22- Touch Down

925 52 0
                                    

Kaunting lakad pa paakyat ay nakarating na talaga sila sa kampo, ang kabayo ay naiwan na sa baba, maayos na itinali ito ni D, may usapan na sila na dadaanan na lamang ito nina Kuya Frankie pag uwi ng mga ito, gagamitin din kasi ang kabayo sa pagdala ng mga kopra sa komprada. Bagamat pareho pa mugto ang mga mata ng dalawa ay parehong anyong masigla ang mga ito sa masasayang sumalubong sa kanila. Mahigpit na yakap ang salubong ni Ka Ysabel kay Ka Deni, - si Ka Jodi naman ay salubong ang kilay na yumakap kay Ka Mariel.

"Ano ba yan, buhay at kamatayan ang sitwasyong pinagdaanan nyo ng mahal mo, ba't busangot ka na naman dyan?"

"Ha?, pano nyo po nalaman? Tingnan nyo nga po kung gaano yan kaharot dyan sa isang Kasamang babae."

"Sus, selos ka na naman. Naikwento na kanina ng mga masang naghatid nung mga gamit na kinuha nyo. Anak, paalala ko lang yang sobrang pagseselos mo ang dahilan kung bakit di kayo ayos nyan ni Ka Deni." Napatungo si Je sa paalala ng matanda.

Lumapit naman si D hawak ang kamay at hila-hila si Ka Ysabel, ,magalang na nagmano at mahigpit na nakipag-kamay kay Ka Mariel at inabot ang mga dalang pasalubong .

"Nay, binilihan po kita ng Jelly Ace, Fita Crackers at saka Nagaraya, naalala ko po kasi na sabi mo na noong nakakalabas ka pa e, ang mga ito ang paborito mong bilhin sa bayan." Niyakap ni Ka Mariel si Ka Deni ng mahigpit bilang pasasalamat, natuwa sya sa pagiging maalalahanin ng batang mandirigma.

"Ako din po Ka Mariel, binilhan nya ng Hany na tsokolate, paborito ko din po kasi ito" - tuwang - tuwang pagkukwento naman ni Ka Ysabel.

"Edi, kayo na ang mga may pasalubong" yamot na bulong ni Je.

"sya nga pala, Ka Ysabel, ito si Ka Jodi, yung nakwento ko sayo noon, nahuli ni Je na kumindat pa si Deanns matapos syang ipakilala sa hila hilang kasamang babae.

Pag-untugin ko kaya kayong 2, kung di lang ako nagtitimpi talaga nakuuu! Nagulat na lang sya nang bigla syang niyakap ng babae sabay sabing "ang ganda mo naman pala talaga!"

"Kumain na kayo, maaga pa pero malamang gutom na kayo pareho dahil sa layo ng nilakbay nyo" pag-aalok ni Ka Mariel.

"Mamaya na po 'Nay, ok pa ako, di ako gutom, aayusin ko na muna po yung mga dala kong gamit, mabuti nang maumpisahan na agad ang pag-imbentaryo. Sumasakit ang mga mata ko dito."

"Sige, nandun sa kubo natin, dun ko na pinadiretso yung mga dala nina Frankie dahil alam ko namang di ka mapapakali hangga't di mo naayos yung mga yun." Walang paalam at walang lingon likod na iniwan ni Je ang ina-inahan at sina Deni at Ysabel na magkahawak kamay pa.

Mabilis namang binitiwan ni D ang kamay ni Ysabel nang makita na nakatingin dito si Ka Mariel. "Hindi mo ba susundan at kakausapin yun?" "Mamaya na po 'Nay pagod na pagod na po kasi yun, kanina pa mainit ang ulo nun" Mag-uulat na muna po ako kay Ka Fausto." At tumalikod na nga si D papunta sa kubo ng kanilang pinuno.

Nasa kubo ni Ka Fausto si Ka Nestor, mukhang may seryosong pinag-uusapan ang dalawa nang lumapit si Ka Deni. Naging mainit ang pagkamay ng dalawang matandang pinuno sa nakababatang mandirigma.

"Hihingi po ako ng paumanhin sa gulong nangyari sa baba, alam nyo naman na po ata ang nangyari, di naman po talaga namin pinapatulan hanggang sa noong sinaktan na yung matandang bgy captain. Naobliga na po kaming kumilos. Mabuti po nagkatulungan naman po kami ni Ka Jodi. Nagbilin na din po ako sa mga pwersa sa baba kung paano haharapin sa legal if ever may reaction. Hanggang sa huling nakausap ko po sa kanila ay wala namang reaction. Maayos po ang komunikasyon mula sa highway hanggang dito sa atin. Kasado lahat ang mga pwersa natin. Pero syempre kailangan pa rin po tayong maghanda"

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon