MOTB 1

99K 3K 1.1K
                                    

MOTB 1

"Venz, birthday ni Embry ngayon." imporma ni Clairvaux habang kumakain kami ng agahan kasama si Venz.

Panay ang tingin sa amin ni Rikz kahit na naliligo sila sa Talon kaya naiilang ako tuwing naiisip na nalaman nila ang kulturang iyon, wala mang kalinawan dahil hindi kami nagsalita ukol doon ay may clue na sila. Sana naman, hindi.

Ngumisi si Venz at tumingin sa akin.

"Happy birthday, Embry." he greeted nicely. "How old are you now?"

"Thanks. Fourteen na ako." ngiti ko.

Nanguso siya at sumulyap kay Clair pero binalik din sa akin. "Oh, so you'll have your "half-rein" now."

"Maybe..." natawa ako. "Baka sa paggamit lang ng gadgets. Still, our family has own culture we shouldn't shut out."

Nanatili ang normal na reaksyon ni Venz, tumango-tango siya. Kahit na ganyan ang reaksyon niya, hindi pa rin ako panatag. Mukhang nasabi na ni Clairvaux ang sikreto ng aming pamilya. Uminit ang ulo ko roon, mamaya kami mag-uusap!

Kinurot akong pasimple ni Clairvaux sa ilalim ng lamesa, bumungisngis siya.

"Oo, fourteen na rin ako next week. May cellphone na rin ako tapos makakapagtext na tayo."

Namilog ang mga mata ko dahil sa diretsang sinabi ni Clair kay Venz, nakita ko ang paglapad ng ngisi nito habang aliw na nakatingin kay Clair. Nangunot ang noo ko.

"Ilang taon ka na ba, Venz?" tanong ko, kuryoso.

"Sixteen na siya!" si Clair ang sumagot. "Kaya nga puwede na siyang mag girlfriend, e."

Tingnan mo 'tong epal na 'to! Hindi naman siya ang tinanong ko, talagang nakisabat pa!

"May girlfriend ka na?" tanong ko ulit, binalewala ang pinsan.

Sixteen na pala siya, dalawang taon ang tanda sa amin kaya hindi nakakapagtaka na mukhang mas mature siya sa pananalita kagaya nila Annunzio at iba pang mas matandang pinsan sa akin. Madalas kong marinig na mas maaga raw magmature ang mga babae kesa sa mga lalaki, pero hindi rin siguro. Depende pa rin sa tao iyon. Hetong si Clairvaux nga isip bata pa rin, mas matured pa iyong pinsan naming trese pa lang.

Humalakhak si Venz, lumabas ang maputi at kumpleto niyang mga ngipin. May ceramic retainer iyon na pansin kong kanina niya pa pinaglalaruan kapag walang kausap habang kumakain kami ni Clair.

"Wala pa."

"Pero nagkagirlfriend ka na, aminin mo!" akusa ni Clair habang ngumunguya ng pork chop.

Nagkatinginan silang dalawa, iritado ang inosenteng mukha ni Clair habang aliw naman si Venz.

I can't believe I'm in the middle of this secret exchange looks! O talagang halata at ramdam ko lang si Clair na may crush kay Venz? Mukhang normal lang naman kay Venz ang lahat, walang espesyal.

Aquil laughed as he reached our side, nakiupo siya sa tabi ni Venz na nasa harapan namin.

"Nagkagirlfriend na siya, pero hindi seryoso."

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon