3 - In-charge

1.6K 51 4
                                    


Nagulat ako sa tunog ng alarm ng aking relo, 1:45 pm, oras na para maghanda para sa paglalakad papunta sa pagdadausan ng programa. Malayu- layo din yun, pero puro pababa naman kaya kakayanin naming lakarin ng hindi lalampas sa isang oras lang. Magaan lang naman ang dadalhin ko, yung mga importante lang dahil yung iba kong mga gamit ay nagawa ko nang itago kaninang umaga pa. Mula sa malayo at mataas na bahagi ay dinig na ang ingay na likha ng pagtitipon, tanaw din ang mga pulang bandilang nagwawagayway. Ang venue ay parang isang malaking kawa, open field sya na napapaikutan ng mga burol. May mga nakabantay sa apat na lugar kung saan mga daanan galing sa iba't ibang mga baryo. Nang makalapit kami ay naging mainit ang pagsalubong ng mga kasamahang naatasang maghanda ng programa, aabot siguro sa higit 300 ang mga bisita. Ang iba ay mga kakilala mula sa mga karatig baryo na naiikutan din namin. Kamay dito, kamay doon, bati dito, bati doon, may ibang mga galing sa bayan, mga guro at opisyal sa gubyerno na sumusuporta sa organisasyon. May taga local media din, pero bawal sila kumuha ng picture. Masusi kong tiningnan ang hilera ng mga panauhin - kahanay kasi nila sa upuan yung mga galing Maynila, tinitingnan ko kung may makikilala ako sa mga ito. Pero wala, wala man lang pamilyar sa mga nandoon. "Ka Jodi, pinapatawag ka po ni Ka Nestor, kakausapin ka daw" sumama ako sa binatang sumundo sa akin, kilala ko sya, si Alvin - anak nina Inay Tasing at Itay Pilo - sila ang pamilyang nag-alaga sa akin noong minsang nagkasakit ako at hindi ko kayang sumama sa paglalakad. "Binata ka na ah, di ko nabalitaan na sumama ka na pala, kailan pa?," " Noong pagtuntong ko po ng edad 18 kasi yun daw ang batas eh "Salamat po pala sa pagtuturo mo sa aking magbasa at magsulat, dahil dun mas mabilis kong naintindihan ang mga tungkulin at gawain natin."Sinalubong kami ni Ka Nestor mula sa kanyang kinauupuang bangko sa harap ng mesa kung saan nakapatong ang kanyang laptop at makapal na salansan ng mga papel . Sa pagkakaalam ko sya ang may pinakamataas na katungkulan dito sa Probinsya at mukha ngang tambak ang kanyang mga gawain. Pangalawang beses ko pa lang syang mameet, kulay abo ang mga buhok, katamtaman ang tangkad at may matalas na mga mata- parang mata ng agila at alam mong walang makakaligtas sa kanyang mga titig. Napaka soft-spoken ng matandang ito, malamig ang kanyang boses at kalmado ang kanyang mga pananalita, di mo aakalaing siya ay isa sa mga namumuno sa isang marahas na digmaan,

"Iha, ipinatawag kita kasi may ipapakiusap ako sayo, di kasi nakarating sina Ka Lora, may kilos ang mga sundalo sa dadaaan nila para makarating dito. Tatapatin kita, wala talagang maayos na paghahanda ang programa natin, tiniyak namin ang mga pagkain at seguridad. Pero yung bahaging kultural, wala pa itong plano. Pasensya ka na, biglaan ito. Ngayong tanghali lang din kasi sila nakapag-radyo na may harang sa dadaanan nila at kesa magsakripisyo pa alam ko namang kayang kaya mo itong angkupan kahit pa walang paghahanda. Andyan din pala sina Ka Arjon, kayong dalawa ang magtulungan. Nakausap ko na din sya .

Bigla akong kinabahan, sa higit 300 na audience na nakita ko sa labas , anong maganda at makabuluhang programa ang maihahandog namin gayong walang plano at mga ensayo? Bilang masunuring kawal kumuha na ako ng papel at nagsulat ng draft ng naiisip kong tatakbuhin ng programa, kinausap ko na din si Ka Nestor para magpatulong sa pagkumbinsi sa mga magtatalumpati.




Short update for you guys! Thank you for reading, hinay hinay tayo, dami kasing considerations. Promise, sisikapin ko tong maging exciting and maaksyon sa mga susunod na chapters. But please feel free to post your comments and recommendations, those will be highly appreciated. Wala pang ganap after ng Thailand trip ni Mare, at kalmado lang sila sa mga bashers na papansin 😊

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon