MOTB 13

52.4K 2.4K 750
                                    

#MOTB13

On my birthday, I went out of my room early to have a breakfast with the family. I treat the morning normal, eating with them while they're talking about things out of my range. Tahimik akong ngumuya ng pancake, it's Monday and I think Statice will be going to class after this breakfast.

Hinanap ng mga mata ko si Annunzio, I saw him entering the dining area with his binder. Naghila siya ng upuan habang sinasabi ang pagbati sa mga magulang namin.

"Good morning," he then turned to me and smiles. "Happy fifteenth birthday, Embry."

My heart fluttered, I smiled at him shyly.

"Thank you."

Siya ang pangalawang bumati sa akin, si Rekta ay saktong alas dose ng madaling araw tumawag kanina kaya siya ang una sa lahat-lahat. Miski sa sarili ko, kinalimutan ko nga ang birthday ko!

"Sure." he nods.

Tumikhim si Mommy, unti-unti kong inalis ang ngiti sa labi dahil doon. Naupo na si Annunzio sa hanay ni Statice sa aking harapan. Nag-iwan siya ng isang espasyo sa kanilang pagitan gaya ng parati nilang puwesto sa hapagkainan. Napansin ko ang simple at malamig na sulyap ni Statice sa kanya, tahimik na nilapag ni Annunzio ang binder sa lamesa at inumpisahan ang pagkain kasabay namin.

"Happy birthday, bunso." nakangiting pagbati ni Daddy ang mas lalong nagpalambot sa aking puso.

I smiled broadly at him. "Thank you, Daddy."

Inaasahan ko pa rin ang pagabati ni Tatty at Mommy pero mukhang hindi iyon darating kaya sinantabi ko na lamang ang kaisipan. Daddy gazed at them like he's disappointed but he smiled to me again.

"You're now fifteen, what do you want to have more for present?"

That got me thinking... if I answer freedom? Can you give that, Daddy?

"Wala na po."

I shrugged off the negativity in my head. Kahit anong isip ang gawin ko roon ay hindi naman makukuha.

"Sigurado ka? Bags? New clothes or room renovation?" Dad chuckles. "Your room is still baby pink, you're not a baby anymore. Do you want some changes? The interior and your bed without a Princess' net?"

Humalakhak si Annunzio, that's the purest laugh I've heard in this house. Natawa rin si Daddy sa sariling sinabi.

"Dad, you're embarrassing the young lady."

Uminit ang mukha ko at agad umiling.

"H-Hindi, ayos lang."

"After my class today, let's paint your room." nakangiting anyaya ni Annunzio. "What do you think, Em?"

Pinigilan ko ang ngiti, it got me so excited inside. Ayaw ko lang ipakita dahil baka mawaglit pa, pakiramdam ko kasi may tutol parati sa kasiyahan dito kaya mas maayos kung huwag na lang magpakita ng katuwaan.

"You can just call a painter for that." ani Daddy.

"I like painting it myself, Dad. Of course with the help of our youngest beautiful lady here. Para may pagkakaabalahan din kami this week." Annunzio smiled.

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Kasi malapit na rin akong umalis." patuloy niya. "I want Embry to remember me even when she's alone in her room. She wouldn't feel lonely."

Dad nodded. Sumulyap siya kay Mommy. My heart wrenched rigidly hearing about his departure, magpupunta na siya ng UK para roon magtapos ng kolehiyo. Magiging mag-isa na lalo ako ngayon, wala na akong pag-asang makikita sa bahay na ito pag nakaalis na siya.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon