16b -Run away

813 51 11
                                    

At sumakay nga sa bus namin ang 2 sundalo. Ang isa na mukhang nakababata ay sa unahang pinto sumakay at nakatabi sa pagkakatayo ni Jema. Naka -shirt na color army fatigue ito, at nakasuot ng camouflage na pantalon, may nakapulupot na snipers veil sa leeg at may naka sukbit na M16 armalite. Yung isa ay katabi ko ngayon, naka suot ng full camouflage na uniform, pambaba at pantaas. Di naman amoy alak ang katabi ko, namumula at halos maduling ang mata na ngayon ay nakatitig sa akin, MSgt Alonzo ang nakalagay na pangalan sa patches. High ata sa drugs ito, kaya sumusuray ang lakad kanina. Habang umaandar ang bus, mabuti naman at malapit na sila sa bababaan nila. Hindi ko pinapansin ang nakatitig na katabi ko, may sidearms ito na cal 45 nakasabit sa holster na nasa may dibdib at may sukbit ding baby armalite. Na tense ang katawan ni Deanns ng makita nyang inaamoy amoy ng sundalong katabi si Jema. " Mate, sobrang bango nitong bebot na katabi ko, pwedeng iuuwi sa barracks ha ha!" parang asong nakangisi ito. Todo iwas naman si Jema. "Basta ba kayang mong iuuwi eh! Hindi mo naman siguro ipagdadamot sakin yan" sagot naman nitong katabi ko-sabay lick ng lips nya. Hinawakan si Jema sa magkabilang balikat at tangkang hahalikan ito, "iuuwi na kita Baby ha!" Paaak, ubos lakas na sinampal ni Jema ang bastos na sundalo. Aktong lalapit na si Deanns para saklolohan ang kasintahan nang tingnan sya ni Jema at umiling ito- naiintindihan nya naman na hindi nila pwedeng ilantad na magkasama sila. Huminga na lang ng malalim si Deanns, kuyom ang mga palad habang pinipigilan ang sarili.

"Sir, huwag nyo naman pong bastusin yang dalaga! Sabay tayo ng isang matandang lalaki. Nakilala ni Deanns si Ka Dolfo ito kapitan ng barangay Malinao, aktibo ito sa quick reaction team laban sa Human Rights violations.

"Huwag kang makialam dito" sabi ng sundalong napahiya sa pagkakasampal sa kanya ng dalaga. Bumunot ito ng baril – cal 38 at itinutok ito sa matanda. Natigilan ang matanda pero madaling nakabawi, "nakunan ko ng video ang ginawa mo, isusumbong kita sa media at sa mga opisyal nyo sa Brigada" sabay taas ng cellphone nya.

"Pakialamero kang matanda ka!" hinataw ni Alonzo ng butt ng baril nya sa batok si Kap Dolfo, unti-unting nalugmok ang matanda. Nagsisigawan na ang mga nahintakutang pasahero. Inihinto ng drayber ang bus .Di na nag-aksaya ng oras si Deanns binigwasan nya ng malakas na elbow strike sa may batok ang sundalong malapit sa kanya. Napatungo ito. Nakita nyang nakikipagbuno na rin si J sa nangbastos sa kanya, tantya nya'y kaya naman nito ang sarili. Pumihit paharap sa kanya si Alonzo kaya binigyan nya ito ng malakas na knee strike na tuluyang nagpalugmok dito, kinuha nya ang Baby Armalite nito at sinipa ito palabas sa bus. Pulang pula sa galit si Deanns. "D!!!" narinig nyang tawag ni Jema sa kanya. Hindi pa rin tinitigilan si J ng sundalong lango sa drugs. Mahigpit itong nakayakap mula sa likod, pilit namang nagpupumiglas si J. Nang makakuha ng tyempo ay binaril ni D ng kanyang Gloc at tinamaan sa tagiliran ang sundalo, parang naupos na kandila ito na bumagsak sa sahig ng bus.

"Huwag po kayong matakot, mga kasama po kami, hindi po namin kayo sasaktan." Pagpapakalma ni Jema sa mga pasahero ng bus.

"Salamat po sa pagtatanggol nyo sakin 'Tay! Ok lang po ba kayo?" sabi sa matandang bumabalik pa lang ang ulirat.

"Sige na Kasama, kami na bahala dito, baka may mabilis na makaresponde sa mga kasamahan nyan, malapit lang ito sa detachment." Bumaba na rin si J, isinuksok nya muna sa baywang ang cal 38 at binitbit ang M16 Armalite nang bumagsak na sundalo. Nakita nyang may kausap si D na ilang kalalakihan sa tabi ng highway.

"Mga tarantado, ibalik nyo yang baril ko o papatayin ko tong batang 'to!" – si Alonzo nang mahimasmasan pala ay biglang hinablot ang 5 taong batang babaeng akay akay ng kanyang ina habang naglalakad sa tabi ng kalsada.

"Icay, tulungan nyo po kami, si Icay ko, iligtas nyo po sa nagwawalang sundalong yan!" Palahaw ni Aling Nimfa, kilala ito ni D dahil isa ito sa tsismosang babaeng napangaralan nila dahil pinagmumulan ng mga awayan sa hanay ng organisasyon ng mga kababaihan sa baryong yun.

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon