Ikaw ba, naranasan mo na bang gamitin ang imahinasyon mo, upang maranasan mo kung pano ka mahalin ng taong gusto mo?
Masakit diba na laging pagkagising mo, sasabihin mo, "Hay, panaginip lang naman 'to." Sakit diba? Huwag ka mag-alala, ako din. Dama kita. ;)
Pakinggan mo yung kantang Kathang Isip ng Ben & Ben habang binabasa mo ito.
~~~
Kathang Isip
Ni: Denzel SalazarSa tuwing ako'y nananaginip,
Lagi kang sumasagi sa isip.
Maya-maya lang tayo'y nag-iibigan,
At nagmamahalan ng walang lumalabag sa ating dalawa.Masaya tayo sa panaginip, laging naglalambingan.
Kumakain ng kwek-kwek sa tusok-tusok sa labasan,
Magkahawak ang kamay nating dalawa at masayang naglalakad habang nakatingin sa mga bitwin.Kapag ako'y namomroblema, ikaw ang nandyan. Dadamayan, pakikingan, at yayakapin mo ako.
Papasayahin mo ako, at higit sa lahat, patatahanin mo ako.Ganun din ako sayo, hindi kita pinababayaang saktan ang sarili mo.
Nagagalit ako sayo sa tuwing maglalaslas ka.
Kasi ayokong nasasaktan ka, kahit ako nalang, wag na ikaw.Nagising akong isang araw,
Normal na araw lang. Walang bago, walang kulay ang paligid.
Naaalala ko, nabuhay lang ako sa kathang isip, at alam kong hinding-hindi mangyayari yun.
BINABASA MO ANG
TULA 101
Teen FictionAng librong ito ay may iba't-ibang lebel ng saya, kalungkutan, at iba pa. Bahala na kayo kung anong interpretasyon ninyo sa likhang gawa ko. DISCLAIMER: Huwag mangongopya/magpopost ng tulang hindi orihinal na nangaling sa utak ninyo. Huwag mandurug...