20 - Sa Koop

922 32 2
                                    


Isang oras pa ulit silang naglakbay hanggang sa makarating sa koprahan kung saan abala ang mga kalalakihan at kababaihan. Luto na ang unang salang ng kopra . May kanya-kanyang gawain ang mga naroon lahat ay may tokang gawain.

Todo ngiti ang lahat ng makilalang si Ka Deni ang dumating,

"Salamat naman, Ka Deni di mo kami natiis na di dalawin habang nagkokopra, tatadtadin na lang ito bago isako, patapos na din maglagas ng iba pang mga niyog, nabalatan na nga yung mga nauna o, higit 1000 yatang niyog ang naidagdag mula sa dati nating lagas, aba, ilang daang kilo din yun at malaki laki din ang madadagdag sa mapaparte namin. Tuwang -tuwang balita ng nakatatandang lalaki na nakangiting nakipagkamay sa dalawang bagong dating.

Proud na proud si Jema sa nakikitang respeto at pagmamahal ng mga masa kay Ka Deni.

"Halika Ate, dito ka muna po habang nag-uusap usap yan sila. Bago ka lang po ba?" tanong ng babaeng nagpakilalang si Rose na sinagot ni Ka Jodi ng iling "Habang nagkokopra yang kalalakihan, bukod sa pagluluto ng pagkain nila at meryenda ay tumutulong din kami sa pagtadtad kapag luto na ang kopra, may share din kami sa kita. Dagdag sa gastusin ko sa pag-aaral sa bayan. Dati po hirap na hirap talaga kami, buti dumating ang mga kasama, lalo na yan si Ka Deni at tinulungan kaming ayusin ang sistema ng trabaho dito sa nyogan."

"Parang kilalang kilala at malapit na malapit kayo kay Ka Deni no?" naibulalas na obserbasyon ni Ka Jodi"

" Ay oo, nagtagal kasi talaga sya sa pamilya namin, palipat lipat sa bahay namin at sa bahay ng mga kuya ko, minsan halos 2 linggo sya na iniiwan ng yunit nila dito sa amin , yun yung panahon bago itayo ang Koop, sumabay talaga sya sa lahat ng trabaho dito. Ang bait nya bukod sa ang ganda pa!"

Napangiti si Ka Jodi, " eh si Ka Ysabel ba, kilala nyo din?"

" A yun, partner yun ni Ka Deni sa koop, minsan nagpupunta din silang magkasama para pulungin sila Kuya, pero wag ka mag-alala Ate, mas bagay kayo, wag ka magalit sa tanong ko Ka Jodi ha, mahal mo na?"

Nagulat naman si Je sa tanong ng kabataan, "A-anong ibig mong sabihin? Bbat mo naman nasabi?"

"Alam naman namin kung ano si Ka Deni, nagkwento sya sa amin, saka napansin ko lang kung paano ka nya tingnan kanina. Bagay kayo, pareho kayong maganda."😊

"Lutuin na natin yang sinigang, paborito yan ni Ka Deni, para naman makahigop yan ng sabaw, kahapon pa kami walang matinong kain" pagbabago ni Ka Jodi sa paksa.

Palapit si Ka Deni, pawis na pawis - may dalang buko, mabilis itong binalatan at binutasan, inabot nito kay Ka Jodi ang buko, mabilis namang ininom ni Ka Jodi ang fresh buko juice, paborito nya kasi ito. Bagong pitas sa puno, masarap nga ito, matamis at malamig pa dahil medyo maaga pa naman. Matapos uminom, ay ibinalik kay Ka Deni ang buko, "may laman pa Ka Deni o, di ko kayang ubusin." Ininom na din ni D ang natirang sabaw ng buko, habang kinikilig na pinapanood ni Ka Jodi - wow, yun lang kinikilig na ko, naramdaman nyang parang namumula sya, naalala nya na naman kasi yung kagabi. Biniyak ni D ang buko, gumawa ng parang kutsara mula sa balat ng buko at kinutsara ng buo ang laman ng buko, matapos ay tumayo at lumapit ito kay Je, sinubuan nito ng laman ng buko ang minamahal, lalo pang kinilig si Je sa ginawa ni D. Narinig nila ang mahinang palakpak ni Rose.

"Sweet naman!"

Nang biglang nagsigawan ang mga kalalakihan, - may isang pinakamalakas ang hiyaw - Arraaaay. Patakbong pumunta ang dalawa kasunod si Rose sa koprahan.

Habang naglalaglag ng niyog ay natanggal ang karit mula sa tatangnan nito, nakaiwas sa nahulog na mga niyog si Kuya Ernie pero hindi sa karit na sumabit muna sa dahon ng niyog bago nalaglag. Bumaon ito sa kaliwang balikat ng lalaki, nagdurugo ang sugat. Basa na ang suot na damit nito.

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon