18 - Thunderstorm

1.1K 57 1
                                    


(Warning: Read at your own risk,mature content coming up. If you're uncomfortable, skip nyo na lang, ako man ay uncomfortable din, I just feel like I owe it to them, may mas hihirap pa ba sa pakiramdam na sinusupil ang karapatan mong maging proud at masaya sa piling ng mahal mo?)

Si Deanns naman ay nakahalatang na-sense ni J na may tao sa likuran nya kaya tahimik at mabilis na bumalik sa liguan, bitbit ang katol na nasa lupa malapit sa pinto iniwan ni J kanina.

Habang naliligo ay naguguluhan sya, bakit ba sya nagagalit kay Ka Yssa, nagseselos ba sya?, eh , sya nga itong may Ka Ricky na ah. Masama pa rin ang loob nya, wala na ang promise ring nila. Pinutol ang pagmumuni-muni ni D, nang biglang kumulog at kumidlat, kasabay pang bumuhos ang napakalakas na ulan, di na nya nagawang magbihis pa, tumakbo na sya pabalik sa kubo, suot ang sports bra at cycling shorts na nasa ilalim ng suot nya kaninang cargo pants. BInilisan nya pa ang takbo, alam nyang takot sa kulog at kidlat si J. Ito na yung nabalitang mangyayaring thunderstorm.

Tahimik sa kubo, walang ilaw, malamang namatay ang sindi ng gasera nang humangin. "Ka Jodi!" KA JODIIII!! JEMA, JEMMAAA!!!, tawag nya dito, walang sagot, kinapa ni D sa dingding yung cargo pants na nakasabit, tarantang hinanap ang lighter, alam nyang meron sya nito sa isa sa mga bulsa. Ito yung mumurahing lighter na may flashlight sa dulo. Inikot ang kubo tinanglawan ang mga sulok nito, hanap ang pinakamamahal nya, BABE!! BAAAAABE!! WALA!!!! "Shit! Asan ka na??!". Tinalon ni D paakyat ang attic ng kubo,alam nya sa isa sa mga kahon dito ay may nakatago silang emergency light, yung rechargeable, hanap, hanap, hanap, sa wakas nakuha nya ito, buti naman may charge.

Takbo si Deanns palabas, bitbit ang baby armalite, at naka-torch ang emergency light. Kahit malakas ang ulan, kulog at kidlat ay lumabas pa din ito, nagba bakasakali na matagpuan si Je, WALA!!

Basang basa na sya ng ulan, pero wala syang pakialam, si Jema lang ang mahalaga, baka may mangyari pa dun, d nya kakayanin! Bagsak ang balikat, bumalik na lang sya sa kubo, useless na maghahanap pa sya sa labas, baka may makapansin pa sa malakas na liwanag ng ilaw na dala nya. Sinindihan nya ang nakasabit na lampara, tiyak di na ito mapapatay ng hangin. Kumpleto ang mga baril nila, nandun din ang sling bag ni Jema. Knowing her di ito aalis na walang dalang baril at di rin nito iiwanan ang bag nya. ASAN KA NA BA KASI??

Teka, nakarinig ba sya ng singhot? , mahina lang, bitbit ang torch, muling inikot ang kubo at natagpuan nya sa pagitan ng magkakapatong na mga sako ng pantanim na mais ay nakasalampak sa sahig si Je, natatakpan ang mga tenga, umiiyak.

"Its ok, wala yan, thunderstorm lang yan!"-inaabot nya ng kamay nya kay Je, pero hindi pa rin ito tumitinag. Tinanglawan nya ito ng hawak na torch at nakitang nangangatal ito, puno ng takot ang mata. Naiyak si D sa nakita, what happened to you??Di ka naman dating ganyan. Lumuhod si D sa harap nito, hinawakan ang magkabilang kamay at inalis sa pagkakatakip sa tenga nito. BIgla namang kumidlat at kumulog nang napakalakas, napasigaw si Jema at humagulhol na ito.

Niyakap nya ng mahigpit si Je, just like the old times, yumakap din ito sa kanya, nangangatal pa rin ang buong katawan." Its ok baby, I got you. Titigil din yang thunderstorm". Pero tuwing kukulog at kikidlat ay muling manginginig si Jema, di ito humihinto sa pag-iyak, Hinapit ni D ang baywang ni Je at hinalikan ito sa noo, pinunasan ang luha mula sa mga mata nito. Tumungo si Je, iniiwasang tumitig sa mga mata ni D, pero hinawakan sya ni D sa baba at itinaas ang mukha, pilit na binabasa ni D ang emosyon sa malungkot na mga mata ng mahal nya, kanina pa nya gustong halikan sa labi ang mahal nya, pero baka sapakin sya nito saka, lalabas na tinatraydor nya si Ka Ricky ang CO nya, tiyak may disciplinary action yan.

Kumulog ulit, nanginig na naman ang babaeng yakap nya, to hell with DA!! Niyakap nya ng mahigpit si Jema, yumakap din ito sa kanya, hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito at hinalikan ito full in the lips, masuyo, malalim, nag-aapoy! Contrary to what she was expecting, hindi sya itinulak ni Jema bagkus ay ipinulupot nito ang mga braso sa leeg nya, gumaganti din ng halik si Jema,

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon