TULA || 14

9 1 0
                                    

Eto, siguro lahat kayo naeexperience niyo ito. For sure makakarelate kayo dito, haha!

Hopefully nag-eenjoy kayo sa mga pinupublish kong stories. Naappreciate ko pagbabasa niyo! ♡

This is all about discrimination.

~~~

Linyang baluktot
Ni: Denzel Salazar

Ang aking nararamdaman ay hindi pwedeng tapakan ng sinuman,
Hindi mo pwedeng husgahan ang isang tulad ko.
Wag maliitin, dahil kaya kong makipagsabayan sayo, kahit ano pa yan.

Oo, ako'y may diperensya, ngunit
Kahit ako'y ganito, mukhang mas normal pa ako kumilos kaysa sayo.
Simple lang ang hinihingi sayo, pumasok ka.
Pero, hindi mo magawa.

Wag maliitin ang isang tulad kong naiiba sa inyo.
Hindi mo alam, na ang kaya mong gawin ay kaya ko ring gawin,
Di ko na kailangan pang patunayan sarili ko sa ibang tao, lalo na sayo.
Sayang lang ang oras ko.

Babae, Lalake, Bakla man o Tomboy,
Hindi dapat binabastos yan.
Tao rin sila, may karapatan silang mamuhay ng payapa.
Nararapat silang respetuhin at tratuhin nang maayos.

Hindi alintana sa atin kung ano man tayo,
Sino man tayo, anong estado ng buhay natin.
May diperensya man o wala,
Iba ka man sa paningin ng ibang tao o hindi,
Nararapat tayong respetuhin at magkaroon ng pantay-pantay na pagtrato.

TULA 101 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon