XVIII

1.2K 53 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


II

Nakaramdam ako ng pagdampi ng hangin sa aking balat. Sabay sa simoy ng hangin ang pagsayaw ng buhok ko. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa aking paningin at inipit sa tainga. Kahit na nag-aalala ako para kay Jane, hindi ko maaring talikuran ang nilalang sa aking harapan. Marahil ito na nga ang hinahanap kong nilalang sa likod ng kaguluhan sa iba't-ibang mundo.

"Too bad, ikaw lang ang nakapasok sa dimensyong ito," naglakad patungo sa kinatatayuan ko ang misteryosong lalaki sa aking harapan. Kung tatansahin, mas malaki lang ito ng kaunti sa akin. base sa hubog ng pangagatawan nito'y ka-edaran ko lang ito. "Hindi kasi maaring makatapak sa lugar na 'to ang parehong eksistensya ng dalawang nilalang. May posibilidad na magkapalit ang katauhan nila o ang katawan nila. Alam mo na, parang isang planetang mayroong napakalakas na gravity."

Hindi ko ibinaba ang depensa ko sa rito. Mahirap na kung magiging maluwag ako sa kalaban. Baka magkaroon pa ito ng pagkakataon na atakihin ako ng biglaan.

"Tch. Ano ba talagang gusto mong mangyari? Bakit kailangan mo pang guluhin ang mga mundo?" bilang isang normal na dalaga sa isang normal na mundo na mayroong normal na buhay. Hindi sakop ng pag-iisip o aakalaman ko ang tinatawag na dimentional clock na humahawak ng timeline ng iba't-ibang mundo. Ang tanging alam ko lang timeline eh 'yong mga pinag-aaralan sa eskwelahan.

'yong mga panahon kung saan magsisimula ang buhay mo sa kung anong araw ka pinanganak. Pagkatapos, madadagdagan dahil pag-aaralan niyo pa ang mga nakalipas na pangyayari bago ka isilang sa mundo. Hanggang sa kasalukuyang oras at titigil lang ang timeline ng isang indibidwal sa oras na ito'y mamatay. Pero wala pa pala sa kalinkingan ng dimentional clock ang bagay na 'yon, sa orasan na 'yon nakatala ang lahat. Naka-ayos. At kung magugulo 'yon ay magiging magulo ang lahat katulad na lang ng nangyayari sa akin ngayon.

"Simple lang." kahit na 'di ko masyadong maaninag ang kabuuan ng lalaking 'yon ay nakita ko naman ng malinaw ang tipid na ngiti nito. "Pinapatunayan ko lang na ako ang dapat na kilalalin ng sang-katauhan. Hawak ko ang mundo, hawak ko ang mga buhay nila, hawak ko kayong lahat na parang mga alagang hayop sa aking napakalawak na bakuran."

"You can't force someone to obey you. Hindi ka hari!" malakas ang hangin na tumungo sa aking kinatatayuan, pinansalag ko ang sandata ko kung saan namatay ang apoy na nakabalot dito. Bahagya rin akong napaatras ng kaunti dala ng pwersa.

"Basically, I'm a god." Napaawang ang bibig ko sa narinig. "Nagagawa kong kontrolin ang mundo, ang lahat ng mga nakapaloob dito. Nakakaya kong patayin ang mga nais kong patayin, buhayin ang mga nais buhayin, nakakaya kong gumawa ng panibagong mundo kung tutuusin ko."

"Mali ka." batid kong naiinis ito sa pagpigil ko sinasabi nito. "Hinding-hindi ka magiging panginoon. Hindi magiging panginoon ang isang nilalang na katulad mong walang pakielam sa mga tao, sa mundo, sa mga nabubuhay sa kapayaaan."

Into your world ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon