarili kong pagtili.

Hingal akong bumagsak sa sahig dahil sa nangyari. Pakiramdam ko matatanggal ang ulo ko dahil sa pagkahilo. Hindi ko magawang makakilos dahil sa panghihina ng katawan ko maging ang sikmura ko na tila bumabaliktad sa sakit dahil sa nangyari.

"Anong nangyari sa akin?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa kisame ng locker room. Kakaiba dahil parang wala lang nangyari kani-kanina sa akin at wala ring nakarinig sa pagsigaw ko.

Nang mabawi ko ang lakas ko'y kaagad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Nagulat na lang ako nang biglang bumalibag ng marahas ang pinto sa Girl's locker room.

"Sa wakas nakita na kita. Kanina pa kita hinahanap, Jane!" bulalas ni Mark.

Namilog ang mata ko nang bigla siyang pumasok sa loob. Hindi ba siya natatakot na may ibang babaeng makakita sa kanya at pagkamalan siyang namboboso? Kaagad niya akong hinawakan sa braso at hinila patayo.

"Kailangan mong sumama sa akin." aniya.

Binawi ko naman ang braso ko sa kanya na ikinagulat niya. Kunot akong tumingin sa kanya, kung ang pag-aarcade lang naman ang iniisip niya'y sasama naman ako sa kanya. hindi na niya 'ko kailangan pang hilahin.

"Anong attitude yan, Jane?"

"It's Vanessa, nang-aasar ka ba? Sasama naman ako sa 'yo sa arcade." Nakatanggap ako ng headchop mula sa kanya.

Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa ginawa niya. What's with that action? Nakita ko ring umismid siya at tiningnan ako na para bang hindi makapaniwala.

Pansin kong hindi rin siya naiilang sa pakikipag-usap sa akin tulad ng napapansin ko noon. Kakaiba rin ang pananalita niya na para bang napakalapit namin sa isa't-isa. Wow Fc lang si koya!

"Kung kailan sa gitna pa ng problema saka mo trip mag-arcade? Are you in drugs?"

"No. Are you in drugs? May sapal ka ba ng pinya sa utak?"

Kita ko ang inis sa kanyang mukha. Napahilamos na lang siya ng mukha at muli akong hinawakan sa braso. Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya ngunit lalo naman niyang hinihigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Kung hindi ka titigil d'yan sinasabi ko sa 'yo, Jane, bubuhatin kita!" bulalas niya.

"I said Vanessa!"

Walang sabi-sabing kinaladkad niya ako paakyat sa rooftop. Literal na kaladkad! Halos hindi na ako makatayo ng maayos dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo. Bakit parang bumilis ang pagtakbo niya kumpara sa pagtakbo niya noon? Mas mabilis kaya ako sa kanya.

Into your world ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon