KABANATA 6 - NOT EDITED

437 18 0
                                    

KABANATA 6

3RD PERSON'S POV

Isang linggo na ang nakakalipas at ngayong araw na ililibing si Margaux. Binigyan ng maayos na libing ng dating Alpha na si Alpha Scanver, si Margaux. Hindi nya mawari kung bakit sobra syang nalulumbay sa pagkawala ng dalaga. Kahit anong tawag nya kay Hellfrina ay alam nyang hindi rin nya ito masasagot dahil nga't nawawala ito at ilang taon na ang nakakalipas ang pagkawala nito.

"Sa-Salamat Alpha Scanver for this... I know this is too much but you provide everything," pagpapasalat ni Merlin. Nabasag narin ang kanyang boses at nagsisimulanarin syang umiyak nilapitan naman sya ng kaibigna. Ngumiti lang ng bahagya si Scanver at tumango sakanya.

'I will do everything for her,' wika nito sa kanyang isipan. Nandoon ang lahat. Isa isa silang nagpatong ng bulaklak sa kamay ni Margaux at ang pinakahuling dapat maglalagay ng bulaklak sakanya ay walang iba kung hindi si Tristan Jayvee Itsumi o sa mas kilalang Baozi.

Pinagkatitigan nya pa ang dalaga at mga ilang minuto pa ang lumipas tsaka nya lang narealaize na ang babaeng pinakamamahal nya pala ang nakahiga sa kabaong. Kahit iba ang itsura nito ay nakilala naman ng puso nya ang taong mahal nya. Yung tibok ng puso nya ay para syang hinabol ng sampung bampira sa bilis na gusto pa atang kumawala sa rib cage nya at ang kuryenteng kanyang naramdaman ng mahawakan nya ang dalaga ay hindi kayang iparamdam ng ibang babae sakanya.

Mabilis nyang hinawakan ang malamig nitong kamay at nagsimula na syang umiyak na parang sya pa ang nawalan. Nagulat ang lahat sa naging eksena ni Tristan at agad syang nilapitan ng ina't ama pati narin ang kapatid nyang si Travis. Pilit inilalayo ni Christian ang anak sa dalaga ngunit hindi nya ito binibitawan.

"Son... son... hey son... you need to calm down... son..." pagpapakalma ng ama sa anak. Ang ibang nandon ay biglang naalala ang nangyari limang daan taon na ang nakakalipas. Ang sobrang pagiyak ng binata sa babaeng mahal nya.

"No! Dad!" sigaw nito at bubuhatin na sana nya si Margaux ng sapilitan syang inilayo nila Christian, Travis, Mitsuo at ni Scanver. Nagwawala pa ito ng nagwawala hanggang kailanganin nila ang pampakalma o hindi kaya'y ang pampatulog.

Nababahala narin si Merlin sa inaasta ng binata na wari mo'y kasintahan ng pamangkin ngunit alam nyang walang interes sa lalaki ang pamangkin dahil mas gugustuhin pang magbasa ng libro ni Margaux kesa makipagdate sa lalaki. Hindi nya alam sa pamangkin kung tibo ba o wala lang talagang interes sa kalalakihan.

Habang busy ang lahat sa pagpapakalma kay Tristan at sa panonoood ay bigla namang gumalaw ang kanang hinatuturong daliri ni Margaux at hanggang sa sumagap ito ng malalalim na hangin upang punan ang baga nyang wala nang hangin. Muli ring tumibok ang kanyang puso't ang unti unting pagdilat ng kanyang mata ngunit ipinikit nya rin ito dahil sa liwanag ng paligid na kanyang nakikita. Nang maramdaman nyang medyo okay-okay na sya ngunit sumasakit parin ang sugat nya dahil nga malalim ang pagkakabaon ng dagger sa kanyang likoran.

Kahit masakit ang kanyang sugat ay pinilit nyang umupo mula sa pagkakahiga at nang makita nya ang buong paligid ay nagtaka naman sya sa nakita dahil pampatay ang theme. Nang maisip nya ang ganong bagay ay bigla nalang nyang inilibot ang paningin at laking gulat nya na makita ang pangalan sa tarpaulin kasama ng date ng kapanganakan nya at ang date ng pagkamatay nya.

Still shock parin sya sa nakita. Nang maisipan nyang suriin ang sarili ay hindi na sya nagtaka kung bakit sya nakasuot ng bestidang kulay puti na sobrang ganda kahit simple lang ang disenyo nito. Naroon parin naman ang badage sa kaliwang braso nya at laking pasasalamat nya na hindi ito tingal o pinalitan man. Bakit nya alam kung bakit hindi pinalitan? Kasi nandon pa yung dumi't ilang dugo.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon