So ayun, December 26, 2018 ko pa ginawa ito. Actually lahat ng tula ko before ko pa nagawa but ngayon ko lang ipapublish dahil ngayon lang ako sinipag.
Kasagsagan ito ng kasikatan ng bully, so ang tulang ito ay tungkol sa mga taong nabubully, nabubully sa pagmamahal. In short, natitaken for granted.
~~~
Bugbog o Dignidad?
Ni: Denzel SalazarBugbog o Dignidad?
May limang segundo kang pumili.
Bugbog o Dignidad?
Mamili ka.Kung bugbog ang iyong pipiliin,
Handa kang masaktan, sumugal sa pag-ibig
Kahit walang kasiguraduhang ika'y gusto din niya.Bubugbugin ka ng pagmamahal niya, pero sa kabilang dako, ika'y sasaktan din.
Pasasayahin ka niya, ngunit kapalit nito'y kalungkutan.
Papadama niya sayo'y ikaw lang pero kaya ka niyang palitan.Bugbog o Dignidad?
May limang segundo kang pumili.
Bugbog o Dignidad?
Mamili ka.Pipiliin ko'y Dignidad, upang maging malaya mula sa sumpa ng pag-ibig.
Maayos, tahimik na pamumuhay at malayo sa pahamak gawa ng pag-ibig.Magiging malaya ka't makakahinga ng mabuti,
Kung pipiliin mo'y dignidad.
Malayo sa sakit, malabong mabaliw.
Maaaliw sa simoy ng hangin, sa sumasayaw na puno, at kulay bughaw na kalangitan.
BINABASA MO ANG
TULA 101
Teen FictionAng librong ito ay may iba't-ibang lebel ng saya, kalungkutan, at iba pa. Bahala na kayo kung anong interpretasyon ninyo sa likhang gawa ko. DISCLAIMER: Huwag mangongopya/magpopost ng tulang hindi orihinal na nangaling sa utak ninyo. Huwag mandurug...