Sorry mga bhebs kung ngayon lang ako nakapag update.... Sorry talaga... Ang daming gawain sa school huhuhu! Matatagalan din yung sa susunod na kabanata... Please.... Please... Konting tiis nalang naman na eh... Salamat
KABANATA 22
3RD PERSON’s POV
Nagugulumihanan si Mitsuo kung bakit galit na galit si Tristan at pinagpapapatay nya ang mga kalaban na punong puno ng galit.
‘Bakit? Anong nangyayari sayo’t nagkakaganyan ka?’ tanong nya sakanyang isipan. Nang tumingala sa langit si Mitsuo may napansin syang pigura na nakatayo sa gate. Sa pagsara ng gate ay paunti unti ring nawawala ang pigurang kanyang nakita. Hindi nya alam kung sino yun dahil para lamang itong anino.
Sa pagpapakita ng gabi, binalot ng kadiliman ang buong paligid. At sa isang buong araw ay natapos rin ang madugong labanan sa pagitan ng hunters at lobo pati narin ang laban sa lobo at sa iba pang mga nilalang na wala nang katinuan. Ni isa man sa mga kalaban ma pa Hunter man o ibang nilalang ay wala nang natira pa.
Ngunit hindi matangap ng mga mangkukulam o ng kahit na sino ang sinapit ng matandang puting mangkukulam pati narin ng mga dyos at dyosa. Hindi nila maunawaan kung paano nangyari ang lahat ngunit ipinaliwanag ni Mitsuo na isa nalamang silang mga normal na nilalang na walang kakayahang lumaban. Hindi man nila maintindihan ang mga iyon ay pinilit na lamang nilang intindihin dahil ang mismong Alpha King na ang nagsabi sakanila.
Maraming mga labi ang mga nakahiga ngayon sa plaza ng Armo. Kung hindi pa sinaksakan ng pampakalam’t pampatulog si Tristan baka pati mga inosenteng mamamayan ay madamay na sa pagwawala nito. Sya lang naman ang may dahilan kung bakit wala nang natira pa sa mga kalaban. Dahil narin sa galit na kanyang nararamdaman sa ginawa nila sa kanyang mahal.
Naalimpungatan si Tristan sa ingay na kanyang naririnig sa labas. Nagbihis na muna sya ng matinong damit bago lumabas ng bahay na hindi nya alam kung bakit sya nandon. Nagkibit balikat nalang sya kahit na masakit ang katawan sa hindi malamang kadahilanan ay pinilit nya paring gumalaw at lumabas na ng tuluyan sa bahay. Kitang kita nya ang mga mamamayan ng Two Moons na tumatangis sa namayapa nilang mahal sa buhay pagkalabas nya ng bahay.
Nakita nya agad si Terrence na may inaasikaso kaya nilapitan nya ito kahit alam nyang maiistorbo nya ang kaibigan ngunit kailangan nyang itanong kung nasaan ang kanyang asawa’t mga magulang.
“Terrence…” lumingon naman si Terrence at ngumiti ng bahagya sakanya. May mga sinabi pa sya sa mga bata bago ito tuluyang humarap sakanya.
“Okay ka na, Hyung?” tumango lang si Tristan bilang sagot kahit ang totoo ay masakit ang kanyang buong katawan.
“Nakita mo ba si Margaux o sila Mama?” tinuro naman ni Terrence kung nasan nakapwesto ang nanay nya.
“Thanks,” tumango lang si Terrence at malungkot na ngumiti sakanya. Biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso ngunit isinawalang bahala nya iyon at nagtungo sakanyang ina.
Pagpasok nya sa loob ng bahay ay nakita nya ang ina na nakahiga sa isang kama kasama ang ilang sugatang kaibigan dahil sa nangyaring labanan. Agad na nilapitan ni Gyro ang anak upang alalayan na syang ipinagtaka ni Tristan.
‘Bakit nya pa kailangang alalayan ako?’ Yan ang tanong nya sakanyang isipan. Gusto nyang sabihin na okay lang sya na masakit lang ang katawan nya ngunit nang mapatingin sya sa salamin laking gulat na dahil parang hindi sya yung nakikita nyang repleksyon sa salamin. Ang daming benda, mga sugat, at mga pasa na ni isa man doon ay wala syang naramdaman.
“Maayos lang ang Mama mo… kailangan nya lang ng pahinga… katulad mo nak…” wika ng kanyang ama na nakatingin lang sa kanyang ina. Nakaupo naman ang kanyang kapatid sa tabi ng kama ng ina at pinaglalaruan ang mga daliri nito.
“Pa… nasan si Margaux… hindi ko pa sya nakikita…” napangiti nalang ng malungkot ang ama.
“Nasa bulwagan… kasama nila Mitsuo,” tumango lang sya at humalik sa ina bago luabas ngunit biglang nagsalita ang kanyang kapatid na hindi tumitingin sakanya—“Brace yourself Kuya… I don’t want you to feel that thing or see you like that again…” wika nito. Parang tinambol ang puso nya sa sinabi ng kapatid ngunit ginulo na lamang nya ang buhok nito bago nagtungo sa bulwagan kasama ang ilang mga kaibigan.
Pagpasok nila sa loob ng bulwagan nakita agad nila na ang daming mga lobo. Nilibot ni Tristan ang kanyang paningin sa kabuoan ng bulwagan at nakita nya si Mitsuo na seryosong nakikipagusap sa isang lalaking napakapamilyar sakanya. Nilapitan nya ito at alam na agad ni Tristan na may mali sa mga ikinikilos nito kahit na sa paligid nya kasi ramdam nyang parang may itinatago ang mga ito sakanya.
“Tristan…” wika ni Mitsuo bago tapikin ang kanyang balikat. Tumango lang sya at hinarap ang lalaking pamilyar sakanya.
“I’m Caiden, Margaux’s cousin…” pagpapakilala nito dahil ramdam ng lalaki na hindi sya nito kilala. Napatango nalang si Tristan bilang pagacknowledge nya sa prisensya nito.
“Where’s Margaux?” natigilan naman silang dalawa at bahagya na lamang ngumiti si Caiden at itinuro ang silid kung saan nya pinagdalhan ang pinsan nya. Sa ikatlong pagkakataon ay bigla na lamang tumibok ang kanyang puso bago nagtungo sa lugar na iyon.
Paghawak nya palang sa seredula ng pintuan ay parang lalabas na ang kanyang puso sa kabang nararamdaman nya. Huminga na muna sya ng malalim bago nya buksan ang pintuan at pumasok sa loob.
Pagpasok na pagkapasok nya sa loob ng silid nakita nya si Miyasaki na inayos ang kumot ng asawa. Agad naman napansin ni Miyasaki si Tristan kaya mabilis nyang pinunasan ang kanyang mata at marahas na suminghot at bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓
Werewolf[BOOK 2] Limang daan taon na ang nakakalipas nang matapos ang huling digmaan. At sa nakalipas na panahon ay naging mapaya naman ang pamumuhay ng bawat nilalang. At sa mismong araw rin ng digmaan, ang huling sugo ng Dyosa ay tuluyan nang yumao sa mun...