Ayun guys! Pasok ang ating Book1l2 and Book 1 sa #wattys2019 and I hope na suportahan nyo pa po lalo ang aking story on wattpad! I love you so much guys!
KABANATA 16
3RD PERSON's POV
Kinabukasan ay maagang nagising si Margaux. Pinagmamasdan nya lang ang asawa na mahimbing na natutulog. Hinalikan na muna nya ang noo nito bago magtungo sa banyo.
Pagpasok nya sa loob ay tinangal nya ang wig na suot nya at napabuntong hininga nalang sya. Sinasadya nya talagang gumising ng mas maaga sa kanyang asawa hangat maaari at sinasadya nya ring matulog ng maaga upang hindi makita ng kanyang asawa ang kanyang tunay na itsura. May pagaalangan pa syang ipakita kung ano man ang kanyang tinatago sa asawa.
Hindi nya alam kung bakit pero pakiramdam nya once na makita ng asawa kung ano ang tunay nyang itsura ay mawawala ito. Mawawala ang asawa sa kanyang tabi... although okay naman ang pakikisama nilang dalawa sa isa't isa ang pinuproblema lang nya ay ang kanyang itsura.
Although wala namang problema kay Tristan na matulog sya ng maaga or magising ng maaga dahil alam nyang may pasok ng maaga ang asawa. Hindi kasi pinayagan ni Tristan na magleave ang asawa kaya ayun wala ring nagawa si Margaux at ang naging kasunduan nalang nilang dalawin ay sa ospital nalang si Margaux pupunta after ng work hours na sinangayunan nalang ng babae.
Simpleng white long sleeves na tinupi hanggang siko at slack na tinernuhan ng black toes covered 3 inches wedge. Nakaayos narin ang wig na suot nya sa French braid at pati narin yung contact lenses nya. Hindi na sya nagabala pang maglagay ng kolorete sa mukha dahil bukod sa makati iyon ay ubos oras din.
Nang makita nyang maayos na ang kanyang itsura sa salamin ay pinuntahan nya ang asawa na natutulog parin hanggang ngayon sabay upo sa gilid nito. Tinapik tapik naman nya ang pisngi ng asawa ng marahan.
"Hey... wake up..." pero umungot lang si Tristan at umiba ng pwesto ng pagkakahiga. Napangiti nalang si Margaux habang umiiling iling. Lumapit naman sya sa tenga ng asawa at bumulong.
BINABASA MO ANG
THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓
Lupi mannari[BOOK 2] Limang daan taon na ang nakakalipas nang matapos ang huling digmaan. At sa nakalipas na panahon ay naging mapaya naman ang pamumuhay ng bawat nilalang. At sa mismong araw rin ng digmaan, ang huling sugo ng Dyosa ay tuluyan nang yumao sa mun...