KABANATA 14
3RD PERSON’s POV
*pant* *pant* *pant*
“General Franzcien… ang hukbo sa silangang bahagi ng lagusan ay malapit nang maubos at ang iba’y nakakalabas na ng lagusan patungong mundo ng mga tao,” hinihingal na wika ng isang kararating lamang na kawal. Ginilitan na muna ng babae ang kahulihulihang nagtangkang tumawid sa lagusan sa kanyang prisensya.
“Ipadala ang hukbong sandatahan sa bahaging iyon at habuling man kung sino ang makakatawid ng lagusan o kayong mga tapat na kawal ng Alpha ang madurusa sa kapabayaan ninyo!” nagmamadali namang umalis ang kawal at ginawa ang ipinaguutos ng kanyang pinuno.
“Anong sitwasyon sa kaharian?” tanong nito sa isa sa mga espiya ng kanyang hukbo.
“Tuluyan nang nawala ang mga kapangyarihan ng mga dyos at dyosa kaya ang sulosyon na ginawa ng Alpha ay magensayo sila ng kanilang mga piskal na katawan,” tumango naman ang babae sa kanyang narinig at naupo sa gabundok na mga bankay.
“Kung ang mga nilalang na ito ang naunang mahanap ang susi sa mundo ng mga tao… ang nangyaring digmaan mahigit limang daan taon na ang nakakalipas ay mauulit at mauulit iyon ngunit hindi na lamang tayong mga immortal kung hindi madadamay narin ang mga mortal sa paghahanap lamang ng susi ng kaharian ng dyosa Hellfrina…” napatango naman ang kausap.
“Mahirap nang mapunta sa kalaban ang ating pakay… dahil kapag nangyari yun… ang mga naunang nilalang satin ay mabubuhay muli,” nagaalalang wika ng espiya.
“Magmasid ka pa’t magsiyasat… kailangan nating maunahan ang mga kaaway bago pa mahuli ang lahat,” sumunod naman ito sa kanyang pinaguutos.
Sa kaharian ng Two Moons ay seryosong naguusap ang lahat ng mga pinuno ng bawat kaharian patungkol sa iisang problema na sa totoo lang ay maliit na bagay lamang ito kung iisipin dahil susi lang naman ang hahanapin ngunit hindi ganoon iyon. Ang susi na ito ay napakahalaga sa lahat lalong lalo na sa mga naninirahan kasama ng dyosa Hellfrina. Ang susing ito ay magpapalaya sa lahat nang namayapa at magreresulta ng matinding digmaan laban sa mga patay at buhay.
Kailangan nilang protektahan ang dalagang nabangit ng propesiya. At nagsagawa sila ng isang misyon na hanapin at tipunin lahat nang may tattooing yin at yang sa katawan sa akademya at upang masuri ng puting mangkukulam kung ito banag babaeng ito ay sya na ba ang itinakda. Pati narin ang mga nagaaral doon na may tattoo ay tinignan narin ngunit hindi nila nakita ang kanilang hinahanap.
“Sa pagkakataon na ito ay kailangan na natin makita ang babaeng may hawak ng susi bago pa mahuli ang lahat,” madiing wika ng Alpha na sinangayunan naman ng lahat.
“Kuya… sa darating na sabado ay may magaganap na grand ball sa school para sa mga nakagradute na 4 and 5 years ago… baka sa batch na ito ay makita na natin ang ating hinahanap…” suhestyon ni Miyasaki sa kanyang nakatatandang kapatid.
“Dadalo tayong lahat… hindi natin pupwedeng palagpasin iyon dahil ikalawang kabilugan ng buwan sa sabado at tayo’y magiging malakas pati narin ang mga kauri natin na naligaw na nang landas…” pinal sa desisyon ng Alpha na sinangayunan naman ng lahat.
“Kamusta na nga pala si Tristan, Tita Trisha?” tanong ng Alpha. Ngumiti naman ang babae at ikinuwento ang naging pribadong kasal ng anak at ang unti unti nitong pagbuti.
“Nais kong makilala ang babaeng nagaalaga sakanya dahil kung hindi dahil sakanya ay baka wala na ang dating kasintahan ng aking namatay na kapatid,” ngumiti naman si Trisha.
BINABASA MO ANG
THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓
Hombres Lobo[BOOK 2] Limang daan taon na ang nakakalipas nang matapos ang huling digmaan. At sa nakalipas na panahon ay naging mapaya naman ang pamumuhay ng bawat nilalang. At sa mismong araw rin ng digmaan, ang huling sugo ng Dyosa ay tuluyan nang yumao sa mun...