27 - worst confession

213 14 6
                                    

CHAPTER 27 - WORST CONFESSION

ROSE'S POV

Good vibes akong naglalakad ngayon papuntang school. Diba sabi nila time heals, totoo pala yun hehehe. Balik na ulit ako sa dati sinuot ko na ulit ang dati kong palda at hindi narin ako nagpapamake up kay Lily. Ok na ok na ko. Totoo na toh, naintindihan ko na rin yung gustong iparating ni Chad na hinahayaan kong baguhin nila Jass ang image ko dahil tumatakas ako sa dating ako. Pero ngayon nakaya ko nang bumalik sa dating ako dahil ayos na sakin ang lahat. Ok na ko at out of the picture na talaga si Renz sa buhay ko dahil hindi uunlad ang storyang ito kung magmumukmok ako at hindi makakamove on, diba?

Napatigil ako sa paglalakad dahil may batong gumulong papunta sakin at pag-angat ko ng ulo...

"Oh, Russel" medyo nagulat ako pero napangiti sa kanya at ngumiti naman sya pabalik. Tumakbo ako ng marahan papunta sa kanya at hinampas sya sa may balikat pero mahina lang ah.

"Wow, himala ah nakauniform ka ngayon at wala kang gitara. Bakit napadaan ka dito?"

Ang pagkakatanda ko kasi pumupunta o dumadaan lang si Russel dito para umabsent at maggitara. Ngumiti lang siya at nagkibit balikat lang sya sa sinabi ko at hindi sinagot ang tanong ko.

Nagsimula na kaming maglakad at ayun wala ni isa samin ang nagsasalita.

"Congrats" Nagulat ako sa biglang pagsalita nya at pagbasag ng katahimikan.

"huh?" sabi ko. Kasi nagtaka ko sa sinabi niya.

"Bumalik kana sa dati" Nakangiting sabi nya at napangiti din ako.

"Oo nga eh, hehehe.. wala na sakin ang lahat. Grabe mahigit isang buwan na at tsaka salamat sa inyo kasi naging madali sakin ang lahat tapos nakabuti din na nasa ibang lugar siya kaya di ako nahirapan" ngumiti naman sya ng sobrang cool.

Tahimik na ulit kami pag katapos ng maikling usapan na yan at hindi naman ako nakaramdam ng kahit onting inis o reklamo, siguro dahil sanay na ko dito kay Russel at ok lang naman. Tahimik parin kami hanggang sa nakarating na kami ng school at syempre pumasok na kami sa gate pero hindi pa kami nakakalayo ng gate nang may tumawag sa pangalan namin kaya napahinto kaming dalawa at sabay na lumingon sa likod.

"Rose! Russel!"

"Oh Jass, gudmorning" Bati ko sa kanya habang sya ay patakbong lumapit samin.

"How rare, why are you two together?" kitang kita mo sa mukha at tono ni Jass na may something syang iniisip at natawa lang ako dahil don.

"Hehehe... Nagkataon lang na nagkita kami sa daan" paliwanag ko naman at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa building namin.

"Hah? You didn't bring your car Russel? And pano ka napunta sa way ni Rose?" patuloy na usisa ni Jass. Gusto ko nga ding sabihin na nagtataka din ako eh pero naisip ko na baka dumaan muna si Russel dun sa may park kaya nandon sya sa daan na yun.

Humiwalay na si Russel nang madaanan na namin ang room nila.

"Ehem, I smell something fishy" sabi ni Jass nung kaming dalawa nalang

"Utak mo talaga Jass noh, wala yun" sabi ko habang nakangiti kasi nakakatawa si Jass.

Wala namang nangyari. Nagklase na at nag-aral naman akong mabuti at ayun ang bilis ng oras lunch time na.

Dito kami ngayon sa canteen at sabay-sabay na kami ulit kumain mga isang linggo din kasi kaming humihiwalay sa mga lalaki at dun sa ilalim ng puno kumakain.

"Ate Rose, pwede ka daw ba mamaya sabi ni Boss" sabi ni Igor na bigla naman syang hinagisan ni Chad ng ulam.

"Hoy! kelan ko sinabi yon adik ka!" -- Chad

GirlfriendS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon