SPECIAL CHAPTER

495 13 0
                                    

SCEPICAL CHAPTER


TRISTAN JAYVEE ITSUMI


Nakatitig lang ako sa larawang hawak ko habang nakaupo sa kama dito sa loob ng kwarto ko. Ang larawan ni Misaki, ang babaeng pinakamamahal ko. Ibinigay sakin itong larawan na ito ni Miyasaki, ang kakambal ng babaeng mahal ko noong huling dalaw nya sa ospital bago ako ma-discharged. Kahit na iwasan kong huwag isipin ang mga bagay bagay patungkol sakanya... hindi ko maiwasan dahil nagkukusa itong pumapasok sa isip ko. I want to end this freaking brain of mine, I think... I should end my life too para magkasama na tayo.


Napatingin naman ako sa pinto nang may kumatok. Who the hell is knocking? Bumukas naman yung pinto at nakita ko si Mommy na pumasok na may ngiti sa mukha habang hawak yung tray ng pagkain papalapit sakin. Napatingin naman ako sa coffee table at nandoon parin yung tray ng pagkain na dinala nya kanina pang umaga na wala paring bawas. Nawala na sa isip ko iyon...


"Anak..." mahinang tawag nya sakin at inilapag sa coffee table ang pagkaing dala nya. Nahiga naman ako at mahigpit kong niyakap ang larawan ni Misaki habang nakapikit.


"Limang buwan mula ngayon ay selebrasyon ng ika-limang daan at isang taong pagkamatay ni Misaki... dadalo ka ba?" mahigpit kong niyakap ang larawan nya. Hindi ko maintindihn kung bakit nya pa kailangang gawin ang bagay na yun. Pwede naman nyang sabihin sa dyosa na maghanap nalang ng ibang sugo bakit sya pa... bakit ikaw pa?


"*sigh* kumain ka muna anak para naman magkalaman yang tiyan mo kahit papaano ... hindi ka pa nagaalmusal... baka magkasakit ka nyan sa ginagawa mo at pagkatapos ay magpahinga ka ..." naramdaman ko nalang na hinalikan ni Mommy yung ulo ko. I don't want this.


Nakatitig lang ako sa asul na lagit habang nakahiga sa silong ng punong acaia. Napakasarap sa pakiramdam ang malamig ng simoy ng hangon na umiihip kahit na tanghaling tapat at payapa sa paligid pero may kulang parin. Hindi ko gusto na makita o marinig man ang mga pinagsasabi nila na hindi naman totoo kaya mas pinili ko nalang na umalis kesa manatili doon. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako dahil sa pagod.


Maraming nangyari at paulit ulit nalang yung nangyayari sakin araw-araw dito sa mundo ng mga tao at wala namang pinagkaiba sa kung papaano ako mabuhay sa Two Moons. Gigising ako, kakain, maglilinis ng katawan o maliligo o kaya minsan hindi na, iisipin sya at iisipin na kitilin nalang ang buhay ko para matapos na tong paghihirap ko. Paulit ulit nalang yung ganito... nakakasawa na... nakakasawa nang mabuhay.


"Anak, come... pupuntahan natin yung pamangkin ng kaibigan ko... makikiramay tayo sakanya," hindi nalang ako sumagat at hinayaan si Mommy sa kung ano ang gusto nyang gawin total naman wala na akong pake.


Pagkarating naming sa mismong lugar kung saan ginaganap ang paglibing ng kung sino man yun. Binigyan ako ng hindi ko kilalang babae ng rosas at ako raw ang huling maglalagay nun sa namatay. Parang lutang yung isip ko pero wala naman akong iniisip. Tumayo nalang ako nang magbibigayan na ng bulaklak. Pero nagbago ang lahat matapos kong makita yung babaeng nakahiga sa kabaong. Ilang minute pa ang lumipas nang titigan ko nag mukha nya at tsaka ko lang na-realize na ang babaeng pinakamamahal ko pala ang nakahiga sa kabaong ng mga oras na yun.


Yung tibok ng puso ko ay hindi ko maipaliwanag na para bang hinabol ako ng maraming bampira sa bilis nito at para bang lalabas sya sa baga ko anu mang oras. Nang masangi ko ang kamay nya ay parang boltaboltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko na ni minsan ay hindi ko na naramdaman pa ulit.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon