1-Sleepless

4.7K 78 21
                                    


J's POV

Alas 11 ng gabi, di pa rin ako dalawin ng antok, nandito ako ngayon sa aking maliit na kubo. Gawa sa maliliit na kahoy na itinali ng pinung pinong baging ang sahig ng papag na hinihigaan ko. Di masyadong komportable dahil matigas pero may latag namang karton at sako para huwag pasukin ng malamig na hangin mula sa ilalim, naka jacket din ako at nababalot ng aking ever maaasahan na malong. Malalapad na dahon ng anahaw ang bubong ng kubo ko at matibay ang pagkakagawa nito Sabagay di naman na masyadong umuulan, Marso na kasi at tag-init na. Its been 3 yrs,  exactly 3 yrs bukas , mula nang pumunta ako dito para sa immersion and eventually nagpasya na akong mag stay for good.

BTW, introduce ko pala sarili ko sainyo, ako si Jema Galanza, former team captain at Queen Falcon ng Adamson Women's Volleyball Team at member/ Outside Spiker din ng Creamline Cool Smashers, the other half ng JeDean /Gawong. Pero iba na ako ngayon, ako na si Ka Jodi, medical/political officer ng isang yunit ng organisasyon  na naka assign sa liblib na lugar dito sa Mindanao . Oo multi-tasking ang Mare nyo, kailangan eh para sa Inangbayan .

Bakit kamo di ako makatulog?  Bukas na kasi ang dating ng mga bisita galing sa lunsod. Mga estudyante at manggagawa na makikidiwang sa anibersaryo ng organisasyon. Excited ako syempre, makikibalita ako tungkol k Baby Deanns. 2- taon na kasi mula nung huling makakita ako ng picture nya sa lumang dyaryo na pinambalot sa tinapa, sya din  ang nakakuha ng UAAP Season 81 Best Setter Award at sya ang playmaker sa pag champion ng ADMU Lady Eagles sa Women's Volleyball sa UAAP (galing talaga ng jowa ko no?!)author: "Jowa mo pa nga ba?" "Aba oo naman, sa pagkakaalam ko d kami nag break ah!" author: "Pero iniwan mo sya!" "Oo na, pero para sa amin din naman ito. Hindi magiging malaya ang aming pagmamahalan hanggat hindi malaya ang lipunang Pilipino. Saka wala namang napapabalita na bago nyang ka partner ah" author: updated ka ba? May access ka ba sa mga balita?o baka pasaway ka , tinitingnan mo yung mga social media accounts mo. "Hindi ah, mahigpit ang kapit ko sa disiplina no!"    Yun lang, naku si Author naman lalong di ako nito makakatulog . iniisip ko pa lang na may iba nang mahal si Deanns ay nagsisikip na ang dibdib ko, ikakamatay ko yata. Pero pumayat na ulit sya unlike nung happy together kami na nagka double chin na sya ( galing kong mag-alaga at magmahal di ba?) . KItang kita rin ang lungkot sa mga mata nya ( ako pa ba ang dahilan nyan Bb?)

Narinig ko rin sa radio minsan na gaya nina Ate Jia at Ate Ly ay kasali na sya sa national team kasabay nina Bea, Kat at Maddie at naka podium finish sila 3rd place sa Thailand at Japan, sayang, sana kung nandun ako baka ... yabang ko din noh? Hindi ko naman pinagsisisihan na iniwan ko ang career ko sa volleyball, mas higit akong kailangan dito napapakinabangan ng mas nakakarami ang pagiging teacher ko, medical officer din ako dahil yung training requires basic literacy at understanding ng Science so qualified ako. Kaya kong mag perfom ng minor surgery at ilang dental procedures like pagbubunot at paglilinis ng ngipin. Bukas, makikibalita ako sa mga bata siguro naman kahit paano nanonood sila ng sports news , graduate na din kasi si Deanns kaya wala nang UAAP update tungkol sa kanya. Nakatulog akong ang singkit nyang mga mata na may makakapal na kilay na nakakatunaw kung tumitig at red kissable lips ang tanging laman ng isip ko .

Sa unang tilaok ng manok ay nagising na ako, iminulat ko ang aking mga mata, nagmasid at nakiramdam sa paligid.3:45 ng umaga kritikal na oras, ganito kadalasan ang oras ng pag atake ng mga kaaway , di pa ako pwedeng mamatay, mamahalin ko pa si Deanns at papakasalan ko pa sya pagdating ng Tagumpay. Mukhang ok naman normal ang paligid, ganunpaman, mabilis akong bumangon at bumaba sa papag, mabilis kong hinablot ang ammo pouch at baril ko. Iba na ang sigurado, dali dali kong kinuyumos ang malong ko at sakong pansapin at isiniksik ito sa backpack. Pumwesto na ako sa likod ng isang malaking puno at patuloy na nagbantay hanggang sa magliwanag. Ganito ang routine ko araw – araw, kaya nga ba puring puri ako ng mga matataas na lider, kaya daw kahit minsan di pa napalaban ang grupo ko kasi ang sinop at strikto  ko sa seguridad. Mataas ang level ng pag ka alerto ang  hinihingi ko sa mga kasamahan ko, di kami pwedeng malagasan kahit isa dahil sa kakampantehan o kapabayaan .

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon