dedicated kay MonicaClarissePascua thankyou po sa pagbabasa ng Girlfriends ^____^
------------------------------
CHAPTER 21 - FLYING SAUCER
ROSE POV
Hayyyssss.......isang buwan narin. Isang buwan na ang nakalipas at nakakalungkot isipin na sa isang buwan na nagdaan iilan lang ang text na natanggap ko mula sa kanya.
Nakakalungkot, nakakapanghina at naguguluhan ako ng sobra. Bakit ganon? Bakit ganto? Naguguluhan na ko. Hindi ko alam. Galit ka parin ba dahil sa nangyari nung huli tayong nagkita? bakit di mo sabihin? Bakit di natin pag-usapan? Bakit di mo ko itext at hayaan na malaman ko ang nararamdaman mo?
Hindi mo ba ko namimiss? Malayo na nga tayo sa isa't-isa tapos di mo pa ko magawang kamustahin man lang? Text na nga lang ang tanging komunikasyon natin tapos kahit don di mo na magawang magparamdam, di ka naman ganyan dati ah. Bakit mo toh ginagawa? Mahal mo pa ba ko? Naiisip mo pa ba ko? Busy ka lang ba talaga? Ano na ba tayo ngayon? Bakit di ko na maramdaman na boyfriend pa kita?
Gulong-gulo na ko, obvious naman diba. Puro tanong na lang, punung-puno na ng tanong ang utak ko na di man lang mabigyan ng sagot. Hindi man lang NIYA mabigyan ng sagot. Pano hindi na niya ko tinetext. Tinetext ko naman siya araw-araw pero wala talaga. Nagrereply naman siya minsan para sabihing busy siya, hayyss... ano pa ba ko para sayo, Renz?
"ui..Rose?"
"Rose! come on"
Bigla naman akong nagulat at napatingin sa dalawang katabi ko. Si Lily pala at si Jass yung tumatawag sakin bigla kong pinunasan ang mata ko na-feel ko kasi na may tumulong luha, kaya siguro may tumulo na dahil masyado nang marami ang luhang matagal ko nang pinipigilan siimula non, tsaka ko lang narealize na nagle-lesson pala.
"I saw tears in your eyes just now, what happened?" -- Jass
"oo nga Rose, lately nagiging matamlay ka at wala sa sarili, anong problema?" -- Lily
" hehehe...wala toh, ok lang ako. Sorry napaka-emo ko lately pero wala talaga"
"Wala ba talaga?" -- Lily
" oo hehehe..sorry ulit"
Hindi na ko kinulit pa nila Lily at tumingin na sila sa blackboard. Hindi naman sa nagsisinungaling ako pero kasi sa sarili ko pilit ko paring sinasabi na wala lang toh, na hindi toh big deal. Siguro talagang busy lang si Renz o kaya talagang di lang ako sanay na di na siya masyadong nagtetext kaya eto ako nagpapaka-emo.
Pilit kong iniintindi na baka busy lang talaga si Renz pero sa totoo lang nalulungkot ako at nasasaktan pero ayoko namang ipakita masyado yun sa grupo dahil ayokong mag-alala sila. Hindi ko alam pero kahit ganong pilit kong tago parang nahahalata parin nila dahil tinatanong na nila ko. Syempre kahit naman anong tago ko masakit parin kaya siguro ganon.
Lunch na at syempre gaya ng dati sabay-sabay ulit kami. Okay naman lahat at wala naman masyadong nangyayari, walang problema kaya masaya naman bukod sa lungkot na nararamdaman ko.
"hoy! kinakain yan, di tinititigan" bigla naman akong natauhan dahil sa sinabi ni Chad
"hah? ah... oo" sabi ko sabay hawak ng kutsara at tinidor at sumubo na ko ng pagkain. Napatingin naman ako kay Chad nakita kong nakasalubong ang kilay niya.
"oh..bakit?" tanong ko
"hah? ako nga dapat nagtatanong niyan ehh..bakit oo lang sagot mo sakin?" Nagtaka naman ako nung umpisa sa sinabi niya. Bigla akong napayuko, inaasahan niya sigurong sisigawan ko siya at makikipag-asaran pero wala ko sa mood para gawin yun kaya di ko na siya pinansin.

BINABASA MO ANG
GirlfriendS.
Fiksi RemajaHe is a soon to be Mafia boss and he is the boyfriend of my new friend/bestfriend, Lily. Then oneday nalaman kong marami pala syang girlfriends bukod kay Lily. He is a PLAYBOY MAFIA!! OHMEN!! hinding hindi ko siya mapapatawad....i loathe him ...but...