CHAPTER 19 - ENDING NG INTRAMS
ROSE'S POV
"ehh..basta tara na, dun sa lugar na tayong dalawa lang" --Renz
Medyo nagtaka ako sa sinabi ni Renz, pero nagulat ako sa reaksyon ng grupo, natigilan silang lahat at sabay-sabay na tumingin samin ni Renz na nanlalaki ang mata. Ano naman kayang iniisip ng mga toh? ang O.A nila mag react ah, di ko alam kung matatawa ba ko sa reaksyon nila o matatakot.
"hmmm...pero Renz san naman yung lugar na tayong dalawa lang? wala dito nun, bakit prob mo?" yan ang reply ko sa sinabi ni Renz na parang kanina pa inaabangan ng lahat medyo napapause kasi ako. Pakiramdam ko may kakaiba kaay Renz, parang di siya komportable dito, amoy sigarilyo din siya pero alam ko di naman sya marunong manigarilyo eh, baka nabugahan siguro siya ng mga schoolmate ko na mahilig magyosi kahit nasa loob pa ng school, tsk.
"eh..basta kahit san, tara na" pagpupumilit pa ni Renz, bakit kaya? di ba niya gusto yung pagkain? may problema ba siya?
"ahmm...sige na nga" sabi ko sa kanya, pumayag na ko, baka naninibago lang siya sa mga kaibigan ko o kaya di na niya gusto yung pag-iinterview sa kanya nila Micah, pero tinatanong-tanong lang naman siya nito ng kung ano-ano, pero normal lang naman yun kasi bago lang sila magkakilala hmmm..baka di sya komportable kaya siguro gusto na niyang umalis dito.
"tsk..bwisit" narinig kong sabi ni Chad, problema nito?
"ahh guys, una na kami ahh, maglibot-libot na kami, kita nalang tayo mamaya sa cheerdance competition" sabi ko, nag bbye narin si Renz at tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko para tulungan akong tumayo.
"ahmm..Rose, gusto mo samahan ko nalang kayo sa paglilibot" sabi ni Lily na mukang nag-aalala
"hah? eh pano yung karate club kailangan ka don diba?"
"hindi na sya kailangan don, sige Lily, maglibot kana" singit ni Chad
"Rose, tara na" sabi ni Renz sabay hila sakin palayo na di man lang kami pinatapos ni Lily sa pag-uusap, problema ba ng mga tao ngayon? problema ba ni Renz? di naman siya ganyan dati ah, magalang siya at di niya basta-basta binabalewala ang mga kaibigan ko.
Hindi ko alam kung san kami pupunta ni Renz, basta todo hila parin siya sakin, medyo mahigpit na nga yung pagkakahawak niya sa kamay ko, kaya medyo nasasaktan na ko.
"wait lang Renz san tayo pupunta?" sabi ko huminto siya at napansin kong nasa may gilid na kami ng isa sa mga building ng school.
"problema mo ba? may nangyari ba?" pag-aalalang tanong ko sa kanya.
Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang ilagay ang dalawa niyang kamay sa balikat ko at sinandal ako sa pader at siya nakaharap sakin na sobrang lapit, problema nito?
"wait Renz, masyado kang malapit" sabi ko kay Renz na di ko parin mabasa ang mukha, mas lalong lumakas pa ang amoy ng sigarilyo kaya mas lalo akong hindi naging komportable kaya hinawakan ko rin sya sa balikat para ilayo siya pero di parin niya inalis ang kamay niya sa balikat ko at lalo pa niyang nilapit ang mukha niya. Nagsimula na kong kabahan, dun ko nalang narealize na akmang hahalikan na niya ko.
"Renz, wag" sabi ko sabay lihis ng mukha ko sa mukha niya.
Alam kong boyfriend ko si Renz pero ayoko. Aaminin ko hindi si Renz ang first boyfriend ko, may mga naging boyfriend narin ako pero kahit isa sa kanila di ko ibinigay ang first kiss ko. Bakit? dahil espesyal toh para sakin, ayokong ibigay toh basta-basta lang. Hindi naman porket boyfriend mo eh dapat mo nang halikan. Ewan ko para sa iba. Pero para sakin, yun ang paniniwala ko. holdinghands, akbay at hug pwede pa pero kiss, masyado atang mahalaga yun diba at di lang naman ako nagboyfriend para sa physical attachment at mas lalong ayoko na gagawin lang akong girlfriend ng isang lalaki para lang mahalikan nila o kung ano pa man.
"sabi ko na nga ba eh" sabi ni Renz sabay yuko at nagsmirk siya, tinanggal narin niya ang pagkakahawak sakin at nilayo na niya ang mukha niya.
"Renz, napag-usapan na natin toh diba" nasabi ko na kasi sa kanya na ayoko pa, gusto ko pag naka one year na siguro kami, mga ganon.
"sige, cr lang muna siguro ako" sabi niya sabay alis at iniwan akong nakasandal sa pader
Naglakad na ko, di ko lam kung san ako pupunta kung babalik ba ko kela Lily o ano. haist, lam ko naman ayaw ni Renz intayin ko siya, sigurado matatagalan na naman yun lalo pa ngayon. Haist.. feeling ko nasaktan si Renz sa pagreject ko, pero kasi mga bata pa naman kami diba, di pa namin kailangan yun, ayokong madaliin ang lahat tsaka espesyal nga sakin ang first kiss diba, gusto ko sa taong karapatdapat talaga yung taong sigurado ako na di lang yun ang gusto sakin. Haist, ewan. Umupo nalang ako sa may bench kung san tanaw mo yung tennis court. Ang O.A ko ba? Mali ba yung ginawa ko? Mali ba na di ibigay ang kiss sa bf mo? Ang KJ ko palagi noh? lagi nalang iba ang pananaw ko sa gusto ng iba, pero yun ang sa tingin kong tama eh, haist di ko na alam..pero ayoko pa rin isuko ang first kiss ko basta-basta, Mahal ko po si Renz, pero gusto ko onting panahon pa, onting pagpapatunay pa na mahal niya talaga ko at onting pagpapapalalim pa ng nararamdaman ko. ayokong magkamali, matagal ko tong iningatan, espesyal nga diba at gusto ko sa espesyal na tao din at gusto ko sigurado akong espesyal ako sa kanya.
Sa di malamang dahilan biglang nagflashback sa utak ko yung pangyayari kung san muntik na kong halikan ni Chad. Bigla akong kinabahan, at parang feeling ko namula din ako. waaaaaaaah!!! erase! erase! balewala na sakin yun, alam ko naman na tinatakot lang niya ko non ehh, buti nalang talaga di niya tinuloy, naku baka magbigti na ko, ang pinaka-iingatan kong halik, makukuha lang ng mayabang na yun,naku haist. Pero buti nalang mabait si Chad, kasalanan ko din naman yun eh, lagi ko siyang kinokontra at inaasar. Nagflashback din sa utak ko yung mga ex ko na nagbalak akong halikan pero di sila nagtagumpay. Syempre ako pa, di ako papayag noh, ayoko sa mga lalaking yun lang ang hanap sa babae, kinamumuhian ko sila. Tama, kaya Tama lang ang desisyon kong ireject si Renz, diba?
CHAD'S POV
"normal naman kasing ginagawa yun ng magboyfriend sa panahon ngayon eh" binatukan ko ng napakalakas si Jeff pagkasabi na pagkasabi niya nyan. Bwisit lang, bwisit talaga, di ako mapakali.
"ARAY!!!!!! grabe ka boss!! nagsasabi lang ako ng totoo!!!" sabi ni Jeff pero tinignan ko lang siya ng masama. Sa lahat ng totoo yun ang hindi-hindi ko matatanggap ngayon.
"EH!! Bakit ako ah!! ginagawa ko ba yun sa mga girfriends ko hah!!" medyo pasigaw na sabi ko kay Jeff
"relax lang" sabi sakin ni Russel sabay tapik sa likod ko
"oo nga boss, relax ka lang, grabe ka makareact eh"

BINABASA MO ANG
GirlfriendS.
Roman pour AdolescentsHe is a soon to be Mafia boss and he is the boyfriend of my new friend/bestfriend, Lily. Then oneday nalaman kong marami pala syang girlfriends bukod kay Lily. He is a PLAYBOY MAFIA!! OHMEN!! hinding hindi ko siya mapapatawad....i loathe him ...but...