dedicated kay iloveanime17, salamat ng marami sa pagbasa ng Girlfriends ^_______^
--------------------
CHAPTER 20 - VAMPIRE
ROSE POV
Hayyss.... di ko na alam kung anong dapat kong isipin, kung anong dapat kong paniwalaan.
"Napadaan lang ako dun ate Rose, nag-alangan pa ko nung una na baka hindi sya kaya huminto ako at pinanuod sila para masigurado at siya nga. Nag-alala din ako nung una kasi baka sya yung malamog pero habang nanunuod ako parang baliktad yung nangyayari, tatawagin ko na sana kayo pero nakita niya ko at yun na nga"
Yan ang sabi sakin ni Igor nung dumalaw kami sa bahay nila.
From: aA.renzku
Sinabi ko na diba, wala akong ginagawang mali, bahala ka! paniwalaan mo yang mga bago mong kaibigan kaysa sakin, tsk.
Yan naman ang natanggap kong text galing kay Renz.
Ok naman na lahat, I guess. Hayy..balik na sa normal ang grupo na parang walang nangyari. Sabay-sabay parin kaming nagllunch at nakapasok na ulit si Igor na parang walang nangyari sa kanya. Ako naman ito, parang ako nalang ata ang di nakakamove-on sa mga nangyari kahit na ilang linggo narin.
Malungkot parin ako, bukod sa di ko alam kung sinong paniniwalaan ko, si Renz din kasi simula nung intrams bihira nalang siya magtext at mangamusta, parang lagi na siyang busy. Idagdag mo pa na nakakailangan kami ni Chad dahil don sa nangyari. Di na kami nag-aasaran at halos di na rin nag-uusap.
Ang totoo niyan gusto kong mainis sa kanya dahil binugbog nya ang boyfriend ko, pero deep inside parang hindi ko magawang mainis sa kanya, kaya di ako galit parang naiilang lang ako kasi di nya ko kinakausap, malay ko ba don.
"Hey, Rose" bigla naman akong napalingon kay Jass pagkasabi niya non.
"Haist...wala ka parin sa sarili mo ah, di ka parin ba maka-move on?" Nagnod naman ako.
"tsk...what do you want? gusto mo paimbestigahan natin para malaman natin yung totoo?"
"no, ok na ko...di na ko interesado" haist ..ewan ko ba sa sarili ko bakit parang ayokong alamin ang totoo. Siguro dahil parehong mahalaga sakin si Renz at si Igor kaya ayokong malaman kung sino talaga ang may kasalanan, dahil di ko alam ang mararamdaman ko.
"ok, that's what you said but I guess you don't mean it, pero sige mas ok narin siguro yan para case closed na or should I say Case IGNORED"
Napangiti naman ako sa sinabi ni Jass, oo nga dapat ko nang i-ignore ang lahat.
Di ko namalayan na nag-uwian na, parang normal lang wala namang nangyari espesyal. Unti-unti naring nawawala ang pag-iisip ko sa nangyari pero nalulungkot parin ako sa tuwing tinitingnan ko ang cellphone ko. Hayss...bakit di mo ko tinetext?
"hey, friend..tara na ^__^" yaya sakin ni Lily.
"hah? saan?"
"hah?? nakalimutan mo na? diba nag-usap kanina ang grupo nung lunch na gagala tayo. Celebration para sa pagpasok ulit ni Igor"
"hah?? bakit di ko maalala? naku...di ako pwede, alam mo namang ako ang nag-aasikaso ng mga gawaing bahay diba"
"nyek...akala pa naman namin sasama ka kasi di ka umiimik kanina, hayss...Rose, bumalik kana sa dati ohh, move on" pag-aalalang sabi sakin ni Lily at niyakap niya ako.
"yup...i'm sorry" then i smiled and hug her back.
JASS POV
Tsk...I'm so pissed. I gonna kill that Renz kahit na pigilan pa ko ni Rose. I'm not being bias or anything ah, its just that I know Igor very well and syempre lalo naman si King. Kaya kahit nung gabi na nangyari yun alam ko na agad na si Renz ang may kasalanan, sarap paslangin.

BINABASA MO ANG
GirlfriendS.
Fiksi RemajaHe is a soon to be Mafia boss and he is the boyfriend of my new friend/bestfriend, Lily. Then oneday nalaman kong marami pala syang girlfriends bukod kay Lily. He is a PLAYBOY MAFIA!! OHMEN!! hinding hindi ko siya mapapatawad....i loathe him ...but...