21 - Almost There

759 37 0
                                    

Bandang alas 3 na ng hapon ng gisingin ni Ka Deni si Ka Jodi para ipagpatuloy na ang kanilang byahe papunta sa kampuhan. Si Ka Jodi naman ay pinangatawanan ang pagpapanggap na tulog nga siya habang nagmumuni-muni kung paano na nga ba ang relasyon nila ni Deanns, Gulong gulo ang isip nya talaga.

"Ayan po, pang-isang linggong antibiotic yan para kay Kuya Ernie, isang tableta lang po bawat araw, tapos sana po ay mabilhan nyo din sya ng pang isang linggo pa para tuloy na maiwasan ang impeksyon, iniwan ko na rin po yung mga gamit at gamot na pang-linis sa sugat , kayang kaya na ni Rose yan" bilin ni Ka Jodi.

"Kuya Rod, kaya nyo na po yan na maipatimbang sa makalawa, hwag po kayong mag-aalala, may iniwan akong guide dun sa komprada kung paano kukwentahin ang mapaparte nyo, mag-uulat din po yun sa amin, tapos si Kuya Frankie, marunong na din yan mag-ayos ng mga partehan, sisikapin ko pong makabalik agad para matulungan po kayo sa assessment at para maplano natin kung paano pa lalaki ang produksyon dito sa niyogan nyo." Kasabay ng pagpapaalam ni Ka Deni."

"Apo, isama mo pagbalik mo si Doktora Ganda ha, para makapamanhikan na tayo, sabay kindat ng matandang Marcing,"

"Sana nga po Lo, makasama sya, kaso baka may iba na syang mga aasikasuhin,

Pero tyak po si Ka Ysabel, maisasama ko yun, pagbalik ng yunit. "

Ouch- tumungo si Ka Jodi, sakit naman nyan Deanns – niyakap naman sya ni Rose- "Hwag kang mawalan ng pag-asa, sayo pa rin po ako boto. Maniwala ka sa akin ikaw ang lab nyan ni Ka Deni" mapait ang naging sukling ngiti ni Ka Jodi.

Matapos ang isang oras ng tahimik na paglalakbay ng dalawa ay nakarating sila sa bungad ng isang malawak na kogonan, banayad na paakyat ito at sa kabilang dulo ay nandun ang pasukan sa isang masukal na gubat. Dahil palubog na ang araw ay kulay ginto ang kulay ng buong kogonan, napakaganda sana ng view, perong parang pinipiga ang puso ni D, si Je naman ay gulong gulo ang isip at masama pa rin ang loob na si Ysabel na ang gustong makasama ni D sa pagbalik sa koop.

"Brace yourself,patatakbuhin natin tong kabayo ng mabilis patawid dyan sa kogonan, tanaw kasi ito kahit sa malayo kaya dapat blurred na sa paningin if ever may makakita man, gusto mo pa rin ba dyan sa harap o palit tayo ng pwesto?"

Umiling lang si Je, wala na munang pakialam si D sa kung anumang iniisip nito, kailangan na kasi nilang magmadali na makarating sa kampuhan, baka d n nya kayanin pang mag-isip at gumalaw ng maayos.

Matapos siguraduhing mahigpit na nakatali ang basket na nalalagyan ng kanilang mga bagahe at baril ay pinatakbo na nga ni Deanna ang kabayo ng sobrang bilis. Gaya ng dati ay mahigpit nyang yakap si Jema mula sa likod, magkadikit na magkadikit ang kanilang mga katawan at magkasabay halos ang bawat hugot ng hininga. Kasabay ng hampas ng malamig na hangin ay malayang naglalandas din ang umaagos na luha sa mga pisngi ni Deanna.

Bakit ka ba umiiyak? Dahil di naman maiboses ni Jema ang kanyang tanong ay hinawakan na lang nya ng mahigpit ang kamay nitong nakayakap sa kanyang bewang. Halos kalahating oras ding tinakbo ng kabayo ang aabot sa 10 kilometrong daan sa kogonan bago pumasok sa gubat.

Pagkababa sa kabayo ay nakaramdam si Deanns ng todong kaba at takot, nanghina ang tuhod nya hanggang sa humulagpos na ang kanina nya pa pinipigil na damdamin. Napaluhod sya habang humahagulhol. Dahil di naiintindihan ni Jema ang nangyayari ay wala syang maisipan na tamang sabihin para i-comfort ang minamahal, nadudurog din kasi ang puso nya sa nangyayari kaya tumutulo na rin ang kanyang mga luha. Lumapit sya kay Deanns, lumuhod din at niyakap ito, "anong problema?" malambing na tanong nito. Umiiling lang si Deanns habang nakatungo. HInawakan ito ni Je sa chin at madahang pinaharap sa kanya, ...lungkot, takot, poot ang nasa mga mata ng sinisinta. Sana kasi ako lang sapat na para sumaya ka ulit – sa isip nya. "May magagawa ba ko para matulungan kita?" Umiling lang si Deanns, pilit na ngumiti sa harap ng kanyang pinakamamahal, hinawakan ang dalawang mga kamay nito, hinaplos haplos ang promise ring na suot at parehong hinalikan ang mga ito.

"Basta kahit anong mangyari, promise me kapag sinaktan ka, kapag malungkot ka, just let me know, I'll come running back to you!" at hinalikan ni Deanna ng madiin sa noo si Jema, na lalo namang nagpahagulhol na din dito. So iiwanan mo na nga talaga ako!-sa isip nya.



Ang saya naman, nanalo ang Lady Maroons sa Lady Spikers, excited na ako sa Battle of Katipunan, love ko kasi pareho ang Lady Fighting Maroons at ALE. Ateneo Motolite vs CCS feels lang. Pasensya na po sa short UD, distracted ako ng panalo ng girls, wala akong mahugot na emosyon.

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon