TULA || 9

12 1 0
                                    

Naipost ko ito sa facebook. Hanapin niyo nalang.

Galing noh, walang pamagat pero tinawag pa rin na tula. HAHAHAHA!

~~~

Tulang walang pamagat pero may patutunguhan pt. 2
Ni: Denzel Salazar

Ako'y tutula, mahabang-mahaba.
Dito natatapos ang tula, ako'y uupo na.
Parang tayo, wala nang patutunguhan, teka.. wala namang tayo kaya wala talaga.

Ang relasyong inaabangan ng lahat, nauwi sa wala.
Uultin ko, wala nga palang tayo.
Kaya wala dapat silang asahan sa ating dalawa.

Masaya akong nakilala kita, pero siguro oras na para bumitaw na.
Mahirap man para sa akin, pero salamat dahil nakilala kita,
Nakilala kita at napaligaya mo ako sa isang buwan lamang.

Napaligaya mo ako kasi naiparamdam mo sakin ang tamis nang pag-ibig mo, napasaya mo ko kasi sa tuwing nakikita kita, napapangiti mo ako,
Niyayakap mo ako, sinusuportahan mo ako sa gusto ko,
At higit sa lahat, inaalagaan mo ako kasi ayaw mo akong pabayaan.

Mamaalam na sa lugar na ating pinuntahan, mananatiling alaala nalang sa atin ang lahat.
Parang bula, na bigla nalang naglaho
Ang nararamdaman na biglang lumabo, na mas malabo pa sa inaasahan ko.

Ako'y tutula, mahabang-mahaba.
Dito na nagtatapos ang tula, ako'y uupo na.
Mamamaalam na ang isang sundalong sugatan, duguan, nasaktan sa labanan.
Paalam na, aking mahal, hindi ko na kaya.

Pasensya na, sa kathang isip ko
Nadala lang siguro ako ng pagmamahal mo,
Napakarupok ko, napakahina ko.
Kaya't magpapaalam na ako, aking sinta.
Hindi dapat kita ginawang mundo dahil kaibigan mo lang ako.

TULA 101 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon