MOTB 29

51.4K 2.4K 996
                                    

#MOTB29

"Statice, he has a girlfriend now."

She looked at me straightly in the mirror, bumuntong hininga ako habang inaayos ang buhok na kakatuyo lang mula sa blower. It's now aqua green, I just dyed it alone. Pag walang magawa sa bahay ay iyon ang pinagkakaabalahan kong panoorin sa internet para hindi na pabalik-balik ng salon.

"That's the reason why you dyed your hair, huh?"

I rolled my eyes. "Sort of?"

"Hindi ka malilinawan kung hindi ka magtatanong sa mismong girlfriend."

"I can't understand you! He's in a relationship now, okay? I heard it! They were kissing and I stalked him on internet yesterday because I couldn't sleep these past days after calling the number you gave me. He's currently dating Ashiel, his best friend way back."

"Oh, I thought you were best friends? Dalawa pala kayong best friend? Ibig sabihin, hindi ka pa rin the best." ngumisi siya at pinagpatuloy ang tinutuping mga damit ni Zio sa isang maleta.

"I hate you so fucking bad. Ako ang the best, sinabi niya sa akin iyon. Aasa ako, umasa ako. Pero mukhang tama ka, hindi na ako ang the best ngayon. Sige, pagbibigyan kita."

"Be matured, Embry. You're already nineteen and if you're confident enough that you're the best for him, bakit ka naduduwag ngayon? Just ask the girl, tutal makapal naman ang mukha mo. Kaya mo 'yon." malamig niyang sinabi. "I can feel that they're just some friends with benefits."

Namilog ang mga mata ko at binato siya ng isang nakatuping tela na nahawakan ko, halos magulantang ako nang makitang Calvin Klein boxer iyon at tumama sa kanyang mukha. Imbes na tumakbo na ako at matakot ay napaupo ako sa kama at humagalpak sa tawa habang hawak ang aking tiyan.

"Oh my God! I should've taken a pic or a video! You look so funny!" I was laughing so hard. "And send it to Zio!"

Naramdaman ko ang pagtadyak niya sa akin, gumulong ako at nahulog sa kama. Agad kong nasapo ang puwet at balakang ko sa sakit, I stood up and glared at her. Namumula ang mukha niya sa galit pero tahimik lang na nagpatuloy sa ginagawa.

"Malinis ba 'yon o gamit na?" mapang-asar kong tanong.

"It's clean. You stop talking or I'll throw you out of here, shrek with another color."

Nagtaas ako ng dalawang kamay habang natatawa. Pinasadahan ko ng mga daliri ang buhok at ngumiti ng malambing sa kanya, I looked down on her body.

"Wala ka pa bang laman?"

"Laman?"

"Buntis, hindi ka pa ba buntis? I want to have a niece or anything, basta baby."

"I don't need a kid yet."

"Huh? Tumatanda ka na, baka naman puwede mo nang matikman ang heaven o natikman mo na?"

"Eminence," mariin niyang bigkas. "Manahimik ka na, iyan ba ang natutunan mo sa asawa mo?"

Ngumuso ako at nagkibit balikat.

"Maybe, he's really a rude and brute person."

"Yeah, reason of your bruise?"

Kumunot ang noo ko nang babaan niya ng tingin ang aking braso, may pasa nga iyon at hindi ko napansin ito.

"Hindi sadya 'to, hindi naman siya bayolente at hindi ako papayag na pagbuhatan niya ako ng kamay. Baka ito 'yong nafrustrate siya sa akin kasi ayaw ko pang umuwi, he pulled me and yeah. That's it." I explained. "Not intentionally."

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon