MOTB 16

57.8K 2.8K 1.9K
                                    

#MOTB16

My life was never good enough as the months go by around. Sa bahay namin ay mas lalong humigpit kaya hindi ako gaanong nagtatagal sa paglabas ko, inaabot lamang ng isa hanggang dalawang oras parati dahil nagtitext si Statice ng oras sa pag-uwi. Noong una ay galit pa ako dahil maaga niya akong pinapauwi pero kalaunan kong naintindihan na ganoong oras ang madalas na pag-uwi ni Mommy sa nakalipas na mga araw.

"Hindi na ako makatakas ng masaya, Zio." pahayag ko kay Zio nang makapag usap kami sa video call.

He smiled softly while writing something on his workbook, nasa study table siya ng kanyang kuwarto. May sarili silang bahay sa UK, doon din tumutuloy si Ledoux at ang iba pang Zobel at Azcon na lalaki.

"Madalas daw kasing maaga nauuwi si Mama, Embry." pagpapalubag loob niya. "Mas ayos na iyong may ilang oras kang nakakasama ang mga kaibigan kaysa ang mapagalitan, 'di "ba?"

Ngumuso ako at tumango.

"Tell me about your days,"

"Ayun! Hindi na nagnonobya si Rekta!" hindi ko alam kung bakit iyon agad ang gusto kong sabihin.

He chuckled. "And? What does it mean?"

"Sabi niya, hihintayin niya raw akong maging ready."

Nagtaas siya ng kilay at ilang saglit na napahinto sa pagsusulat, pero tipid na ngumisi rin at nagpatuloy.

"Maging ready?" tahimik niyang tanong.

"Oo, maging ready na makita siyang may girlfriend." medyo pumait ang panlasa ko sa huli.

When will I be ready to see him with a girlfriend again? 'Tsaka hindi ko naman alam kung tumupad nga ba siya sa pangako niyang iyon, he's living in Manila and his friends said that there's a lot of people around them more than in this province. Kung ganoon, marami pa ring babae at madalas ko siyang makitang may mga pictures sa Instagram page ng clothing line doon. May mga kasamang sexy na babae at magaganda, kung minsan ay nakalingkis pa sa kanya.

It was my frustration for the whole two months!

His eyes narrowed, napailing siya at natawa.

"Pag magkasama kayo, masaya ka?"

"Oo! Masaya siya kasama, e! Parang ikaw nga siya, Zio! Dahil sa kanya, hindi ako masyadong boring pag weekends. Pero masaya rin kasama ang mga kaibigan niya."

He nods. "Maybe you can call me when you're together, I wanna know him more."

Kumunot ang noo ko.

"Hindi mo ba ako pagbabawalan doon? I mean, this feeling..."

"What feeling? You like him?" he chuckled. "As long as it's not hurting you and you're happy. Who am I to stop you?"

"Kasi parang hindi na pagmamahal 'to ng kaibigan, e. Naguguluhan na nga ako, hindi ko alam kung dapat ko na bang pigilan o ano... pero, Zio, umaayaw na ako sa tradisyon. Tuwing maiisip ko na kailangan kong gustuhin ang isang Azcon, umaayaw ako dahil kay Rekta. Ganoon ang nararamdaman ko."

I couldn't really understand the feeling but slowly, I realized that this wasn't normal for a bestfriend because it should be platonic as what we were back then. Naiinis na ako sa kaisipang si Rekta ang gusto ko, hindi ang Azcon o Zobel. Siguro dahil wala akong alam sa kagustuhan dahil namulat na akong magpapakasal sa edad na bente uno, iyon ang kinagisnan ko kaya iyon din ang naiisip ko tungkol sa pakiramdam ko kay Rekta. He's the one I want to be with... not a relative as how we are promised inside the tradition.

Kumunot ang noo niya, marahan niyang sinara ang libro at humilig ang mga braso sa lamesa habang nakatitig. He looks suddenly uneasy, like he's in the deep thought.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon