Sa totoo lang, hindi ito nawawala sa isang relasyon. Hinding-hindi nawawala talaga dahil sabi nga nila, "Parte ng pagmamahal ang sakit."
May mga taong binabawi din ang kaligayahan natin.~~~
Alam niyo yun? Yung masaya na ang takbo ng relasyon ninyong dalawa? Masaya na kayo eh, sabay biglang may hahadlang, babawiin ang kaligayahan ninyong dalawa. Kung kailan masaya na kayo, biglang babawiin yung kaligahayahang tinatamasa niyo.
~~
Ansakit, dahil ang mga pangako ninyong dalawa ay maiiwan na lang sa ere't mapapako, mga plano ninyo sa buhay, mananatili na lang sa memorya. Hindi naman kayo nagkulang, pero may tao talagang eepal para lang masira kayong dalawa. Hindi mo matanggap dahil mahal na mahal mo yung taong yun, kaso may humahadlang.
~
Dedicated to sa taong nakakaranas nito.
Listen to the song Hanggang Kailan by Orange Lemons, Pagsuko by Jireh Lim, Magbalik by Callalily, and Here Without You by 3 doors down.
---
Hadlang
Ni: Denzel SalazarKa'y tamis ng pag-ibig, mapapawi.
Ka'y init ng kape, manlalamig.
Masayang paligid, tatahimik.
Masayang ikaw, tatamlay bigla.Dati, aabangan mo pa siyang tumawag sayo,
Magchat man lang, o mag message sayo.
Para lang kumpletuhin ang araw at gabi mo,
Mawawala na lang sa isang iglap.Ano bang maling nagawa mo sa kanila?
Bakit ganun na lang kalaki ang galit sayo?
Kaya ba binawi ang iyog kasiyahan
Dahil gustong humadlang sa relasyon ninyong dalawa?Dumating na ang araw, na hindi mo inaasahan,
Lahat na ng nangyayari, hindi mo ginusto.
Idadaan mo na lang sa tulog,
Baka sakaling isang araw, dumating ang araw
Na kayo'y magkabalikan.Lahat na ng pangarap, pangako ninyo sa isa't-isa,
Lahat ng masasayang nangyari sa inyong dalawa,
Mananatili na lang sa isang alaala, maiiwanan na rin sa ere.Hindi mo rin masisisi sarili mo, dahil di ka nagkulang.
Di mo rin gusto ang nangyari eh.
Pero, may mga tao pa rin na handang gumawa ng masama,
Mabawi lang ang kasiyahan ninyo.
BINABASA MO ANG
TULA 101
Teen FictionAng librong ito ay may iba't-ibang lebel ng saya, kalungkutan, at iba pa. Bahala na kayo kung anong interpretasyon ninyo sa likhang gawa ko. DISCLAIMER: Huwag mangongopya/magpopost ng tulang hindi orihinal na nangaling sa utak ninyo. Huwag mandurug...