KABANATA 9
3RD PERSON's POV
Nagmulat ng mata ni Tristan at kinusot kusot ito ng parang bata. Nang makaupo ay inilibot naman nya ang kanyang paningin sa buong paligid. Napakunot naman ang noo nya nang mapagtantong hindi pamilyar ang mga gamit na mga nakadisplay ngunit napakapamilyar ng amoy ang nanunuot sa kanyang ilong. Napakapamilyar ng amoy para sakanya.
Tumayo naman sya ngunit napatigil sya sa balak nyang paglalakad ng mapansing iba na ang suot nyang pangitaas. Chineck naman nya yung pambaba nya ngunit walang pinagbago. Nagtungo nalang sya sa kusina at naabutan nya ang dalagang nagluluto. Nagulat pa sya nang makita nya ito ngunit nawala din ang kanyang pagkagulat at hindi nya mapigilang pagmasdan ang dalaga. Nakasuot lang ito ng simpleng malaking white t-shirt na umaabot hanggang kalahati ng kanyang mapuputing hita na akala mo'y bestida ang suot. Nakaipit din ito ng messy bun.
Nakaramdam naman si Margaux na may nakatitig sakanya kaya napalingon sya sa kanyang likod at laking gulat nya nang makita nya ang binata na gising na. Hindi mapigilan ni Margaux ang sarili na pagmasdan ang binata. Ang buhok nitong magulo, ang chinito nitong mata na naging mas chinito pa, ang matambok nyang pisngi na namumula, at ang ilong nitong namumula rin.
"G-Good morning..." nauutal na bati ni Margaux sa binata. Napa-tilt naman ang ulo ni Tristan nang batiin sya nito. Himarap naman sya sa kanyang niluluto at lihim na napangiti sa gesture ng binata.
'Ganoon na ba kabilis ang pagtulog ko?' tanong nya sa kanyang sarili.
"Uhm... morning?" alangnin nyang bati. Natawa naman si Margaux sa ikinikilos ng binata. Namula naman si Tristan and at the same time natulala ng marinig nya ang pagtawa ng dalaga.
"Sit down and let's eat," wika ni Margaux. Kahit nalilito ay umupo narin si Tristan at kumain. Hindi man sabihin ng binata na masarap ang kanyang nilutong sinangag with fried egg/fried hotdog/fried bacon and side dish pork steak ay kitang kita nya sa ekspresyon ng binata iyon at sa gana nitong pagkain. Tumayo naman sya na ikinatigil ni Tristan sa pagkain. Kanina pa kasi napapansin ni Tristan na hindi ginagalaw ni Margaux ang pagkain nya at pinagmamasdan sya nito.
"Uhmm... san ka pupunta?" alanganin nyang tanong. Ngumiti naman si Margaux na nagpabilis ng tibok ng puso nya't pagpula ng buong mukha nya na napansin naman ni Margaux. Napahagikgik nalang si Margaux sa reaksyon ng binata. She's aware kung bakit ganoon ang reaksyon ng binata.
"Do you want some coffee?" tanong nalang nya sa binata na ikinatango naman si Tristan. Habang nagtitimpla ng kape si Margaux ay hindi na napigilan pa ni Tristan na magtanong.
"Ano... ilang oras ba ako natulog?" takang tanong nya. Natigil naman si Margaux sa pagsasalin ng tubig sa baso. Humarap naman sya sa binata at sinabing...
"Apat na araw," nabulunan naman si Tristan sa sinabi ng dalaga. Mabilis na lumapit si Margaux sa binata at binigyan ng tubig na ininom agad nito. Hinimas himas naman nya ang likod ng binata habang umuubo ubo pa si Tristan.
"Pa-paki ulit?" nauutal nyang tanong habang umuubo pa.
"Four days," namula naman sya nang mapagtanto kung gaano kalapit ang dalaga sakanya.
"Ga-ganoon ba... sana... sana gi-ginising mo ako," nahihiya nyang sambit sa dalaga at nagiwas ng tingin. Tumalikod naman ang dalaga't nagtungo sa lalagyanan ng mixer.
"I can't do that..." wika naman ni Margaux at ipinagpatuloy na ang naudlot na pagsasalin ng mainit na tubig.
"Ha?" takang tanong nya sa dalagang nakatalikod sakanya.
BINABASA MO ANG
THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓
Werewolf[BOOK 2] Limang daan taon na ang nakakalipas nang matapos ang huling digmaan. At sa nakalipas na panahon ay naging mapaya naman ang pamumuhay ng bawat nilalang. At sa mismong araw rin ng digmaan, ang huling sugo ng Dyosa ay tuluyan nang yumao sa mun...