TULA || 10

18 2 0
                                    

Etong tula na ito, eto yung pinakapaborito kong tula sa lahat. Pinakaunang ginawan ko ng video presentation dahil kinailangan namin sa 21st Century Literature. Haha!

Ginawa ko din ito para sa aking EX. Early 2018s to, haha! Kaya nakamove-on na rin ako sakanya, matagal na rin and both of us are happy now. :)

Insert Magbalik by Callalily para mas madama mo yung sakit.

~~~

Magbalik
Ni: Denzel Salazar

Ang dating pag-ibig na punung-puno ng sigla,
Laging nasasabik sa tuwing nagkikita.
Biglang naglahi na parang bula
Parang kapeng sa simula lang mainit, at sa huli nanlalamig.
Umaasang muling magbabalik.

Laging nananalangin na sana'y marinig ng Diyos ang dalangin.
Maipagpatuloy at maibalik muli.
Umaasant mahanapan ng lunas ang kalungkutan,

Kahit na umabot ng ilang taon,
Kahit umabot ng ilang pagkakataon.

Nung unang araw, hindi kita nakapiling.
Nagising nalang ako sa silid ng kwarto,
Naalala kong hindi ka na pala akin.
Damdamin ko'y naghihinagpis dahil wala ka na sa aking piling.

Lumipad ang ilang araw, ganun pa din ang nadarama.
Walang gana, walang sigla.
Gusto ko lang itulog dahil gusto kong limutin ang nararandaman.

Umabot ng ilang linggo, iba na ang nararamdaman.
Gusto ko nang makapuling ka muli
Dahil di ko ramdam na ako'y kumpleto.
Inaawit araw-araw ang kantang magbalik.

Minsa'y di makatulog kakaisip, dahil ika'y laging nasa puso't-isip.
Naalala ang dating tamis ng pag-ibig, punung-puno ng saya at kilig.

(Pero... iisa lang ang sigurado ako...
Hanggang panaginip lang 'yon.)

Umaasang muling darating ulit,
Kahit na porsyento'y maliit.
Sarili ko'y di mapakali,
Atat-na-atat sa pagbabalik.

Kung hindi ka na babalik,
Okay lang sa'kin.
Pero tandaan mo,
Handa kitang tanggapin,
Kung babalik ka muli.

S/o EX! Happy ka na sana ngayon. Happy na rin ako sa life ko. :)

TULA 101 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon