MOTB 10

55.8K 2.6K 738
                                    

#MOTB10

Rekta is the tallest player in their team, siya ang pinakabata at siya pa ang pinakamatangkad. Hindi naman malalaki ang agwat nila sa height. I still can't believe he's only fifteen, his looks was already screaming manliness and maturity. Except when he's being annoying, it's weird that everytime he's holding the ball to shoot I'd smile automatically like it would cheer him in silence.

Huminga ako nang malalim at nanatili ang mga mata sa kanila, the game is still on the first minutes. I did not see this time coming, ngayon lang ako nakanood ng basketball game sa personal. Ang mga pinsan ko kasi ay sa malayong lugar o kaya sa school nila naglalaro kaya wala akong pag-asang makanood noon. Bukod doon ay hindi ako fan ng sports kaya nakakawalang gana, it was surprising today. Entertaining pala ang maging audience.

"Mga dayo ata iyong kasama nila Venz."

"Manileño raw, e."

"Ah, kaya pala ang gaguwapo!"

"Iyong isa nakita ko na sa internet, si Rekta Hontiveros. Modelo siya ng brand ng mga damit, paborito ni Kuya."

"Sino riyan?"

"Pinakamatangkad sa team nila Venz."

"Hala, siya nga pinakacrush ko! Oh my God, may Facebook ba siya?" hagikgik ng isang babae.

Sinulyapan ko sila sa aking kanan, naglabas agad ng cellphone iyong dalawa at kinulit ang kaibigan nila sa pangalan ni Rekta.

"Wala siyang Facebook, puro poser. Subukan mo iyong Instagram ng brand na minomodel niya. Akin na." kinuha noong isang babae ang cellphone at siya mismo ang nagtipa.

Huminga ako nang malalim at nilihis ang tingin sa kanila nang mapansin ko ang kapapasok lang na mga tao sa gate ng covered court. Namilog ang mga mata ko nang makita si Silvanus, Ledoux at Godfrey.

"Hey!" sambit ng makapal na boses ni Godfrey at sumenyas na huminto sa paglalaro ang mga nasa court side.

Helios and Abraham's forehead wrinkled while looking at them, tinanguan nila ang mga kasama kaya napahinto sila sa paglalaro. Lumapit sila Godfrey sa kanila, Ledoux' aura was so out of his character while tracing the players.

"Who's Venz Delagarza here?" Godfrey asked playfully.

Kumunot ang noo ko, maingat akong tumayo para makapagtago kahit papaano dahil gumagala ang tingin ni Silvanus. My heart is pummeling fearfully, suminghap ako sa kaba. Lumipat ako sa likuran ng mga babaeng nakakumpol at umuusisa na ngayon, nagtinginan sila Charde at Venz. Medyo hingal pa sila sa paglalaro. Abraham nods his head to point the Delagarzas, specifically Venz. Nagulat ako nang mabilis na kinuwelyuhan ni Ledoux si Venz, my heart thundered against my chest while watching the scene.

Charde immediately stepped in to pull Venz but Godfrey pushed him back.

"Hayaan mo silang mag-usap."

"That's not talking, dude." inis na sambit ni Charde.

"Tigilan mo ang kapatid ko, Delagarza." galit na sinabi ni Ledoux at mas humigpit ang hawak sa kuwelyo ng shirt ni Venz.

I knew it! Damn!

Kumunot ang noo ni Venz, tinulak niya si Ledoux para bitiwan siya pero hindi pinaulanan ang sinabi noon kaya lalong nagalit si Ledoux at tinulak din si Venz.

"You get it?" he asked firmly.

"I'm not a dog, Azcon."

Natawa si Ledoux at ginala ang tingin sa mga kasama ni Venz.

"Kayong lahat..." dinuro niya isa-isa sila Venz. "Walang karapatang humawak ng Azcon o Zobel, wala."

I feel so bad for Venz, masyado na iyong insulto pati sa mga nakakarinig sa kanila ngayon.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon