MOTB 30

54.5K 2.4K 957
                                    

#MOTB30

I meet Clairvaux in an open restaurant in Barcelona after having a tattoo, kumikirot pa iyon at sobrang pula pero tolerable naman siya. Gulat na gulat pa rin ako at hindi makapaniwala na may anak na dala si Clairvaux nang mapuntahan ko siya. She was in a pink stroller, chewing a small bread in her hand.

Kunot ang noo ko habang nakatingin doon sa babaeng baby, little Arki was playing with her hand. Hindi ko alam kung magkaedad sila o mas matanda iyong anak niya at binalutan ako ng kaba sa aking naiisip.

Is this her child? Iyong narinig kong pinalaglag? Kung bibilangin ang taon at buwan ay malinaw na iyon nga dahil eksaktong nabalitaan ko ay nabilang ko ang edad.

"A-Anak mo?" tanong ko nang balingan siya.

Clairvaux looked so matured now! Sa kanyang pananamit at kilos ay malayo sa huli naming pagkikita namin noon na magaslaw pa siya at maingay, she looks mature in a very good way as a mother of her daughter now.

"Oo," she nodded with a smile.

"P-Pero narinig kong... o iba ito?" I asked carefully.

She chuckled. "Siya nga iyan, she's almost two years old now."

Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong salita ang sasabihin upang maging kumportable pa rin siya sa usapan dahil alam kong makapangyarihan ang salita ngayon at baka masaktan ko siya.

"P-Paano?"

She sighed.

"We hid it by telling we decided to abort my child, I married Santino Zobel and he accepted it as his own."

Suminghap ako, naluluha ako roon.

"Oh my God..." I whispered. "Thank you for hiding it and for continuing your pregnancy."

"Abuela Emma helped us."

Kinagat ko ang aking labi, hindi ko na alam kung ano pa ang kagugulatan ko. Abuela Emma is a an angel in this tradition, I can't believe this. While helping Clairvaux, she's also helping Fab. She's the rule breaker helper, huh? I'll surely kiss Abuela Emma when she visits again.

"I love her." natatawa kong sinabi at pinaypayan ang sarili. "I'm so happy for you, credits to your husband who accepted this angel."

Mabuti naman at naisipan niyang itago at buhayin ang bata, akala ko ay talagang pumayag siyang maalis ang bata sa kanya noon. Hindi ko maimahe ang paghihirap niya sa ganoong edad ng pagbubuntis at pagkawala ng kalayaan lalo. Look at her daughter now, she looks a lot like Venz. Hindi ko na tatanungin kung sino ang ama, iyon lang.

She nods. "Yes, I love him for that."

"U-Uh, but... does Venz know?"

I'm happy for her, bilib din ako na mahal na niya ang naging asawa niya ngayon pero hindi ako panatag kung alam ba ni Venz.

"Yes, just this month." she said.

Mas lalong nalaglag ang panga ko. Tinitigan niya si Arki sa tabi ng anak niya.

"And this is Fab's son, right?"

"Ah, oo."

"He's so handsome." aniya. "How 'bout you? May anak ka na ba?"

Umiling ako at huminga nang malalim.

"Nakita na siya ni Venz?"

"Oo, he's currently staying in this place to see her. Mabuti nga at hindi siya masyadong nagalit sa akin noong ibalita ko, naiintindihan naman niyang nawalan ako ng kalayaan."

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon