9 - Encampment

1K 48 1
                                    

D's

Nagising si Deanns sa dahan dahang pag vibrate ng relos sa kaliwang pulso nya. Ah, 4 am, pero this time, di ako bumabangon para sa training, nandito kasi ako sa war zone at kabilin bilinan sa amin na siguraduhing gising at alert pag ganitong oras para ready kami sa anumang pwedeng mangyari. Mukhang normal naman ang lahat at saka malakas naman ang armas ng mga kasama namin, isang full platoon ata ng red fighters ang nakaalalay sa amin, at saka high powered din ang mga dala dala nila. Pero teka, asan na ba ang babe ko, nagtatampo kasi ako kagabi at saka sobrang pagod na ang naramdaman ko kaya nakatulugan ko na, pero alam kong naglatag sya ng mahihigaan sa ilalim ng duyan na tinulugan ko. Asan na ba yun . . . Pati bag nya, wala dito ah, maski baril,. Mabilis kong iniikot ang aking paningin at natanaw ko na sa dakong unahan, ay may malakas na liwanag. Ah, baka dun sila nagluluto. Nagpasya akong pumunta sa kung nasaan ang liwanag, baka may kape na. Nadatnan kong nakatalikod si Jema, nagtatakal ng bigas sa isang malaking malaking kaldero, umupo muna ako sa sako ng bigas na nakatagilid sa tabi. Humihikab pa ako nang dumating si Nay Mariel na may dalang maliit na planggana na may lamang pang- ulam ata. "Magandang umaga po Ka Mariel!"

"Ang aga mo ata Ka Deni, magandang umaga rin sayo!" Wala na bang masakit sa katawan mo? Yung mga kasamahan mo e hindi daw ata nila kayang bumangon".

" Ok naman po ako, mas dama ko po ang sakit ng loob ko kaysa sakit ng katawan ngayon."

Lumingon naman si Jema at natuwa na gising na ang kasintahan, mas mabuti at least hindi sya mag-aalala na baka di ito maagang gigising at kung magkaroon ng labanan ay may masamang mangyari dito.

" Nilagay mo ba sa bag mo yung duyan? Nakuu, mukhang pati gamit mo eh iniwan mo lang dun sa tent natin, balikan mo yun, tanggalin mo sa pagkakatali yung duyan at lagay mo muna sa bag mo, dalhin mo dito kasama na yung gamit mo para makapag kape ka na."

Lulugo lugong tumalima si Deanns, nagpro protesta ang kalooban nya, make sense naman ang mga sinabi ni Jema pero pwede nya naman itong iuutos na malambing gaya lang ng dati, ibang iba na sya. Mas nakakatakot pala ang Red Fighter na Jema Galanza. Mas fierce pa kaysa sa beast mode na Queen Falcon sa court.

"Anak, akala ko ba mahal na mahal mo yang kasintahan mo, e bakit sobra mo naman atang napagsusungitan, ang aga aga pa eh".

"Nakuu Nay, di pwedeng beybing beybi sya dito, dapat matuto syang maging tuso at alerto lalo na pagdating sa seguridad, para din naman sa kaligtasan nya ang inaalala ko".

" Kung makapag lecture ka, parang nagdesisyon na yang si Ka Deni na sumampa na at di na babalik sa Maynila". Isipin mo din baka mag pasya yan na umuwi agad." Kinabahan si Jema sa sinabi ng nakakatanda, was I too harsh on you Babe?"

Pagbalik nito ay nakasukbit na sa likod ang back pack nya, naka black shirt ito na v neck, naka black jogging pants at may nakatali sa baywang na checkered long sleeves polo. Ito na yata ang pinakagwapong fighter na nakita ko. Inilapag nito ang bag nya, pinasandal sa puno habang sinapnan ng malalapad na dahon na pinulot nya sa paligid. Ayaw atang madumihan ang back pack nya.

Si Deanns naman ay mabilis na lumapit kay Ka Mariel na napansin nya na parang nahihirapan sa gagawing pag prito ng laman ng dala dalang planggana, maliit lang kasi ang matandang babae at ang pagpiprituhan ay malaking kawali na nakasalang sa tungko na gawa sa malalaking bato. Mainit na ang mantika, "ako na po yan" magalang na sabi nya sa matanda. 

"Marunong ka? Baka mapaso ka" 

"Kaya ko naman po!."

" Ka Deni, isa- isa mong ilagay yang mga tinapa, medyo moist yan kaya baka magtilamsikan ang mantika at mapaso ka nga. Sabi ni Jema

Malamig syang tiningnan ni Deanns sumagot na " kaya ko na to, Salamat!" Sabay talikod. 50 pcs ata tong tinapa at isa isa kong ilalagay sa kawali, e di ang tagal nun?  Kaya bigla nyang inilagay ng sabay sabay ang 15 pcs atang tinapa. Dahil mainit na mainit na ang mantika ay nagtilamsikan ang mainit na mantka, pumutok-putok pa ito, rapid fire.

"Ouch!, ouch! Ouch" napatalon na si D palayo sa kalan at nakita nya si Jema na mabilis na tinakpan ng takip ng kaldero ang kawali

"Sinabi ko na kasi isa isa lang ang lagay di ba?, tingnan mo nga yan, dami mo sigurong paso dyan!"

Naka pout naman na tinitingnan ni Deanna ang mga natilamsikan ng mantika, mahapdi ang mga ito pero mas masakit na imbes na gamutin eh pinagalitan pa sya ni Jema, nakaka 2 ka na bb ha, komokota ka na. Di pa nga sumisikat ang araw

"What happened here? Good morning po sainyo lahat! Narinig po namin yung mahihinang putok at parang may commotion dito, ano po bang nangyari? Nagpunta na kami dito, hihingi po sana kami ng kape, kung meron na, - Si Abby, kasunod si Nicole at ang 1 pang babae na taga lungsod.

"O baby Deni. What happened to you?" Aba itong maharot na si Deanna ay ipinakita naman ang mga natilamsikan ng mantika, 

"Oh no, namumula na, here may toothpaste akong dala dito sa beltbag ko, lagyan natin, first aid daw sa burn ang toothpaste, I read somewhere." Nasulyapan naman ni Deanns sa tagiliran nya si Jema throwing death glares at them,

Akmang papahiran na ng toothpaste ni Ka Abby ang mga paso sa mukha ni D ng biglang "Don't touch her!" Biglang sabat ni Jema, "let me take care of that , may ointment ako for burns, wait kukunin ko lang."

"No, huwag na,mapapagod ka pa. saka yung sinasaing mo kumukulo na oh" malamig na sagot ni D. Mabilis na kinuha kay Ka Abby ang toothpaste at pumunta sa backpack nya na nakasandal sa isang puno, kumuha ng maliit na salamin at ginamot ang sarili.

Parang matutunaw ang puso ni J sa ginawa ni D, alam nya kasi na pinili nitong gamutin na lang ang sarili kesa patuloy pa syang magselos kay Ka Abby.

Tinapos na ni Ka Mariel ang pagprito ng mga tinapa para makapag-almusal na ang lahat. Maraming maraming gawain sa loob ng kampo, magtatayo ng mga eskwelahan- isa na pagpupulungan ng mga matatanda at isa na pagdadausan ng pag-aaral ng mga taga lunsod. Dagdag pa ang mga kubo ng mga kababaihan, mga bantayan, kusina, kubo ni Ka Jodi kung san nandun din ang mga gamit sa instruksyon at medical. Gagawa din ng mga kubeta at banyo . Sa gabi naman ay maghahakot ng supplies galing sa baba ng bundok. Pero ang lahat ay mag-uumpisa sa pangunguha ng mga kahoy na gagamitin sa mga itatayong istraktura, kasabay pa ang mga baging na gagamiting panali. Ang dalawang babaeng empleyado sa bangko ay niyaya ni Ka Mariel na tulungan sya sa pagluluto para sa lahat. Si Ka Nicole naman ay tutulong ki Ka Jodi sa pag-iimbentaryo ng mga dumating na babasahin na matapos mabilang at ilista ay hahati-hatiin para maibahagi sa iba't ibang mga teritoryo. Babalutin din ang mga ito. May mga gamut din na ililista para sa distribusyon. Si D ay nagboluntaryo kasama ng mga lalakeng manggagawa na sasama sa mga Red Fighters na papasok sa gubat para manguha ng mga kahoy at baging. 


One more for UD you fam! Bago pala ang aksyon sa UAAP starting sa 16th ay abang-abang din tayo sa pasabog ng mag bb sa first Valentines Day celeb nila 😊

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon