26 - A single Rose

243 16 2
                                        

Dedicated kay gotgot ..welcome sa wattpad hehehe

CHAPTER 26 - A SINGLE ROSE

Haist...mag iisang buwan na mula nung nangyari. Haist, aaminin ko di ko parin maiwasang madepress tuwing naalala ko ang mga nangyari, pero para san pa diba? Ako lang naman si Rose na nagpakatanga sa pag-ibig pero dati yun. Ngayon, I'm single. hehehe...haist >_<

Ang totoo nyan hindi naman toh ang first time na nakaranas ako ng break up, aaminin ko ito talaga ang matinding break up na naranasan ko so far pero mag-iisang buwan na... halos matatapos na ang month ng November at magdedecember na. At masasabi ko naman na ok na ko. Ok na talaga promise, masaya na ko na hindi na ko nagpapakatanga sa pag-ibig pero kasi....

"Rose, ilang beses ko bang sasabihin na wag mong kakainin ang lipstick mo" --Lily sabay lagay ng lipstick sakin

"And look, you put your skirt a little higher pa. Let them see your beautiful legs" --Jass sabay taas ng palda ko

Kung ano man ang naiisip nyo, tama kayo. Ang dalawang toh pati narin sila Micah ay sobrang supportive sakin. Gagawin daw nila lahat para makamove on ako. Binuo nila ang "operation move on" ko daw. Nung una hindi ako sang-ayon. Ehh kasi nga kaya ko namang magmove on mag-isa. Iiyak lang naman ako ng two to three days tapos mag mumuni-muni ng isang araw tapos yun na move on na. Pero itong sila Jass gusto daw nilang makatulong sakin at sobrang gusto talaga nilang makatulong kaya hinayaan ko na.

Kaya ito, kung dati ako ang nag-iisang nakapalda ng mahaba ngayon nakikipagpaligsahan narin ako sa paiklian ng palda at tuwing umaga din nilalagyan ako ni Lily ng make up pero light lang naman. Minsan gusto ko nila na silang patigilin dahil hindi naman gusto ang mga bagay na yun pero pag nakikita ko ang enjoyment sa mukha nila eh napapaurong ako sa pagtanggi.

LUNCH TIME.

"Rose, hindi ka pwedeng tumanggi please sumama kana samin my treat" -- Micah

"Yup, tsaka eat all you can desserts yun at sabi nga nila sweet foods ang sagot para mabilis makamove-on" -- Anne

"Pero alam nyo naman na bawal ako diba, sorry talaga" haist... tsaka naka move-on na ko.

"Alam nyo ang O.A. ng move on na yan ah.. isang buwan na yan, tsk" -- Chad

"Haist King di mo talaga naiintindihan ang mga babae noh" -- Anne

Napasimangot naman si Chad sa sinabi ni Anne, halatang irita narin siya, pero naiintindihan ko siya. Gusto ko ngang tumango nung sinabi niyang O.A na eh.

"At ikaw naman..." bigla naman akong napalingon kay Chad para tingnan kung ako ba yung tinutukoy niya. Feeling ko ako kasi tumitingin-tingin sya sakin pero iniiwas din naman niya.

"Pumapangit ka ata.." hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng sobrang inis sa sinabi niya.

"Ano?! Batukan kaya kita" sabi ko with senyas pa na akmang babatukan sya.

Eh... adik pala sya eh. Pagkatapos ko pagtiisan ang pagsuot ng maikling palda at ang nakakairitang make up na toh tapos pangit lang ang maririnig ko sa kanya. Babatukan ko talaga toh kahit siya pa ang susunod na Mafia leader ng clan nila.

"Huwag ka mag-alala Rose sabi niya gumaganda ka daw lalo, liligawan kana daw nya" bigla namang binatukan ni Chad si Jeff pagkasabi niya non kaya di ko mapigilang tumawa.

Masasabi kon naging madali lang sakin ang makamove-on dahil andyan sila, hehehe

"Sus... umamin na kasi, pede naman na eh" -- Jerr

"Bwisit ka Jerr, sisipain kita" --Chad

"Ehh... ate Rose may pag-asa daw ba kasi" -- Igor

Natawa ako bigla sa tanong ni Igor, hindi ko alam din alam ang isasagot ko. Ayoko namang pumasok sa relasyon agad, I mean pahinga muna diba. Pero alam ko naman nagbibiruan lang sila kaya hindi naman sigurong masamang sumakay sa biruan nila, hehehe.

GirlfriendS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon