CHAPTER 28 - LILY'S CONFESSION
LILY'S POV
Kumusta? Ngayon nalang ulit nag ka POV noh hehehe. Hindi naman kasi ako ang bida dito hmmmm... pero ngayon na ata ang moment ko, haist. Alam nyo na siguro kung bakit. Kailangan ko kasing magconfess kay Russel. Ugh.. hindi ko alam kung nakabuti ba yung pag-open up ko kela Rose at Jass pero syempre kahit papano masaya kasi bestfriends ko naman sila.
Nagulat siguro kayo noh na si Russel ang crush ko. Hindi kasi ako showy at nahihiya akong ipakita na crush ko siya. Ang totoo nyan kasi hindi ko talaga sya gusto nung una si King talaga ang gusto ko pero yun nga sinabi ni King na imposibleng magkagusto siya sakin kaya tinigil ko na at wala na talaga kong nagugustuhan. Pero as time goes by at lalo akong napapalapit sa grupo nagsimula na kong magkagusto kay Russel. ANg weird ko nga eh, wala naman syang ginagawa at lagi naman siyang tahimik pagmagkakasama kami tapos kahit minsan hindi ko pa sya nakakausap, yung tipong kwentuhan talaga ah. Puro hi, yosh o kaya simpleng smile lang ganon lang pero ewan ko ba nagkagusto ko sa kanya dahil don. Napakamisterious kasi niya na parang may sariling mundo at walang pake na may kasama pala sya. Pero habang tinitingnan ko sya nakikita ko na may concern sya sa grupo, yung tipong kahit hindi sya nagsasalita makikita mo parin sa kanya na nakikinig sya at basta ganon nainlove ako sa katahimikan at pagiging misteryoso nya. Pero dahil din don hindi ko sya magawang makausap at malapitan man lang, haist. Kaya pano ko magtatapat kung ganon diba? Haist.
From: Rose
Pinoproblema mo ba yung pag coconfess mo?
Text sakin ni Rose, magkatext kasi kami ngayon. Gabi na kasi at nasa bahay na ko nakahiga pero yun hindi ako mapakali kaya tinext ko sya.
To: Rose
Oo eh, hindi ko alam kung pano at tsaka nakakailang. Babae ako tapos ganon >_<
From: Rose
Hmmm.. gets ko. Pero yun nga may sinabi na si Jass about dyan, diba?
Nagflash back naman yung sinabi ni Lady Jass na it's ok na daw nowadays na yung girl yung unang nagtatapat. Well, sang-ayon naman ako pero kasi...
To: Rose
Pano kung basted ako? Which is sigurado akong OO =(((
From: Rose
Anu kaba? Hindi mo malalaman kung di mo susubukan. Kung ano man ang sagot nya just be ready nalang ang importante nalaman mo.
To: Rose
Haist... di ko alam kinakabahan ako. Di ko ata keri >______<
From: Rose
Di mo naman kailangang pilitin ang sarili mo eh. Kausapin nalang natin si Jass para maintindihan niya, don't worry ^__^
Haist, yun nga yung pinoproblema ko, si Lady Jass. Muka kasi syang excited at ganado about sa pagcoconfess ko kay Russel. Hindi ko nga alam kung bakit eh, haist. Pero yun nga kahit naman friends/bestfriends na kami ni Lady Jass at kahit na bumait na sya simula nung maging close namin si Rose, hindi ko parin makakaila na may authority parin si Lady Jass pagdating samin at mataas parin ang tingin ko sa kanya. Kaya nga Lady Jass parin ang tawag ko sa kanya sa isip ko eh, haist.
The Next Day sa school...
"What's your plan? Kelan mo sasabihin? Now na kaya? What do you think? I'm so excited na, bilis" Hyper na pagkakasabi ni Lady Jass.

BINABASA MO ANG
GirlfriendS.
Teen FictionHe is a soon to be Mafia boss and he is the boyfriend of my new friend/bestfriend, Lily. Then oneday nalaman kong marami pala syang girlfriends bukod kay Lily. He is a PLAYBOY MAFIA!! OHMEN!! hinding hindi ko siya mapapatawad....i loathe him ...but...