25 - The End - Part 2

258 15 5
                                    

CHAPTER 25 - THE END - PART 2

Author's POV

Hindi pa nakakalayo ang grupo sa bahay nila Renz biglang napahinto naman sa pagtakbo si Jass nang may napansin sa di kalayuan. Isang lalaking nakatalikod na may yakap na babae. Hindi niya alam pero kahit ang dilim-dilim na at nakatalikod pa ang lalaki, malakas ang pakiramdam nya na parang may something don sa lalaki. Nilapitan niya ito para makasigurado. Napansin naman siya agad ni Chad, na tahimik na binabantayan ang mga kasama na nakaugalian na niyang gawin. Tatawagin niya sana si Jass kaso napansin din niya yung lalaki kaya sinundan nalang niya ito.

Paglapit ni Jass sa lalaki agad niya tong hinarap sa kanya ang lalaki na dahilan kaya napahiwalay ang lalaki sa babaeng kayakap nito. Napamura ang lalaki sa gulat at nanlaki ang mata ni Jass at umakyat ang lahat dugo niya sa ulo. Agad niyang sinampal ang lalaki at napamura ulit ang lalaki at akmang susuntukin si Jass pero pinigilan ni Chad ang kamay niya at napatingin ang lalaki kay Chad. Nagulat si Chad, kahit sobrang dilim alam niya kung sino yun. Lalong nagdilim ang paningin ni Chad at sinimulang bugbugin ang lalaki syempre lumalaban ang lalaki. Walang balak pigilan ni Jass ang King niya bagkus ay lumapit ito sa babaeng kayakap kanina ng lalaki na ngayon ay tumitili na sa takot. Pinagsasampal at pinagsasabunutan ni Jass ang babaeng di naman niya kilala syempre di makalaban ang gulong-gulong babae.

Agad namang nakita nila Jeff at Lily ang dalawa na nakikipagbugbugan. Bumalik kasi sila para hanapin ang dalawa. Paglapit nila nalaman na agad nila ang sitwasyon. Gusto sanang pigilan ni Lily si Jass pero hindi niya magawa kasi mas gusto niyang tulungan si Jass sa ginagawa nito pero wala naman siyang alam sa pakikipag-away. Agad namang hinila ni Jeff palayo si Lily.

"Wag mong sabihing makikisali ka? Magiging panggulo ka lang" Sabi ni Jeff habang nilalayo si Lily. Hindi din alam ni Jeff kung pipigilan niya ang dalawa. Si Lady Jass mapipigilan niya pero ang boss niya imposible pero makakapatay ang dalawa pag di pa niya toh pinigilan.

Maya-maya nagsipagdatingan narin ang iba. Agad na tumakbo si Russel para pigilan ang pinsan, si Jerr at Igor pinigilan si Jass. Si Jeff nilalayo ang mga girlfriends na natatakot na pero gusto paring makita ang nangyayari. Agad namang lumapit si Lily sa papalapit na si Rose at agad na niyakap ito. Hindi mapigilan ni Lily ang pag-iyak

"Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" Niyakap ni Rose ang humahagulgol na si Lily. Sinubukan niyang bitawan si Lily para malaman ang nagyayari pero lalong hinihigpitan ni Lily ang yakap sa kaibigan, ayaw niyang makita ni Rose ang nagaganap.

"Pwe.. #$%^&@!! HANGGANG DITO BA NAMAN!!" Biglang nanigas si Rose nangmarinig ang lalaking nagsalita.

"Renz?" Ayaw pa niya sanang bitiwan si Rose pero para san pa. Alam na ni Rose ang nagaganap.

Nanghihina at dahan-dahan na lumalakad si Rose papalapit sa nangyayari. Hawak-hawak ni Russel si Chad at pilit na pinapakalma. Si Jerr at Igor hawak-hawak si Jass na medyo gulo-gulo na ang buhok. Pagkakita niya sa lalaking nakaupo sa sahig, napaiyak siya. Ganoon na ganoon ang itsura nito katulad nung huli silang nagkita. Duguan din ito at marami sugat at hirap makatayo at katulad nang huli silang nagkita binugbog din ang siya non ni Chad. Luluhod na sana ang umiiyak na si Rose para tulungan si Renz nang bigla niyang mapansin ang isang babae.

Humahagulgol ito. Magulo ang buhok may sugat sa labi at pulang-pula ang pisngi at may mga kalmot sa braso pero kahit ganon ang itsura ng babae, hindi pwedeng makamali si Rose.

"Mi-michelle?" Nanghihinang sabi ni Rose. Napaangat naman ng ulo ang babaeng umiiyak.Pagkakita ni Michelle kay Rose, agad naman itong lumapit at niyakap si Rose.

"Ro-Rose anong nangyayari? Sino sila? Bigla nila kaming sinugod ni Renz?" hagulgol na sabi ni Michelle habang yakap si Rose. Niyakap siyang pabalik ni Rose.

GirlfriendS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon