8 - Pagkamulat

1.3K 50 3
                                    

J's

Pano nga ba ako napunta dito sa digmaang ito sa liblib na baryo dito sa MIndanao?

2018: kahit naman kasi busy ako lagi sa training at sa lovelife, charot!  Syempre di naman ako bingi o manhid sa mga nangyayari sa paligid ko, nababagabag ako ng mga balita tungkol sa paglala ng kahirapan sa bansa, sa mga walang malay na pinapatay dahil daw sa drugs, sa walang kwentang grandstanding ng mga pulitikong napatunayan nang nagnakaw sa kabang yaman habang nasa pwesto at gusto na naman muling tumakbo at umupo sa pwesto. Graduate na ako at bilang guro, alam ko somehow na may obligasyon ako sa lipunan at sa mga kabataan. Lumaki ako sa kumportableng buhay dahil kapwa propesyunal ang aking mga magulang pero exposed din naman ako sa kahirapan ng ibang mga tao, kahit pa napapaligiran ako karangyaan lalo pa nang maging kami na  ni D – yayamanin kaya yun, nasa Chinese business circle ang dad nya . Lalo din namang naging maayos ang buhay namin nang maging propesyunal akong manlalaro sa Volleyball, Malaki din ang kita lalo pa't maganda din naman talaga ang performance ko lately dalawang beses lang naman kaming nag champion.  Lakas maka -inspire ni baby Deanns eh . Naputol ang muni muni ko tungkol sa mga nangyayari sa lipunan , nang mapansin ko ang isang grupo ng mga kabataan na may suot na hoodie at may mask, mabilis silang nagpipinta ng mga slogan sa tulay gamit ang kulay pulang pintura " Duterte ibagsak", China palayasin, Kabataan maglingkod sa bayan.   Ang tatapang ng mga batang to, sa isip ko, nang biglang may papadating na patrol car ng pulis, kitang kita ko na bumaba sa sasakyan, ang mga pulis habang ang mga kabataan naman ay hiwa hiwaly na nagsipagtakbuhan.  Paaak! paak! pak!  Nakita kung bumulagta sa may likuran ng kotse ko ang isang kabataan. Tinamaan nung isang namamaril na pulis, Sa takot ko ay binilisan ko na ang pagpapatakbo ng kotse ko pero naawa ako dun sa bata, ano na ba yung nagawa nyang kasalanan, pwede namang palitan ng bagong pintura ah, at kahit ako pa mag donate ng pintura . Para makalayo na sa gulong nasaksihan ko, lumiko na ako sa unang kalyeng nadaanan ko, pupunta pa ko sa Ateneo, pupuntahan ko si Bb, may training din kasi sila .

Pagkaliko ay napansin ko ang isang babaeng nakalugmok sa tabi ng kalsada, naka maong na jeans at black shirt , nakatungo lang sya,sa dami ng taong naglalakad sa bangketa ay walang pumapansin sa kanya. By instinct,dahil nakasanayan na namin na kapag may injured kahit pa sa kalabang team ay agad naming tinutulungan, itinabi ko ang kotse , bumaba sa sasakyan at nilapitan ang nakalugmok, Halika, sabi ko, nang umangat ang ulo nya ay nakilala ko sya , isa sya dun sa mga estudyante sa Adamson na nag pa picture sakin nung isang araw lang , pero duguan pala ang kanang hita nya na pilit nyang tinatakpan ng damit nya kaya sya naka lugmok kanina, dali – dali ko syang inalalayan at isinama sa kotse ko,

"Halika!", sabi ko ," dadalhin kita sa ospital",

"Hwag na po  Ate,  di pwde mas delikado salamat po!" 

"Naloloka ka ba? E delikado kung maubusan ka ng dugo, ano bang delikado sa pagpunta sa ospital."

" Basta Ate, salamat, pero bababa na lang po ako kesa dalhin mo ko sa ospital."   Unti-unti kong naintindihan, medyo slow ako dun ah, isa sya dun sa mga kabataan kanina at nabaril din sya nung pulis, sige, sama na lang kita sa apartment , dun, may first aid kit ako, baka kaya naman nating patigilin ang pagdugo nyan. Tumango naman sya. Biglang nag ring ang phone ko, naku, si Baby Deans,

" Yes Babe, on my way na sana ako, may emergency lang, I don't think I can fetch you pa, sorry , I love you!" Pa uwi na po ako sa apartment. Ikaw, kaya mo pa bang mag-drive?, I'm ok naman , no its not me, a fan was hurt . sige po I'll see you. Ingat sa pag drive ah, I love you."  And I ended the call.

" Ate, si Deanna Wong b yun? Request ko sana po ate Jems, wala na lang ibang makaalam nito. 

" wag ka mag- alala , ok naman yun si Bb ko, we can trust her."

"pero mayaman po yun di ba?"

" oo pero down to earth yun, kaya nga love ko eh he he!"

Dun nagsimula ang aking pagkamulat, una, binibigyan lang ako ni Misty – yung estudyante na tinulungan ko, ng mga babasahin na nagustuhan ko naman bukod sa factual ang presentation, maganda rin ang literary pieces nila, humahagod sa puso at alam mong makabuluhan. Sumunod ay nag pledge na ako ng support sa mga pangangailangan nila. Di naman kalakihan lalo pa at ini-instill sa mga members ang simpleng pamumuhay. Hindi naman nila ako pinapasama sa mga rallies at picket lines dahil tiyak daw pagpipyestahan ito ng media. Although makakatulong sa mileage ng mga issues ng mga marginalized sectors, delikado naman daw para sa akin kaya maging sa pagiging aktibista ay low-key ang mare nyo. Di ko naman na ito pinaalam ki Deanna dahil, malabo na maintindihan nya at baka pigilan pa ako nun, Di naman apektado ang relasyon namin eh. Pero nakokonsensya din ako, na there's a part of me that I was keeping from her .  Na ako na ang nagdecide kung gusto nya ba ito o ayaw nya talaga.

Hanggang sa, isang araw ay tinawagan ako ni Mama,isang araw na daw na nawawala si Papa. Hindi daw ito umuwi kagabi at di makontak sa phone nya.Takot na takot at humahagulhol sa phone si Mama.

Tarantang taranta kaming umuwi ni Mafe- my sister, sa Laguna. Pagdating namin dun ay nandun na si Papa, ginagamot ni Mama ang mga pasa sa katawan. Teacher si Papa at lider ng organisasyon ng mga teacher sa school nila. "OMG totoo pala yun nababalitang red tagging sa mga estudyante at guro. Dinukot si Papa, binugbog at pilit pinapaamin ng kung anu-ano, detained sya overnight at bago pinakawalan ay binantaan na mas malala pa ang mangyayari kung di bibitaw sa organisasyon nila. Pero matapang at maprinsipyong tao si Papa, sa kanya ko namana ang pagiging stubborn ko.

"Hindi nila kami mapipigilan, lalo na ngayon, first - hand experience ko na ang lupit ng estado sa mamamayan nito, wala na talagang ibang solusyon sa problema ng Pilipinas kundi ang magsama-sama ang mamamayan at itayo ang gubyernong mula sa at para sa mamamayan. Magagawa lamang yun, kung mapapabagsak ang inutil na gubyernong ito". Lecture ni Papa.

" Hinay hinay lang po Pa!" saway ko yung blood pressure nyo baka tumaas pa, saka isipin nyo din po kaming pamilya nyo, pano kami kung may gawin silang mas Malala pa sayo?"

"Pero anak, kailangang may magsakripisyo. Kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi tayo? Sino?"

" Kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi tayo? Sino?"

" Kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi tayo? Sino?"

" Kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi tayo? Sino?"

" Kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi tayo? Sino?"

Di nagtagal, sinabihan ako ni Misty na qualified na daw akong sumama sa immersion sa baryo kung saan naroroon ang mas maraming mga aping mamamayan at ang mga Red Fighters na tumutulong sa mga ito sa pagtatayo ng gubyernong papalit sa government. Immersion lang daw ito at nasa akin naman ang final decision kung mag stay ako o hindi. Habang nasa immersion ay mahigpit kong tinimbang ang mga consequences ng pag decide ko na mag -stay, yung mga iiwanan ko lalo na si Baby Deanns. Hanggang isang araw ay pinadalo ang yunit na pansamantalang sinamahan ko sa isang kasal, ng dalawang Red Fighters, accepted pala dito talaga ang same-sex marriage na nabanggit naman sa kurso na pinag-aralan namin. Kitang kita ko ang tuwa sa mata ng mga ikinasal, at sinabi ko sa sarili ko, dito ko papakasalan si Deanns,

Parang unti-unti nang nagkakatotoo ang matagal ko nang pinapangarap para sa aming dalawa. Sa ganitong pagmumuni muni ako dinatnan ng antok, halos alas 2 na ng madaling araw at 2 oras na lang ay dapat na ring bumangon para sa isang bagong umaga. Pero bago ganap na matulog ay tiningnan ko muna si Deanns na mahimbing na natutulog sa duyan ko. Humihilik pa ito ng mahina, sinapo ko ang noo para tiyaking di naman ito nilagnat sa sobrang pagod na pinagdaanan ng katawan nito mula pa sa byahe galing Maynila. Tyempong palubog na ang buwan at tumama ang sinag nito sa natutulog na mukha ng sinisinta, she is smiling in her sleep," sana ako lang ang napapanaginipan mo...., I love you Bi!"

OUR FAM IS GROWING EXPONENTIALLY!, Bago ako pumasok sa work ay hindi pa kayo umaabot sa 100 and now look at us and we're ranked 400+ dati ngayon ay tumaas na tayo sa 220th. Nakaka-inspire mag-update! Keep on sharing and please vote guys! Comment din kayo at suggest ng mga gusto nyong ganap. Ito na muna tayo bago pa ang  aksyon simula sa 16th. 😊 Labyo guys!!!

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon