Sorry to keep you wait... I hope I make this story finish with no conflict of time kasi may pasok na po ako...
First day of being a freshman...
KABANATA 19
3RD PERSON’s POV
Pagkatangal ni Miyasaki ng tali ni Margaux ay agad syang naumupo at nagtago kay Tristan. Biglang tinuktok ng matandang mangkukulam sa sahig ang kanyang tungkod kaya ito nakagawa ng isang malakas na ingay sa apat na sulok ng bulawagan.
“Ikaw na babae… huwag mo akong linlangin babae, kaya mong linlangin ang iba ngunit hindi ako. Hindi ka isang ordinariyong nilalang sa aking paningin,” malamin na wika ng matandang mangkukulam. Wala namang umimik ni isa sa mga nasa loob ng bulwagan at hinihintay lamang nila ang sasabihin ng matandang mangkukulam.
“Sino ka? Magpakilala ka!” biglang naalala ni Margaux na sya’y nagpakilala na kanina ngunit nagkibit balikat nalang sya at walang nagawa kung hindi lumabas sa kanyang pinagtataguan. Naging tao narin si Tristan na agad namang binigyan ng tela ni Anthony ganon din si Miyasaki na binigyan ng ina ng tela. Sasagot na sana si Margaux ng may marinig syang tinig na nagsasabi na—“Anak ko…” mabilis nyang ipinikit ang kanyang mata at dinama ang lambing ng boses nito.
“Anak ko…” napangiti nalang si Margaux at sa kanyang pagdilat ay nasa iba na syang lugar. Nasa isang magarang silid na may upuan sa pinakataas ng hagdan at walang katao tao man sa paligid na ipinagtaka nya dahil ang huli nyang naalala ay maraming tao sa lugar.
“Anak… ang anak ko…” napatingin naman sya sa kanyang likoran at nakita nya ang kanyang ina na nakasuot na pang reynang damit. May korona rin itong suot. Naluluha sya dahil sobrang miss na miss na nya ang ina.
“Napakaganda talaga ng anak ko…” naluluhang puri ng ina sakanya. Napahagulgol naman si Margaux at mahigpit na niyakap ang ina’t ganoon din sya.
“I miss you mom,” umiiyak na wika ni Margaux habang yakap yakap ang ina. Minuto ang binilang bago sila maghiwalay ng ina. Tinignan ng ina si Margaux mula ulo hanggang paa at—“Napakaganda talaga ng anak ko…” wika nito at iniharap sya sa bintana at kitang kita nya ang kanyang repleksyon.
Hindi nya alam kung paano nangyari ang lahat pero yung tunay nyang itsura ay kitang kita nya. Nakasuot kasi sya ng isang kulay gintong tube gown. Nakalugay ang kanyang buhok na kulay puti na may pagkaabo at ang kanyang mata na pula’t asul. Wala rin syang suot na gloves para maitago ang kanyang tattoo.
“Mom…” nagaalala nyang tawag sa kanyang ina at humarap sakanya ngunit nginitian lang sya ng kanyang ina.
“Wag kang magalala anak… walang tao dito…” napahinga naman si Margaux ng maliwag. Ang buong akala nya ay bigla nalang may papasok na mga tao sa malaking pintuan ng bulwagan.
Hinila naman sya ng ina patungo sa trono’t sabay silang naupo roon habang magkahawak ng kamay. Nakangiti nalamang sila sa isa’t isa kahit na walang nagsasalita sakanila ay napakakomportable ng pakiramdam ni Margaux kahit prisensya lang ng kanyang ina ay sapat na. She’s always thinking about her besides Tristan and her dad.
Napatingin si Margaux sa magkahawak na kamay nila, ramdam nya ang init ng kamay ng ina na simbolo na buhay ito. Umangat ang kanyang tingin at nakatingindin pala sakanya ang ina.
“Hindi ka ba nagtataka kung bakit iba ang itsura mo?” biglang tanong ng ina. Hindi naman makasagot si Margaux sa biglaang tanong nito. Nagtataka sya—sobra syang nagtataka kung bakit ganoon ang itsura nya, iba sa magulang nya—lalong lalo na ang kanyang buhok, mata lahat lahat ay iba.
BINABASA MO ANG
THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓
Werwolf[BOOK 2] Limang daan taon na ang nakakalipas nang matapos ang huling digmaan. At sa nakalipas na panahon ay naging mapaya naman ang pamumuhay ng bawat nilalang. At sa mismong araw rin ng digmaan, ang huling sugo ng Dyosa ay tuluyan nang yumao sa mun...