MOTB 44

62.9K 2.8K 2.1K
                                    

#MOTB44

The party continues, halos hindi ko makuha si Jace sa kanilang lamesa. Rekta was feeding him when the food arrived in tables, panay ang sulyap ko sa kanilang lamesa. Naaabutan ko parati ang pagtawa ni Jace habang nakangisi si Rekta na tila may kinukuwento sa anak ko.

I'm sure he knows Jace as my son, sa itsura ni Jace ay hindi naman iyon maikakaila. Kahawig din siya ni Venturi at nakita na ni Rekta noon si Venturi, I just feel so empty. Para akong nakalutang, hindi ko alam ang mas lamang na nararamdaman habang nakikita sila.

Napag usapan sa aming lamesa ang kaarawan ni Jace, plano ko na ang ganitong selebrasyon para sa lahat. I want to formally introduce him, tatlong buwan na lang ay siguradong makikilala na siya ng lahat. Alam kong may mga magugulantang pa rin doon at hindi ko hahayaang mangialam pa sila Abuela sa paraan ko ng pagpapalaki kay Jace.

"Ang guwapo noong kaibigan ng asawa ni Atis, 'no? Parang nakita ko na rin siya noon na kasama nila Chart. Modelo pa iyan, e! Hindi ko lang talaga matandaan ang pangalan, minsan kasi malabo ang mata ko sa mga letra pero sa usapang bakat pag nakikita ko sa billboard. Ay naku! Dakila 'yan, sure ako!"

Nagtawanan sila Fab.

"Bwisit ka talaga."

"Oo naman!" Shell intervened jokingly.

Napatingin sila sa kanya, namula ang mukha niya dahil sa biglaang pagsasalita niya. Nakita ko ang pagsulyap niya sa puwesto nila Cali na kausap ngayon si Annunzio at iba pang Villareal, si Prian lang naman ang nasa lamesa ngayon.

"Hala? May past kayo?" gulat na tanong ni Hase.

"W-Wala," Shell chuckled awkwardly. "I mean, matalik ko kasi siyang kaibigan noon."

Yup, I could clearly remember them as best friends. Alam ko noon ang lahat, naririnig ko at nababalitaan. Hindi ko lang talaga naintindihan iyong parte na hindi siya kayang mahalin ni Rekta gaya ng parati niyang sinasabi sa akin noon kapag kinukumusta ko si Rekta sa tawag. I've seen him so in love with her, but maybe I was just blinded by the fact that I'd need to love someone else and forget him using the thought of he loves his girl best friend. I've been rooting for them since the beginning, kay Shell ako hindi nagselos noon dahil gusto ko siya para kay Rekta kapag dumating ang oras na maghihiwalay na kami.

My heart wrenched. Pero masaya si Shell ngayon sa kanyang pamilyang binuo kasama si Cali Segovia, and as far as I can see, Rekta is also happy for what he has now. I'm happy for them, I'm happy for all of us...

"So? Nakapa mo, ganern? True ba?" Bistre laughed.

Napataas ang kilay ko, mabilis din akong kumalma sa kaisipan. Hinayaan ko lang sila sa usapan kahit ramdam ko ang pagsulyap ni Shell sa akin. She bowed her head a bit and smiled.

"Well, he's a model. Lahat naman napapansin na iyon."

Humagalpak sila sa tawa.

"Sumbong." ani Prian sabay ngisi.

Shell giggled and put her index finger on lips. "Huwag naman."

Nagtawanan lalo sila.

"Seloso ba?" tanong ni Fab.

Shell shrugged.

"Si Rekta iyong madalas pagselosan ni Cali," halakhak ni Cyprian.

"Ay talaga ba, bi?" usisa ni Bistre. "Ba't ang tsimoso mo? Alam na alam mo pa kung sinong madalas pagselosan ng kambal mo, ha?"

"Bi, he's Rekta." muling pagdidiin ni Prian na tila may pinapahiwatig.

"Rekta? Rekta pasok, rekta labas?"

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon