Tinatamad ako maglagay ng description. Basahin niyo na lang yung tula xD
~~~
Panibagong Simula
Handa ka na bang makinig sa panibagong pahina sa librong isusulat ko?
Buksan ang iyong mga tenga, at makinig kung handa ka na.Isusulat ko na ang panibagong pahina ng aking buhay,
Lalagpasan na ang pangit na nangyari sa aking buhay,
Sa bawat dapa sa lapag, ako'y tatayo ng matuwid at pupunasan ang aking damit, sasabihin "Kaya ko to."Masayang aabante kahit na nasaktan nung huli,
Hindi ko na iintindihin yun.
Mas mabuting intindihin ko muna ang sarili,
Dahil kailangan ko 'yon.Pipiliing maging masaya, dahil yun ang gusto ko.
Dun tayo sa masaya, wag tayo sa malungkot.
Wag hahayaang ika'y masaktan muli.
Pero handang buksan ang puso't isip kung iibig muli.Maghahanda na ako, ng panibagong damit.
Sumisimbolo na mas hihigitan ko pa ang sarili, hindi katulad noon.
Alaala'y iiwan na, isasantabi,
At ako'y sasaya muli sa panibagong pahina ng aking buhay.
BINABASA MO ANG
TULA 101
Teen FictionAng librong ito ay may iba't-ibang lebel ng saya, kalungkutan, at iba pa. Bahala na kayo kung anong interpretasyon ninyo sa likhang gawa ko. DISCLAIMER: Huwag mangongopya/magpopost ng tulang hindi orihinal na nangaling sa utak ninyo. Huwag mandurug...